THIRTY SEVEN
Gabi ng Linggo ay naisipan naming mag-date ni Maxine sa isang club dito lang din sa Taguig. We both promised to not drink hard liquors again dahil walang magda-drive sa amin pauwi kundi sya lang.
Of course I didn't tell Kei about the plan. Alam ko namang aayaw sya at ayokong mangyari iyon. I'm having a hard time adjusting myself with Kei. Hindi ako sanay na nagpapa-alam sa lahat ng ginagawa and getting text messages from him is kinda new to me.
Pakiramdam ko'y simula ngayon ay kailangan ko nang sanayin ang sarili kong makatanggap ng isa o dalawang mensahe kada oras.
"How do I look?" Maxine gets out from the wash room. She's all ready to go.
Tumango ako at ngumiti sa kanya. "You look good, always." puri ko.
Bumungisngis sya at muling pumasok sa wash room para muling pasadahan ang sarili sa malaking salamin.
I kept my phone inside my pouch and tied the lace in my sandals. Ipinaikot ko ang tali sa aking paa. Nang tumayo ako ay kaunti kong inayos ang aking buhok at nilagay ang iba noon sa harap ng aking balikat.
"Maxine, let's go." aya ko at tinungo na namin ang club. Saglit lang ang minaneho ni Maxine at agad kaming nakarating doon.
The place is nice, medyo marami ang tao at masikip ang bandang gitna. I held Maxine's hand to follow her lead. May mga kasama na sya roon sa loob. Inviting more friends is fun, ika nga nya.
I know she's hooking for some guy tonight at wala naman akong reklamo roon. The thing is that, I wouldn't want this to end with a one night stand. Natatakot ako para kay Maxine sakaling gamitin lang sya ng mga lalake.
"Sana ay may gwapo." aniya na ikinailing ko.
Ilang mga hakbang lang ay nakarating na kami sa kumpol ng kaniyang kaibigan. She says some of them are working for her. Some are friends of friends.
Siguro ay sampo o lagpas pa ang naroroon. The number of guys is just equal with the number of girls. Sa gilid ay may espasyo roon na hindi pa nauupuan.
Nang humarap kami sa kanila ay mabilis na tumayo ang isang maputing lalake. He held his hand for Maxine and kissed it.
"Medyo late." aniya at napansin ko kaagad sa kanyang boses na hindi ito diretsong lalake.
"At least dumating pa rin." kinurot nya sa tagiliran si Maxine bago ito lumingon sa akin. "My bestfriend, si Chloris Buenafuerte. You know her?"
Napatingin sa amin ang lahat. Ang iba ay napainom sa kanilang mga alak habang nakatitig sa amin.
"Sya iyong sikat na designer, hindi ba? I heard about her." saad ng kausap ni Maxine at nginitian ako. Inabot nya ang aking kamay at malugod ko iyong ibinigay sa kanya. "Oh, you're so pretty!"
Ngumiti ako. "Thank you."
Inaya na nila kaming maupo. Isa isang ipinakilala ang mga nasa couch at binigyan na kami ng maiinom.
They tease Maxine in one of the guys. Tumatawa ako habang nakikitang pulang pula na ang mukha ng kaibigan ko.
I just stopped laughing when I felt my phone inside my pouch. Agad ko iyong kinuha at palihim na tinignan ang mensahe.
From: Kei
I'm home.
Iniangat ko muna ang mata ko. Max is busy laughing with some of her friends kaya't ipinagpatuloy ko ang pagtitipa ng mensahe.
To: Kei
Mamaya pa kami uuwi.
May inasikasong trabaho si Kei kaninang hapon at iyon ang pinuntahan nya. I already said we're having dinner outside kaya't alam nyang aalis kami ni Max but he doesn't have any idea that we're just going to the club.