TWOSouth Bridgeforth Academy, a school for elites and a jail for me. Kung mayaman ka at hindi mo maalagaan ang anak mo because you are more focused on your work then you should send your child to this school. Professors will be their new parents, new guardians and new family.
They have 8 dormitories. The east part is for girls and the west for boys. Makakalabas ka lang sa school na 'to kung may parents consent pero kung wala, mabubulok ka sa loob ng school na 'to. No worries because they have mini town and park kaya lahat ng kailangan mo, andito na.
When the clock strike at 9:00pm, you should not go outside your dorm. Going to opposite dorm is strictly prohibited kaya umuusok na ang ilong ko ngayon dahil nandito sa kwarto ko si Kei. "Ano bang pinag-iisip mo, ha?! Bakit ka pumunta rito? 'Pag may nakahuli sating Professor ay lagot tayong dalawa!" galit na sermon ko sa kanya.
"May gusto akong sabihin sayo." napataas ang kilay ko sa sinabi nya.
"Then you should have said that earlier. Sinusundan mo ko kanina, diba? Dapat kinuha mo na ang oras na iyon para sabihin yung dapat mong sabihin!"
"Why are you so mad?" tanong nito na seryosong nakatingin sakin.
"Because you are so stupid!" sigaw ko pero agad din naman akong napatigil sa sinabi ko at napatingin sa kanya. Hindi ko dapat sinabi yon. "I... I'm sorry-" bigla nalang syang tumayo at naglakad papunta sa bintana. "Hey, what are you doing?" takang tanong ko rito.
"I'm leaving." mahinhing sabi nito at pagkatapos ay mabilis na tumalon papunta sa sanga ng puno. Ako pa yung muntikang atakahin dahil sa ginawa nya. For Christ sake, wala ba talaga sa tamang katinuan itong si Kei? Hindi 'to gagawin ng normal na tao.
"Wait!" sigaw ko ng makababa na sya ng puno. Tiningala naman nya ako pero hindi sya sumagot. Nakatingin lang sya sakin na parang nag-aabang ng grasya.
I swallowed hard. Bakit bigla akong kinabahan? Nilihis ko yung tingin ko sa mata nya. "A-ano ba yung gusto mong sabihin sakin?" mahinang sabi ko pero tama lang para marinig nya sa ibaba.
"Chloris!" tawag nito sakin kaya napatingin ako sa kanya. Mukha kaming Romeo and Juliet pero hindi. We're far from that. I'll never be Juliet and he'll never be my Romeo. "I'll court you."
Muntikan na kong mahulog sa bintana ko ng marinig ko yung sinabi nya. Did he just said that he'll court me. As in ligaw?
"Ha! Are you kidding me Hendricks? Hindi ka nakakatawa kaya umalis ka na." tumalikod na ako sa bintana at naglakad papunta sa kama ko pero agad din akong huminto at bumalik ulit sa bintana.
"Kung nagsasabi ka nga ng totoo, my answer is no. Hindi ako magpapaligaw sayo at never akong magpapaligaw sa isang katulad mo."
Tumalikod na ulit ako pero bago pa ako makalad palayo, narinig ko ang huli nyang sinabi. "I didn't ask for your permission, Chloris. I just wanted you to know, goodnight."
Parang nakipag-marathon sa takbuhan yung puso ko sa sobrang bilis ng tibok nito. How could you do this to me Kei?! Sa tingin mo ba makikipaglaro ako sayo? There is no way that I will fall for your trap.
Yes, that's right! Trap lang ang lahat ng 'to. Since bata palang kami, pinipikot na ako ni Kei. Malay ko ba kung ganyan din yung sinasabi nya sa lahat ng babaeng nagtatapat sa kanya ng feelings!
Gosh! Nakakainis talaga sya! Mas lalo ko tuloy syang naiisip at ayoko ng ganito!
"Chloris, you're staring at Edgar the booger boy. Like really? Are you two dating now?" ngumisi ako ng pilit at mataray na tinignan si Max ng matalas. "Anong pinakain nya sayo para titigan mo sya ng ganyan? Yung kulangot ba nya ha? Answer me Chlo!"
"The f's wrong with you Max?! May iniisip lang ako at nagkataon lang na napa-tulala ako sa gawi nya!" naiinis na sagot ko. Tama ba namang pag-isipan ako na tinititigan ko yung nakakadiring classmate namin?
"Ohh, so sinong iniisip mo? Si Kei ba?" nagsimula na naman po syang mang-asar. Hindi ko talaga alam kung paano ko natagalan ang babaeng 'to.
"No." hell yeah! Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa kanya pero asa namang sasabihin kong tama sya ng hula.
"Well speaking of that devil, sinilip ka nya kanina sa pintuan pero busy ka sa kakatitig kay booger boy kaya hindi mo sya napansin. Ayun, umalis na nakakunot ang noo."
"Totoo?" hindi makapaniwalang tanong ko. Pinuntahan nya ko kanina lang? Bakit hindi ko napansin? Shit! Bakit ba kasi tulala ako! Mukha pa naman akong ewan pag natutulala ako!
Oh no. Calm down Chloris. Ano naman kung nakita nya akong tulala? Wala dapat akong pake sa kanya.
"Yup! Hindi ako sinungaling no." pagtatanggol nya sa sarili nya. Pagkarating ng teacher namin ay mabilis na kaming nagsiayusan ng upo.
"Max, hintayin mo naman ako!" uwian na kasi at etong si Max ay nagmamadaling umuwi sa di malamang dahilan. Kanina pa sya hindi mapakali at nagpapawis pa ng husto kahit malakas naman ang aircon sa classroom namin.
"No Chlo! Puntahan nalang kita sa room mo ha? May... may dapat pa kong gawin mag-isa." hindi na ako nakapag-react kasi nakatakbo na agad sya palabas ng classroom. Pagdating talaga sa takbuhan, nangunguna lagi sya.
Tumingin ako sa pintuang pinaglabasan ni Max. Hindi na nya naisara ng maayos yung pinto dahil sa pagmamadali. Pero andyan kaya si Kei sa labas? Aish, bakit ko ba sya iniisip?
Naglakad na ako ng mabagal paalis. Bigla akong kinabahan! Pagkalabas ko ay hindi na ako nagulat pa. "Do you love him?" out of this world na tanong nitong lalakeng sumusunod sa akin.
"I don't know what you're talking about." ano nga bang pinagsasabi nito? Ako ba kausap nya? Lumingon ako at nakita ko syang malungkot na nakatingin sa baba. "You are not trying to be cute, aren't you?" pukaw ko sa atensyon nya.
"I don't know what you're talking about." aba'y talaga naman! Konti na nga lang yung salitang binabanggit nya, kadalasan ay hindi pa maganda!
"Are you mocking me, Hendricks?! Huh! Ganyan ka ba manligaw?" iritadong sabi ko rito. Nakapa-meywang pa ako habang masamang nakatingin sa kanya.
"Why would I mock you?" kalmado nyang sabi. I hate it when he's being like this! Painosente! "I'm courting you but you're looking at another guy. Are you cheating on me, Buenafuerte?"
Napalunok ako sa tanong nya. Bigla atang nanuyo ang lalamunan ko sa tanong na 'yon. "Are you accusing me of something that I didn't do?!" pasigaw na sabi ko.
"I caught you in the act." hindi nya binura ang nagpapaawang mukha nya. Akala mo'y aping api sya sa kwentong 'to kahit ang totoo naman ay ako ang pinapahirapan nila. Lalo akong nabubwisit sa nakikita ko.
"Shut up Kei and get lost! Napatulala lang ako kay Edgar kanina. I'm not cheating on you stupid!" tumalikod na ako sa kanya. Sa tingin nya ba ay cheater ako?
"Ayieee... May LQ dito." asar sa amin nung isang dumaan. Classmate ata ni Kei.
"Manahimik ka nga! Extra ka lang dito!" napapaligiran ako ng mga abnormal. I need to escape. Nagmartsa na ako paalis sa lugar na 'yon. Kahit kailan talaga ay bwisit 'yong Hendricks na 'yon!