SIXTEEN
"Bye, Kei! Salamat sa paghatid!" kumaway si Maxine kay Kei nang makarating kami sa dorm. Saglit ko lang syang tinignan. Ngumiti sya ng kaunti kay Maxine pagkatapos ay tumingin sa akin. Tumalikod na ako para pumasok sa loob. "Bat parang hindi ata kayo nagkausap ngayon?" tanong ni Max habang papunta kami sa sariling kwarto.
"Wala kaming pag-uusapan." kanina ko pa iniisip ang sinabi ni Maxine noong break time namin. I can't believe Kei actually did that. I felt guilty. Pinag-isipan ko sya ng kung anu-ano while all he did was to find me.
"Pero humingi ka na ba ng tawad sa kanya? Pinag-alala mo talaga sya ng sobra." wala akong isinagot doon. Parang gusto ko pang magpasalamat dahil malapit na ako sa aking kwarto.
"Maya nalang Max." nagpaalam na ako sa kanya. She tapped my shoulders at nagpatuloy na sa paglalakad patungo sa sariling silid.
Pagkasara ko ng pinto ay napatigil agad ako. Isinandal ko ang likod ko roon at ibinagsak ang bag sa sahig. What am I doing with my life? Kalahati ng nangyari ngayong taon na ito ay parang naging kakaiba.
My life before was so simple and quiet. How come it became this complicated? Kung dati ay sumasabay lang ako sa agos ng mga nangyayari sa akin, ngayon ay napaka-halaga na ng desisyon at sasabihin ko para sa ibang tao. It is really true, the more you aged, the more you experience hardships in life.
Ibinuga ko ng marahas ang aking hininga hoping all these things could come out with that sigh.
Buong magdamag ay ginawa kong busy ang sarili ko sa pag-aaral. Minsan ay ginuguhitan ko ng kung anu-anong mga drawings ang likod ng aking notebook kapag nagpapahinga. Minsan ay binubuksan ang ilang social media accounts ko.
Nakataas ang dalawang paa ko sa aking silya ng dumako ang atensyon ko sa twitter account ni Maxine. I just read her previous tweets. Wala talaga akong magawa hanggang sa maisipan ko nalang ayain si Maxine para makapag-dinner na kami.
Days went and I've found out that Kei joined the soccer team before the school year ends. Hindi ko lubos natandaan na ako nga pala ang humingi sa kanya ng pabor para sumali sa team.
"Kailan ang balik mo?" hawak ko ang aking cellphone habang naglalakad sa airport. Magba-bakasyon ako sa Hawaii ngayong summer. Kung nalaman ko lang ng mas maaga na pupunta palang Maldives si Maxine kasama ang pamilya nya ay sana ipinagpaliban ko nalang ang pagha-Hawaii at sumama sa kanila.
("One week lang. Ikaw? Are you sure you're okay to be alone?") tanong nya. Ngumuso lang ako. Sana ay may family trip din kami, but I won't demand for that. Kaya nga ako itinapon sa Bridgeforth dahil hindi ako kayang bigyan ng oras ng pamilya ko.
"Don't worry, Max. Kasama ko ang pinsan ko. Parating na siguro iyon." hindi agad sumagot si Maxine sa kabilang linya.
("Okay, just enjoy your summer, ha?") her voice sounded so sad. I know she feel sorry for me pero ganon talaga ang buhay. Hindi lahat kayang ibigay ng pamilya mo. Dapat nga ay magpasalamat pa ako dahil ganito ang estado ng buhay ko.
Ilang saglit akong nag-antay sa loob ng eroplano nang dumating ang pinsan kong babae. Umiksi ang dating mahaba nyang buhok. Her short hair is bronze and curly. Tinatakpan ng puting summer hat ang itaas ng ulo. She's also wearing a white dress, hanggang itaas ang kanyang tuhod ang haba nito.
Ngumiti sya sa akin ng malapitan ako. Behind her is her bodyguard. Tumayo ako para salubingin sya ng yakap. "You're over an hour late, Jewel." wika ko sa kanya. She's a little bit shorter than me.
Hinawakan nya ang magkabilang pisngi ko nang magkahiwalay kami. "Sorry! Si Papa kasi eh, madami pang sermon bago ako pinaalis." she giggled and pinched my cheeks.