TWENTY TWO

20.3K 617 65
                                    

TWENTY TWO

Nakaupo kami ngayon ni Maxine sa damuhan katapat ang soccer field ng aming school. May practice ngayon ang mga bagong sali ng soccer team, isa na roon si Kei. Kung hindi lang ako pinilit ni Maxine na manood ngayon ay hindi naman ako pupunta.

"Ang cute ni Kei sa suot nya!" humalakhak si Maxine. Kahit ayokong ngumiti ay napapangiti pa rin ako. Kei wearing the team shirt is indeed cute. Naka-shorts pa sya at mahaba ang kanya medyas.

May kumausap sa kanyang matatagal na sa team. Si Kei naman ay pinapakinggan ang mga iyon habang nilalaro ang bola gamit ang kanyang mga paa. He really knows how to kick that white ball. Kung ako siguro ang gumawa noon ay kung saan saan na iyon tumama.

"Maxine! Andito rin pala kayo!" sumilip si Eclaire sa amin. May dala syang mga pagkain at malaking inumin ng tubig. "Paupo ako. Manonood ako kay Kei. Kanina pa ba sila nag-umpisa?" tumabi sya kay Maxine. Nangunot na naman ang noo ko.

For the past weeks ay palagi syang sumama sa amin. I don't really talk to her. Kapag naman may itinatanong sya sa akin ay sinasagot ko na iyon ng maayos ngunit kung kwentuhan ay hindi ako nagshe-share sa kanya ng kahit ano.

"Hindi naman, medyo kakalabas palang nila. Ang dami rin palang freshmen na gustong sumali sa team." sagot ni Maxine sa kanya.

Inilabas ko ang libro sa aking bag. May quiz kami sa isang araw. Magre-review nalang ako.

"You want?" nakita kong binigyan ni Eclaire si Maxine ng pagkain. Kinuha naman iyon ni Max bago ako inalok sa ibinigay sa kanya. Tumanggi ako at muling binasa ang nasa libro.

"Start na!" napatingin ako sa field. Nagsimula na silang mag-stretching kanina pagkarating namin. Ngayon ay tinatakbo nila ang halos kalahati ng field. Napatulala ako kay Kei, pinanood ko sya habang tumatakbo.

I thought he's physically weak. Iniisip ko nga na isang pitik lang sa kanya ay tutumba na sya. And now, look at him, ang ganda ng bawat kilos nya. Seems like he's been trained before to play this game.

"Go Kei!" tumayo si Eclaire at kinawayan si Kei sa field. Ngumuso ako. Kei looked at us because of Eclaire's voice. Ilang segundo lang ay sa akin na dumiretso ang mga tingin nya.

Panay ang sigaw ni Eclaire para i-cheer si Kei. Akala mo naman ay may laban kung maka-sigaw ang isang 'to. I closed my book. Wala na ring silbi ang pag-aaral kung ganito ka ingay. I just watched them kahit wala akong naiintindihan sa ginagawa nila.

I want to look at other players too. May mga lalake rin naman doon na may itsura ngunit talagang nasasapawan sila ni Kei. His charisma was just all over the place. Siguro ay kasalanan nya rin kung bakit maraming nanonood na babae ngayon dito.

Ilang oras din ang nilagi namin doon bago tuluyang tumirik ang araw. Naghanap kami ng masisilungan sa ilalim ng isang puno. Saglit ding huminto ang training nila at nakita ko si Kei na mabagal na tumatakbo papunta sa amin.

He's all sweat. Pagkarating sa harap ko ay pinunasan nya ang sariling pawis at tumingin sa akin. "May tubig ka?" he said directing his question to me. Napatango ako at mabilis na kinuha ang aking bag.

I bought a bottle of water ealier. Alam ko ay kalahati pa ang laman noon. "Saglit, titignan ko." mahina kong sabi habang hinahalungkat ang bag ko.

"Kei, I bought you water. Ito oh." nilahad ni Eclaire ang malaking bote ng tubig na dala nya kanina. Napatigil ako sa aking ginagawa at dahan dahang isinarado ang bag ko.

"Wala pala akong tubig." wika ko kay Kei. If Eclaire bought that just for Kei then he should at least drink it. Hindi na kailangan ng tubig ko.

Killing Him [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon