NINETEEN

21.2K 746 30
                                    

NINETEEN

Ilang oras din ang nilagi ko sa dagat. Pakiramdam ko nga ay unti onti nang umiitim ang balat ko. Medyo mahapdi na rin ang mukha ko kaya pansamantala akong sumilong muna sa isang bakanteng lounger doon.

Tinanaw ko ang halos namumulang langit. Palamig na ang hangin ngunit mainit pa rin ang puting buhangin sa aking paa.

Sinuot ko ang bagong bili kong sandals tsaka tumayo. Bibili muna akong maiinom.

Luminga ako sa paligid habang naglalakad. I thought Kei would come. Hindi kami nagbigayan ng oras ngunit sinabi ko naman sa kanyang bago mag-gabi ay tapos na akong maligo.

Nakita ko sa di kalayuan ang pamilyar na mukha. Nakaupo sya sa sana'y bibilhan ko ng maiinom. I forgot his name. Kasama namin sya roon sa dinner. Isa sa ka-banda ni Ryou.

Tumuloy ako at umorder ng buko juice. Umupo ako sa high chair habang naghihintay sa aking inumin at tumingin muna sa aking cellphone.

Nakita ko ang paglingon nya sa akin. Nagpatay malisya ako hanggang hindi sya ang unang nagsasalita. "Jewel's cousin!" masigla nyang saad.

Iniangat ko ang paningin ko. I feel ashamed that I forgot his name. Hindi ko tuloy sya mabati ng maayos. I wonder if he knows my name too bukod sa alam nyang pinsan ko si Jewel.

"You're one of Ryou's bandmate, right?" ngumiti ako. Bakit ang tagal ng juice ko? Gusto ko nang umalis.

"Cliffe. I'm glad you remember." ngumiti sya at uminom sa hawak nyang baso. Not sure if iced tea or some liquor drink. Hindi ko gaanong maamoy.

"Chloris." pakilala ko sa aking pangalan. In case he forgot like what I did.

Nang sa wakas ay ibinigay na sa akin ang inumin ko ay bumaba na ako sa high chair para makapagpaalam sa kanya.

Inabangan nya ang pag-bukas ng bibig ko. He's older, maybe ka-age ni Jewel o mas matanda ng kaunti.

"I'll be going." paalam ko.

"Come with Jewel tomorrow night. The band's going to sing." naagaw non ang atensyon ko. Ngumiti ako ng tipid bago umalis.

Pagbalik ko sa beach ay kaunti nalang ang tao kumpara kanina. Hindi na ako muling nagtampisaw pang muli. I busied myself sipping my juice. Maganda ang tanawin, kinuhaan ko rin iyon ng litrato kasabay ng halos papalubog nang araw.

"C'mon." halos mabitawan ko ang buko juice na hawak ko nang may magsalita sa aking gilid. Damn, Kei! Maaga akong magkakaroon ng heart attack sayo!

"Huwag mo akong ginugulat ng ganon." ngumuso ako. Ngumisi sya sa akin at naglahad ng kamay. Tinignan ko iyon saglit, nag-aalangan kung kukunin ba ngunit bago ko pa iyon mahawakan ay mabilis na nya iyong ibinalik sa kanyang bulsa.

"Dito ka nalang sa tabi ko." saad nya at nagsimula nang maglakad. Sumunod lang ako. Nakaabot kami sa dulo ng dalampasigan. May iilang tao ang naroroon. Anong mayroon dito?

Minatyagan kong mabuti ang lugar na pinanggagalingan ng mga tao at doon ko nalaman na may pataas doon kung saan magandang tanawin ang dagat. Malapad ang ngiti ko ng sinulyapan ko si Kei. "How did you find this place?" manghang tanong ko.

Tinulungan nya ako umakyat doon. Kaunti ang tao roon. May mga kumukuha ng litrato at ilang tumitingin lang sa ibaba, pinapanood ang paghampas ng alon sa mga bato.

"First day we came here, naglibot ako at nakita ko ito." hinawakan nyang mabuti ang kamay ko. Sinisiguradong hindi ako malalaglag sa kanyang hawak.

Pagkataas namin ay tanaw ko ang araw na sinag nalang ang nakikita. Ngumiti ako at tumakbo sa pinakadulo. Marahas ang hampas ng mga alon sa mga bato kahit ang hangin na dala noon ay hindi mapagkakailang napakalakas din.

Killing Him [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon