Ikalimang Pahina

1.2K 17 0
                                    

Denial

"Refusal to admit the truth or reality"

"Steffano Hernan Dela Merced!!!!"

Tawa kami ng tawa ni Mao at Dino habang naghahabulan si Mitch at Steffan sa loob ng office. Mag aalas dos na ng hapon at petiks lang kaming lahat dito dahil wala pa naman masyadong gagawin.

Kaya may panahon silang maghabulan dito ngayon.

Paano ba naman kasi, naghalungkat si Steffan kagabi ng pictures ni Mitch noong kabataan nya at may nakuha siyang bold picture ni Mitch. Hindi naman masyadong mahalay kasi nakapanty naman si Mitch noon at bata pa naman siya noon pero tawa pa rin kami ng tawa.

Lalo na ako, maiiyak na yata ako sa kakatawa dito.

Minsan natatapunan ko ng tingin si Xander at nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin. Nginingitian ko siya pero iniiwas lang nya ang tingin sa akin. Nako, tong lalaking menopausal na to!

Di ko na lang siya inintindi at nakupagtawanan na lang ako sakanila.

"Kakalbuhin talaga kitang bakla ka akala mo!!!!" Sigaw ni Mitch.

Tumilu naman si Steffan nang mahablot ni Mitch ang collar niya.

"Aray teh! Ang jugat (bigat) ng hands mo! Aray!" Pagiinarte nya habang tawa naman ng tawa.

Nang tuluyan nang maabutan ni Mitch si Steffan ay pinagpapalo niya to sa pwet at aambang hahalikan ito.

"Eeeeeew! Kadiri ka! Di tayo talo!!!" Mangiyak ngiyak na si Steffan sa panloloko sakanya ni Mitch.

Sayang talaga tong Steffan na to. Malaki ang katawan at may hitsura naman pero bakla. Tsk tsk. Di na naawa sa mga kababaihan. Pero kubg jan sya masaya, eh di sige na lang.

Naluluha na ako sa kakatawa dito at naputol ang paghaharutan namin nang may biglang kumatok. Napaayos kaming lahat.

"Miss Amanda Gener, pinapatawag po kayo sa Conference room."

Nanlaki ang mga mata ko.

Bakit kaya ako pinapatawag sa conference room? May nagawa ba ako? Dahil ba late ako kahapon? Are they going to fire me?!?! Nooooo!

Pero nabuhay ang loob ko nang maisip ko na maaaring makita ko sa loob si John Calvin.

Omg!

Tinapik ko ang balikat nung babaeng sumundo sa akin sa office.

"Uhm. Pwede daan muna tayong cr?"

Tumango naman siya kaya nagmadali akong nagpunta sa CR.

Syempre chineck ko lang naman yung hitsura ko. Baka mamaya may muta na pala ako or anything. Dali dali kong sinuklay ang buhok ko gamit ang mga kamay ko and when I'm done, lumabas na ako at sumunod muli sa babae.

She pressed the 43rd button. Ang floor kung saan kami nagsneak ni Steffan nung isang araw.

Nang makarating kami doon ay pinapasok niya ako sa Conferrence Room at saka siya sumenyas na aalis na.

Syempre parang may sariling isip na ang mga mata ko dahil pagkatingin na pagkatingin ko pa lang ay si John Calvin na agad ang nakita ko.

May hawak lang siyang ballpen habang nakatingin ng blanko sa pagpasok ko.

Muli, parang sugat na binuhusan ng alcohol ang katawan ko. Kulang na lang humandusay ako sa tuwa. Pag-ibig nga naman.

Makita ko pa lang siya eh walanjo na kung magreact ang puso ko.

"Good morning!" Masayang bati ko.

Napatingin naman sa akin ang isa pang kausap ni John Calvin at nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto kung sino iyon.

When Do You FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon