[41] Countdown to the Finish: 9

1.1K 17 1
                                    

Goodbye Almario Professionals, Till We Meet Again

"Bakit ka aalis?"

"Sigurado ka na ba?"

"May nagawa ba kami? Ayaw mo na ba sa team?"

Halos maiyak ako sa mga pinagsasasabi ni Mao, Mitch, Steffan, at Dino dito sa office. Kay Ms. Lyn pa lang ako nakakapagpaalam na magreresign na ako at hindi ko pa ito nasasabi sa kataastaasan, lalo na kay John Calvin. Pero lahat sila ay iisa ang reaksyon: nalulungkot at nanghihinayang.

Maging ako ay nalulungkot rin naman. For almost a year, they seemed like my family already. Kahit na isang taon ko pa lang silang nakasama, napalapit na ang loob ko sakanila. From the very start, wala na akong naencounter na hindi maganda. Tinanggap nila ako kahit baguhan ako at hindi nila pinaramdam sa akin that I don't belong.

They are always by my side sa mga oras na kailangan ko ng karamay, kakwentuhan, katawanan, kausap, kainuman. Name them all! May playboy, may introvert, may funny, may seryoso, at higit sa lahat, may mahaderang bakla. They are my team. At nasa AP man ako or nasa London, they will always stay in my heart.

Mabigat na mabigat sa loob ko ang pag-alis sa AP. There's a part of me that says I should go, pero may pumipigil pa rin naman sa aking manatili dito. I'll miss waking up every morning para pumasok ng maaga, mamimiss ko si Manong Guard, ang mga nakakasabay ko sa elevator, ang staff ng cafeteria, ang floormen, ang bawat department, si Judith! Pero higit sa lahat, alam kong mamimiss ko ang may-ari ng kompanyang ito.

Besides, siya naman talaga ang rason kung bakit ako nandito. Siya ang dahilan kung bakit may isang Amanda Marie Gener ang naiyak habang tinatahan ng apat kong katrabaho.

"Ayy! Bakit ganun kahit naiyak maganda ka pa rin." Kumento ni Steffan na pasinghot singhot na rin. Pagkuway nginitian lang niya ako at tinanguan. He knows why I have to leave. Alam kong alam niya ang tunay na rason kung bakit ako aalis.

"Teka nga! Kailangan  ko pang kausapin ang boss natin. Malay nyo hindi niya ako payagang magresign!" pagbibiro ko habang hinahawi sila sa harapan ko.

Napatingin ako sa lamesa ni Xander. Hindi siya pumasok ngayong araw. Gustung gusto ko pa man din sana siyang makausap. Alam kong naikwento na ni Selena ang nangyaring paghaharap namin nung isang araw.

Kinuha ko ang cellphone ko at nagtext sakanya.

Meet me at 7pm tonight.

I just wanna say thank you. Salamat sa lahat ng itinulong niya sa akin. Sa little things na ginawa niya noong mga panahong down na down ako. At kung hindi dahil sa ice cream na inoffer niya, hindi kami magiging close.

Naglakad ako papuntang 45th floor, sa opisina ni John Calvin. Nakapagpaalam na ako sa ibang bosses ko, siya na lang ang natitira. Habang papalapit ako sa pintuan ng opisina niya ay hindi ko mapigilan ang pag-init ng pisngi at mata ko.

Shit! Ang hirap! I really hate the feeling of leaving the people I love so much. Sobrang bigat sa dibdib na feeling ko, kusa na lang sasabog ang puso ko sa bigat. Tumingala na lang ako para hindi tuluyang mahulog ang luha sa mata ko.

Compose yourself, Amanda. Matagal mong pinagisipan ang bagay na ito, hindi ba? Go! Goodluck!

Feeling ko lahat ng bagay nakakaiyak. Kanina, nakita ko lang si Judith namuo na agad ang luha sa mata ko. Si Judith! Si Judith na naging kaconive ko na rin para sa mga luto ko para kay John Calvin. Mamimiss ko siya! Dahil kung hindi dahil sakanya, hindi ko mapagsisilbihan si John Calvin noon.

Huminga ako ng malalim bago ako kumatok sa opisina ni John Calvin. Kung ako ang tatanungin, ayoko na sanang magpaalam pa sakanya. Wala akong tiwala sa sarili ko dahil alam kong makita ko pa lang siya, bibigay na naman ang loob ko. Pero I made up my mind to show in front of him right now. Because I wanna see him, for the very last time.

When Do You FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon