Ikalabingsiyam na Pahina

1.1K 14 0
                                    

Attachment

"the physical connection by which one thing is attached to another"

Sunday natoon ang kaarawan ni John Calvin, August 27. Pero saturday night ang celebration ng birthday niya. Bale, parang birthday salubong ang gagawin.

Biyernes na ngayon At kani-kanina lang ay puro pagdadalamhati ang naririnig ko sa loob ng office.

Mga alas diyes kasi ng umaga ay dinala ni Ms. Lyn dito sa loob ng office ang invitation letter para sa party ni John Calvin.

"Bakit? Bakit ang unfair ng buhay?" Paglulumpasay ni Steffan sa lamesa ko. Pinagpatuloy ko na lang ang pagse-sketch ko para sa bulk order ng isa naming customer company.

Muli niyang hinawakan ang invitation na nasa taas lang ng lamesa kl at binasa iyon.

"Bakit kami walang ganito? Huhuhu." Pagrereklamo pa niya.

Nagulat ako nang may biglang bumatok sakanya.

"Aww!" Daing ni Steffan. Haha. Binatukan kasi siya ni Mitch na ngayon ay iniirapan sa ere ang kawawang si Steffan.

"Aray ha!" Singhal nya kay Mitch.

"Ang OA OA mo! Tatlong taon ka na dito sa opisina no, hindi ka pa ba nasanay na hindi naman tayo invited sa party ni sir?"

"Eh bakit si Amanda? Wala pa nga syang 6 months dito special treatment na sya!" Sabay turo sa akin ni Steffan.

"Gaga! Eh bakit classmates ba kayo ni Sir JC nung college ha?" Pagtataray ulit ni Mitch na ngayon nga ay balik na ulit sa paggugupit ng tela.

Sinabi ko kasi sakanilang kaya ako nakatanggap ng invitation ay dahil magkaklase at magkabarkada kami ni John Calvin dati. Well, partly true except sa magkabarkada part. Hindi ko naman siya magiging friend ngayon kundi dahil kay Maj at Raico.

"Pero teh, seryoso. Pwede naman siguro ang plus one ano? Tangayin mo ako sa birthday party na yun... Pretty please?!" Sabay paltik ng eyelashes sa akin ni Steffan.

Hindi ko na napigilan at napahagikhik na lang ako ng kaunti.

"If only I could. Pero kasi, hindi ko naman party yun eh. Sabit lang ako dun." Pagpapaliwanag ko kay Steffan.

Tiningnan niya naman ako na parang tampong tampo siya sa sinabi ko. "Madamot ka. Hmp. Porket maganda ka lang! Favoritism!" Sabay walk out at pasway sway pa ang hips nya maglakad.

Napailing na lang ako at nakitawa na rin kila Mitch na sanay na sanay na sa kabaliwan ni Steffan.

Saturday came at excited na excited akong nag-ayos para sa party ni John Calvin. Alas tres pa lang ng hapon ay nagpunta na ako sa mall para pumunta ng salon. Tinext ko si Maj na sabay na kaming pumunta mamaya, sasabay na lang ako sakanila ni Raico.

Hindi ko naman masyadong inartehan ang ayos ng buhok ko. Pinahair spa ko lang at blower at bahagyang pinakulot ang dulo.

Mga alas singko nang matapos ako sa salon kaya nagdrive ako pabalik ng condo. 7pm pa naman ang party kaya marami pa akong oras.

Can't wait na makita na si John Calvin! Can't wait na iabot sakanya ang regalo ko. Confident naman ako sa nagawa ko para sakanya. Ano kayang magiging reaksyon niya? Magustuhan niya kaya?

Aba dapat lang no! Pinaghirapan ko kaya yun! Haha.

Nagbihis na ako ng yellow cocktail dress ko. Naglagay rin ako ng light make up dahil sabi nila, mas bagay daw sa akin ang light lang compared sa heavy make up. Pinaresan ko ng itim na sleek wedge ang dress ko at dark green na clutch bag.

When Do You FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon