Ikadalawampu't limang Pahina

1K 18 2
                                    

"True love is about willingly giving and not asking for anything in return."

"Tara."

Hinila ni Xander ang kamay ko. To where? Hindi ko alam.

Wala akong lakas na magpumiglas at magtanong.

Nagpadala lang ako sa paghila sa akin ni Xander.

Alam nyo yung biglang nagshut down ang buong sistema ko, wala ni isang bagay ang pumapasok sa utak ko. Ganun. Ganun ang nararamdaman ko ngayon.

Ang alam ko lang ay nakasakay na kami ni Xander sa taxi at umaalis palayo sa AP.

Natauhan na lang ako nang kuhanin ulit ni Xander ang kamay ko at akayin ako papunta sa isang..

Ice cream parlor?

"Choose whatever you want, it's on me."

Tiningnan ko si Xander na nagtataka.

Una, tumakas kami ng AP para lang magice cream? Pangalawa, BAKIT ANG BAIT NA NYA SA AKIN NGAYON?

"Wait! I brought you here kasi..akala ko, di ba ice cream ang comfort food ng mga babae?" nagpapanic na tanong niya.

Lalong kumunot ang noo ko.

"Look, Amanda. I'm not good with words okay? So just choose a flavor and eat. My treat."

Seryoso ang mukha nya habang sinasabi ito. Pero not the serious type na nagtataray at nagsusungit.

Nginitian ko si Xander.

"Tara na."

Sabay kaming namili ng ice cream. Mango Kiss Gelatto ang akin, ang kanya naman is Chocolate Mint Gelatto.

Panay ang tusok ko ng kutsara sa ice cream kong unti unti nang nalulusaw.

Parang puso ko, nalulusaw na rin yata.

Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Xander.

"Kawawa naman yung ice cream. Hindi kaya yan si Sir JC." Pagbibiro niya.

Napangiti ako. Shocks, si Xander na masungit at palaging menopausal, nagbibiro sa akin ng ganito ngayon? Nagmilagro ang langit?

Pero alam ko namang naaawa lang siya sa akin. He pities me because he knows I'm so in love with John Calvin at sobrang painful nang nakita ko kanina.

"It's my fault."

Napatingin ako sakanyang bigla.

"Kasalanan ko. I shouldn't have brought you there. Hindi ko na dapat pinakita saiyo yun." Guilt is evident kn his eyes.

"No, Xander. I guess, you are just trying to help right?"

Umiwas siya ng tingin. Ganoon din ang ginawa ko at nagbuntong hininga.

"I love John Calvin too much. Too much, for seven years."

Nanlaki ang mga mata nya. That's right, Xander. 7 years ko na siyang mahal.

"And all along I built this little hope na baka isang araw mapansin din niya ang pagmamahal ko. Malapit na eh. Malapit na yata..."

Inalala ko ang mga nakaraang linggo na masaya kaming dalawa. We always hang out, do things na ginagawa ng dalawang taong magmamahalan, ee even kissed for God's sake!

Malapit na eh. Malapit na sana.

Was I too blind to see that John Calvin might be in love with somebody else? Dahil buong buhay kong mahal ko sya, ngayon ko lang nakita na may babae siya.

"Well, hindi pa naman niya siguro asawa di ba?" hibang na tanong ko.

And as expected, nagumapaw na naman sa galit si Xander.

Mahigpit ang pagkakahawak nya sa dalawang gilid ng lamesa atsaka humilig palapit sa akin.

"That's stupid, Amanda! Magising ka na sa katotohanan! Hanggang kelan ka magbubulag bulagan? Hanggang kelan ka magpepretend na wala kang nakita?"

I can't look at him in the eyes.

Hindi ko alam, okay. Hindi ko alam!

"Hanggat kaya ko? Hanggat mahal ko siya?"

"That's crazy. You are crazy."

Kinagat ko ang ibabang labi ko at mariin na pinikit ang mga mata.

Yes, I may be crazy dahil kahit nasasaktan ako, damn, hindi man lang nabawasan ang nararamdaman ko para kay John Calvin!

"Xander."

Galit siya at iniiwasan niyang tumingin sa akin.

Hinuli ko ang kamay nya at hinawakan iyon.

"I appreciate the concern. Salamat. Salamat talaga."

Nginitian ko siya nang bahagya.

"When I told John Calvin I love him, he pushed me away. Pero ako ang nagpumilit, ako ang sumisiksik maparamdam ko lang na mahal ko siya. I asked for this."

Nanlaki ang mga mata ni Xander. "Ano, Amanda? Nahihibang ka na ba talaga?"

"Yes. Yes I really am crazy over him." And I know, kagaya ng sabi ko dati, loving John Calvin is part of who I am. Dahil habang buhay nang nakaimprenta ang pangalan ko sa pangalan niya.

"You said you've been here, na naramdaman mo na ang ganitong klase ng pagmamahal... I hope you understand, I can't let him go just like that." Seryosong sambit ko.

Unti unti ay humupa ang galit na nararamdaman ni Xander at napalitan iyon ng isang painful expression.

I know he feels my misery because we share the same experience.

"Masasaktan ka lang."

I nodded and smiled at him.

"Nasasaktan na ako ngayon. Pero mas hindi ko kayang lumayo sakanya."

Napailing na lang si Xander sa mga pinagsasabi kong sa tingin nya ay impossible.

At naramdaman nya siguro ang fighting spirit kong team John Calvin na habang buhay, kaya he just let out an exasperated sigh.

"You must really be crazy loving him that much..."

Ginulo nya ang buhok ko.

"But he is so stupid not to love you back."

Tumaba ang puso ko sa sinabi ni Xander. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko sa sinabi nya.

Who would have known, na ang taong sobrang sungit sa akin dati ay siyang magiging comforter ko ngayon.

Life's very ironic indeed.

Tumayo ako at lumapit kay Xander. I kissed him on the cheek as a sign of gratitude dahil kung wala siya ngayon, malamang naglulumpasay na ako sa kalsada ngayon.

"Salamat ha. Sa ice cream, sa lahat. But I really really have to go. I still have one dress to finish."

I smiled bitterly.

And even if it hurts me to make that dress for another woman, I'd still do it.

Dahil request ni John Calvin.

When Do You FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon