[47] Countdown to the Finish: 3

1.1K 20 1
                                    

The London Eye

Kagabi, bago ako matulog ay narinig kong may kausap si Mommy sa baba. It is very unusual dahil maaga kung matulog si Mommy kaya out of curiousity, bumaba ako ng hagdan. Napatigil ako sa pag-apak nang marinig ko ang boses ng isang lalaking kabisadong kabisado ko na.

Ano na naman ang ginagawa nya dito? Sa dis oras ng gabi? At anong kelangan nya kay Mommy? I decided to just eavesdrop para malaman ko kung ano ang business niya dito at pati si Mommy ay dinadamay niya.

"Why do you want to date my daughter?"

Nanlaki ang mga mata ko. Shet! Nagpapaalam siya kay Mommy para idate ako?! Nasapo ko ang ulo ko. Kahit kailan, ang tigas ng ulo nito ni John Calvin!

Dahan dahan akong pumanhik muli sa kwarto ko. Nilock ko iyon para siguradong walang makakapasok kahit na sino. Gusto mo ng date ha? Tingnan natin.

Kinaumagahan, tinext ko si Cassey na masama ang pakiramdam ko at hindi ako papasok. Sabi ko na lang na iabot na lang niya kay Mommy ang susi ng botique mamayang gabi.

Tinext ko ang dating kasabayan kong mag-intern sa Khara, si Sophia. Makikisleep over ako sa bahay nila, mamamasyal sa kung saan basta malayo sa lugar na malalaki ang possibilities na mahanap ako ni John Calvin. Kabisado ko ang London, dito ako lumaki for 5 years at alam ko, hindi ako basta-basta makikita ni John Calvin. Marami akong mga alam na lugar na tago.

"Oh, bakit andito ka pa? Hindi ka papasok?" tanong ni momny habang sinasalansan ang apple pie sa oven.

"Papasok. Nalate lang." Pagpapalusot ko.

"Late? That's unusual. At bakit andami mong dalang gamit?"

Napatingin din ako sa dalawang maletang dala ko.

"Uhm.. Mga tela to, Ma. Dadalhin ko sa shop." Paga-alibi ko na mukha namang pinaniwalaan ni Mommy dahil tumango tango lang siya.

"Oo nga pala. Umuwi ka ng maaga mamaya ha. May---" pero hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita at dali dali na siyang hinalikan sa pisngi.

"Bye ma!"

Derecho lang ang tingin ko sa kalsada. Doon ako dumaan sa backdoor at ibang routa ang dadaanan ko. Mabibilis at matutulin ang lakad ko papunta sa apartelle ni Sophia. Isa rin siyang Pilipino at ka-edad ko siya. Pero kumpara sa aming dalawa, mataas na ang ranggo nya sa Khara dahil halos tatlong taon na siyang nagtatrabaho dun.

Ang bilis ng tibok ng puso ko habang naglalakad. Para akong hinahabol ng mamamatay tao. Ganoon na lang ang ginhawa ko nang makapasok na ako sa kwarto ni Sophia.

"Thank God." Sabi ko habang sumasandal sa pintuan. Nilapag ko ang mga gamit ko sa sahig at hinanap si Sophia. Nakabukas pa ang gas range kaya alam kong may tao rito. Dahil matagal na rin naman kaming magkaibigan ay hindi na ako kumatok sa pinto ng kwarto niya.

Pero ganoon na lang ang gitla ko sa nakita ko pagkabukas nito. "SORRY!"

Agad kong sinarado ang pinto at kasabay noon ang pagtawa ni Sophia at ni Marcus, his boyfriend.

Matapos ang ilang minuto ay lumabas na sila. Nahagip pa ng mata ko ang nakangisi at nagdadamit na si Marcus. Namula yata ang pisngi ko dahil bumalik na naman ang imahe nilang magkapatong kanina. Shocks naman kasi bat hindi naglolock ng pintuan! Tsk.

Nagkunyari na lang akong nagluluto.

"That's what you get for not knowing how to knock." Pang-aasar sa akin ni Sophia.

"Wala akong nakita, promise!" Sabi ko.

"Eh bakit ka nagbu-blush? Amanda naman, nagstay ka sa Pinas ng isang taon tapos wala pa rin? Virgin ka pa rin?"

When Do You FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon