Ikalabintatlong Pahina

1.1K 17 0
                                    

Simplicity

"The state of being free from vanity."

Kinabukasan maaga kaming nagising lahat except sa mga lalaki dahil hanggang madaling araw silang naginuman.

Ang sarap talagang gumising sa farm nila Mike. Napakafresh ng simoy ng hangin at napakalamig. Oh, the perks of a simple life.

Naginat ako ng kaunti bago tuluyang lumabas.

Masaya ang gising ko. Hyper na hyper ako. Napagdesisyunan kong magluto habang tulog pa sila. Hindi na rin kasi ako sanay na hindi nagluluto tuwing umaga. Syempre, tatlong buwan nang nasa routine ko ang magluto tuwing 4 am.

At laking pasasalamat ko na nasa iisang lugar kami ni John Calvin ngayon dahil marami akong chance na magpaimpress sakanya! Yes!

Nakangiti ako habang nagluluto. Feel na feel ko ang pagbabalat ng mga prutas habang nakangisi. Kung may makakita sa akin ngayon, aakalaing nababaliw na ako.

But I don't mind kung si John Calvin naman ang dahilan.

It took me almost an hour bago makapagprepare ng breakfast.

Nagaayos na ako ng mga plato ng bumaba si Maj at si Trixie, ang girlfriend ni Mike.

"Aga naman nyan, Amanda. Hmm. Ang bango ah?" Sabi sa akin ni Maj.

"Syempre. Aga ko kasing nagising eh." Simpleng sabi ko ng nakangiti.

"Wow, Amanda. Nakakagutom ah?" Puri ni Trixie. Medyo naging close na rin kagabi kasi nakapagkwentuhan kaming mga babae bago matulog. "Pero alam mo, mas masarap ang breakfast dito sa farm kapag may gatas ng kalabaw!"

"Kalabaw?"

"Yup! Tara sa labas, hanapin natin si Mico!"

Ha? Sino si Mico?

Tatlo kami nila Maj at Trixie ang lumabas para daw hanapin si Mico. Nang makarating kami sa isang kwadra ng kalabaw, nakita ko ang isang payat na teenager.

"Hi Mico!" Lumingon siya sa amin nang tawagin siya ni Trixie.

"Oh, Trix!" Lumapit siya sa amin.

"Mico, gusto sana naming kumuha ng gatas eh. Pangbreakfast. Nga pala, mga friends ng kuya mo, si Maj at Amanda."

Nginitian nya sa Maj at nakipagkamay. Cute si Mico. Kapatid pala sya ni Mike. Kaso mukhang batang bata pa. Mayroon din siyang malalim na dimple na lumalabas pag nangiti siya.

Nang mapatingin siya ay natigilan siya. Namula rin ang pisngi niya.

"Uh.. Hi?" awkward na bati ko. Mas lalong pumula ang mukha niya.

Wait..may dumi ba ako sa mukha?

Nilahad ko ang kamay ko pero tiningnan niya lang yun. Okay, ang weird nya.

Binaba ko ang kamay ko. I snapped at him.

"S-sorry!" Biglang sabi niya.

"Good morning po, Miss Amanda Gener!" Mabilisang sabi niya.

Nakunot ang noo ko. "Hey, howd you know my name?"

Ngumiti siya ng bahagya at napakamot sa ulo niya. "Uhm... Sa cosmo po, nung nagcover kaya. Ah ano... Kasi.. Fan ako. Matagal na!" Sabi niya.

Shocks! Cosmo na naman! Ano bang meron sa akin dun? Nakakahiya. Sabi na dapat di na lang ako pumayag na magpose dun dati eh. Tsk.

Pero ang ipinagtaka ko, uso pala ang cosmo sakanila? Ahaha.

"Hay nako Mico. Isusumbong kita kay Mike sasabihin ko may crush ka! Hahaha" panunukso ni Trixie. Sige Trixie! Isumbong mo mamaya para malaman ni John Calvin na pag di niya ako sinagot, maagawan sya. Chos.

Ayun na nga, nagpatulong kami kay Mico na maggatas ng kalabaw. Nagprisinta akong gagawa total kakaririn ko na naman ang paghihirap ko para kay John Calvin ko. And besides, after idemo ni Mico sa amin kung paano maggatas eh parang natuwa ako. Parang masaya siyang gawin.

"Amanda, ikaw na lang jan ha? Kukuha lang kami ni Maj ng mga itlog sa kabila!" Sigaw ni Trixie.

"Okay!"

Wala pang kalahati ang pitsel na dala namin. Kaya naman humarap ako kay Mico.

"Tara! Maggatas pa tayo. Kulang pa eh."

Nagblush siya. Haha. Kacute na bata.

Tinulungan niya akong maggatas sa kalabaw. Nakakatuwa kasi ang daming lumalabas na gatas! At tama nga si trixie kasi mukha ngang masarap inumin.

Nasa likuran ko lang si Mico at from time to time eh gina-guide nya ang kamay ko para mapihit pa lalo yung chever ng kalabaw.

Nang malapit nang mapuno ang ikatlong pitsel namin, inangat ko ang mukha ko at tiningnan si Mico.

"Nako Mico! Ang dami na! Thank you ha!" Masayang sabi ko.

Napatunganga siyang nakatingin sa akin.

Dahil sobrang disoriented nya, bigla niyang nahawakan ang kamay ko. Gusto kong matawa sa reaction nya dahil namumutla na siya sa sobrang nerbyos.

"S-sorry!" nagiwas sya ng tingin.

Natawa ako. Ganyan din yata ako kiligin nung teenager pa ko eh. Haha.

Hihilahin ko na sana ulit ang chever ng kalabaw namin ng biglang umalingawngaw ang boses ni John Calvin.

"Amanda Marie!"

Napatayo ako bigla. Syet, hinanap ba nya ako? Sinundan nya ako dito sa kwadra?

Nako! Ang sweet mo naman John Calvin ko.

Masayang masaya kong kinuha ang tatlong pitsel. Bago ako maglakad papunta kay John Calvin eh nagpasalamat muna ko kay Mico.

"Thank you dito ha? Sabay ka sa amin magbreakfast ha! Ako ang nagluto." Tapos ay kinindatan ko siya. Sorry naman, masaya lang!

Pero nang tingnan ko naman ulit si John Calvin, mas bumusangot ang mukha nya.

Talaga tong mahal ko oh!

"Good morning!" Sabi ko sakanya nang nasa harapan na niya ako.

"Look oh! Fresh carabao milk! Mukhang masarap for breakfast eh. Nagpatulong lang kami sa kapatid ni Mike." Masayang sabi ko.

Pero syempre ang lolo niyo, deadma pa rin. Nakakunot ang noo niya at ipit ang mga labi. But nonetheless, naguumapaw pa rin ang kagwapuhan niya.

"Galit ka? Ang aga aga nakakunot na agad yang ulo mo." Wala sa sariling sabi ko. "Yaan mo, pag naging tayo sisiguraduhin ko, bawat segundo kang nakangiti!"

Nanlaki ang mga mata kk nang marealize kung ano ang sinabi ko.

Syet! Ang bibig ko naman talaga oh! Nakakahiya! Sa sobrang saya ko wala nang preno ang bibig ko.

Tiningnan ko ang reaksyon ni John Calvin. Sana hindi niya narinig! Pero imposible, ang lakas kaya ng pagkakasabi ko!

Unti-unting lumalambot ang kunot sa ulo niya.

Napanganga ako nang makita ko ring unti-unting tumataas ang kanyang pinipigilang ngiti.

Umiwas siya ng tingin sa akin at mahinahong sinabing.. "Tara na nga." Sabay kuha ng tatlong pitsel para sya na ang magbitbit.

Mahabaging Diyos, hindi siya nagalit?

When Do You FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon