Ikalabinlimang Pahina

1.2K 17 0
                                    

Chance

"The possibility of a particular outcome in an uncertain situation"

Cath, maliligo ba kayo? Come and join us." Yaya ni Mike sa mga pinsan niya.

No, Mike! Can't you see? Baka marape nila ang John Calvin ko! Oh no!

"Talaga?" bigla namang lumiwanag ang mukha nung Evah sabay tingin ng malagkit pabalik kay John Calvin. Pero si John Calvin, seryoso lang na nakatigil sa hilid at nakatingin sa kawalan.

That's good baby, wag mong pansinin ang mga hitad na yan.

Maya maya pa ay lumusong na rin silang tatlo. Napangiwi ako. We're bathing the same water now huh?

Lumangoy ako papalapit sa tatlong higad.

"Hi!!!" masayang sabi ko. OMG. Ang plastik ko!

"Uhm. Hi!" bati ni Des sa akin sabay ngiti.

"Ilang taon na kayo? High school, ano?" Nakangiting tanong ko.

Medyo natawa naman si Des.

"Salamat sa papuri, ah? Pero nagtatrabaho na kami lahat." Magiliw na sabi ni Catherine sabay haba ng leeg at tila may hinahanap sa likuran ko.

Inangat ko pa lalo ang katawan ko sakanila para maharangan ang pagsilip niya kay John Calvin ko!

"Ah talaga? Pero siguro naman may mga boyfriend na kayo ano?"

"Wala ah!" Defensive na sagot ni Des. I knew it!

"Ay ako wala. But then, mukhang ngayon pa lang magkakaron." Sabi naman ni Evah na akala mo eh lion na nakakakita ng prey nya.

At ang higad, madulas. Nanlaki ang mga mata ko nang nakita kong papalangoy na siya sa kinaroroonan ni John Calvin. "I think I found the one, girls." Sabi pa nya.

Agad na kumulo ang dugo ko. Kaya bago pa siya makalangoy ay bigla konv hinigit ang buhok niya.

Well, all for the love of John Calvin!

"Aww! Ank ba?!" sinamaan ako ng tingin nung Evah.

At swear, right now naiirita na rin ako. Bwisit na to! Hoy impakta! Ikaw ang epal sa future relationship namin kaya wag kang galit galitan jan ha!

Pero syempre, sa isip ko lang yan. I flashed my most beautiful smile at her. "Hey, inaayos ko lang ang buhok mo. I think may nakita akong PALAKA kanina eh." I said sweetly.

Her eyes widened in horror. "Palaka?" Sabay pagpag niya sa buhok niya.

Ahahaha! Gusto ko nang matawa ng bonggang bongga sa hitsura niya! Kinagat ko na lang ang ibabang labi ko para pigilan ang pagtawa ko.

Nakita kong napailing na lang sila Maj sa ginagawa ko.

"Help! Takot ako sa frog!" Maarteng sambit ni Evah habang hysterical na nagwawala dun sa tubig. Buti nga sayo. Ahahaha

"What's wrong?"

Narinig ko ang impit na tilian ng dalawang hitad sa likuran ko.

Tuluyan na yatang nalaglag ang panga ko sa ilog at nagswimming na palayo. Mas lalo akong nabwisit sa hitad na Evah na yun nang lapitan siya ni John Calvin ko.

"Anong problema? Are you hurt?" Sabay check niya kay Evah. Nalaglag ang panga ko.

HOW COULD HE HOLD HER?!

Kumulo ng bonggang bongga ang dugo ko sa nakikita ko. Lalo na nang ngumisi ng malaki si Evah at pumungay ang mga mata nitong nakatingin kay John Calvin.

When Do You FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon