Ikalabimpitong Pahina

1.1K 16 0
                                    

Gratitude

"Act of showing great appreciation and thankfulness to someone who had cause something great or pleasurable"

Akala ko ay magkakasakit ako dahil sa lakas ng ulan kagabi pero paggising ko kinabukasan ay okay naman na ako.

May kumot ding nakabalot sa katawan ko.

Napatayo agad ako nang maalala ko na dito rin pala natulog si John Calvin sa unit ko!

Pagkadating namin kagabi ay nagpalit lang kami ng mga damit at nagpahinga na. He let me sleep inside my room habang siya naman ay sa couch na lang daw matutulog.

Nasa labas pa kaya siya? O nakaalis na siya? Napatingin ako sa relo ko at nakita kong alas siete na ng umaga. Hala! Late na ako!

Nagmadali akong lumabas ng kwarto at nakahinga ako ng maluwag nang makita kong tulog na tulog pa rin si John Calvin sa couch ko. He is curled up like a ball at nakabagsak sa noo niya ang kanyang buhok.

Dahan dahan akong humakbang papalapit sa natutulog na si John Calvin at sinamantala ang pagkakataon na matingnan siya.

So this is how he looks like kapag tulog, huh? Still the same man I loved, pero mas lose at mas maamo ang hitsura niya ngayon. Nakaawang ang labi at malalalim ang paghinga.

I never thought I would have the chance to see him like this. Isang panaginip na nagkatotoo ang makita ko siyang mahimbing na natutulog ngayon.

I would trade alm the riches in the world for a once in a lifetime opportunity like this. And as the day goes by, parang palalim ng palalim ang pag-ibig na nararamdaman ko sakanya.

Napaigtad ako ng biglang magring ang phone nyang nakapatong sa lamesa ko.

Sinilip ko iyon at nakitang si Judith Almarosa ang tumatawag, ang secretary nya sa opisina.

Doon lang ako bumalik sa realidad na dapat ay pumapasok na kami ngayon dahil late na kami sa office.

Dinampot ko ang cellphone niya at marahang ginising si John Calvin.

"John Calvin?" Tawag ko pero hindi siya nagising.

"Uhm.. John Calvin, may tumatawag." Tinry kong lakasan ang boses ko para magising siya pero kumunot lang ang noo niya, pero tulog pa rin.

Hinawakan ko ang isang braso niya para gisingin siya pero nagulat ako nang maramdamang sobrang init niya.

Hinawakan ko ang noo niya at inaapoy nga sya ng lagnat.

Nagpanic na ako. May sakit si John Calvin. He is sick because of me!

Dali-dali akong nagpainit ng tubig at nagprepare ng bimpo.

Nang matapos ako ay bumalik ako sakanya at dahan dahang binasa ang towel ng mainit na tubig. Idinampi ko iyon sa ulo niya kaya bahagya siyang nagising.

"Hmmmm." Daing niya. Napatingin siya sa akin at sa ginagawa ko.

"Stay away..." Sabi niya at pilit na hinahawi ang kamay ko.

"No. May sakit ka, John Calvin! Ang taas ng lagnat mo!" Hindi ako nagpatinag sakanya at tinuloy ang ginagawa ko.

Inilayo niya ang ulo niya. "I'm okay! Anong oras na?" tanong niya at akmang uupo na pero tinulak ko ulit siya pahiga. Napatingin siya sa akin.

"Stay there! Wag kang makulit, pwede? Inaapoy ka ng lagnat, John Calvin! Magaalas otso na. I already called Judith at sinabi kong hindi ka makakapasok." Lie.

Pero tatawagan ko na lang si Judith mamaya para sabihin may sakit si John Calvin. Ang mahalaga ngayon ay makapagpahinga siya at maalagaan ko siya.

"You what?" Hindi makapaniwalang tanong niya. Aakma ulit siyang uupo pero kusa na siyang napahiga at napahawak sa ulo niya.

When Do You FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon