[49] Countdown to the Finish: 1

1.1K 19 1
                                    

100th day

"Calvin, try outs mamaya ah."

I just looked at Bryan and nodded my head.

Typical day at a typical school. Dumeretso na lang ako sa tambayan ko-- ang garden ng school habang inaantay ang alas singko para sa try outs. Two weeks pa lang since school year started and it's so boring as hell. Mabuti na lang at isang taon na lang ay makakaalis na ako sa school na to. I hate it here. Si Raico at Mike lang ang kaclose ko sa school na to. I hate my subjects, I hate the people in here. Lahat sila, mga social climber, maaarte, mayayabang.

Umupo ako sa likod ng puno at kinapa ang bulsa ko. Darn, I forgot my Ipod! Isinandal ko na lang ang ulo ko sa puno at pumikit. Ahhh. This is the life. Ito ang pinakatahimik na parte ng school kaya ito ang pinakagusto kong tambayan.

Nakakaidlip na sana ako nang biglang may narinig akong grupo ng babaeng nagchichismisan. Napaismid ako. The heck? Kailan pa tumambay ang mga babae dito?

"Uy, oo nga. Si Ryan Dela Rosa pa pala. Gwapo rin yun! Ang cute ng dimple nya di ba?"

"Yen, gwapo rin kaya si Robert Santos. Kaso graduating na next year! Sayang!"

"Nako, Amanda. Maraming gwapo rito. Magsasawa ka. Anjan si Ralph, si Mike, si Steven, si Rocky... si Rocky! Kabatch natin sya pero malaki na ang katawan grabe!!!!"

Nakakaasar naman tong mga babaeng to oh. Hindi ba nila alam na may natutulog dito? I really hate girls. They're so annoying!

"AAAAYYY! Pwede ba nating makalimutan sa listahan ang crush ng bayan?!?!"

"Huh?"

"Si John Calvin Almario ng section 3-B!!!"

Napangiwi ako. Shit. Just some of those crazy girls na ang alam lang gawin ay magpapansin sa akin. Psh. Annoying!

"John Calvin Almario?" Damn. The moment na narinig ko ang boses ng babaeng iyon ay parang kinilabutan ako. What the hell? "Gwapo yun? Eh bat ang sagwa ng pangalan? Haha."

I should be fuming mad right now dahil ininsulto ang pangalan ko pero hindi eh. Nung narinig ko ang boses niya ay para akong nasa langit. Ni hindi ko nga macontrol ang sarili kong labi sa pagngiti! What the eff is wrong with me?

Out of curiousity, sinilip ko ang grupo ng babaeng naguusap. And right there, I saw a girl with a red clip. Pinalilibutan siya ng mga kaibigan niya at habang nagke-kwentuhan sila ay lumalabas ang napakaganda niyang mga ngiti. The way she talks, the way she smiles, the way she bites her lips... darn! Ang ganda niya!

"Uy, Calvin. Anjan ka lang pala. Sabay na tayo sa gym?"

Without looking at Raico, I asked... "Bago ba yan?"

"Asan?"

"Yun..Yung nakapulang clip."

"Ahhh. Oo. Si Amanda dude. Kaklase ko sa Math yan. Transferee."

Pero wala na kay Raico ang atensyon ko.

Amanda.

So that's her name huh?

Simula noon, palagi ko na siyang tinitingnan sa malayo. Hindi ko alam kung bakit pero sa tuwing ngingiti siya, it seems like gumagaan ang pakiramdam ko. Kaya everytime masama ang loob ko, masulyapan ko lang siya ay umookay na ako. Shit. Am I in love? How the hell would I know! Pero isa lang ang sigurado ako. I like her.

"Tangina naman Calvin. Umayos ka naman!" Sigaw ni Gary, ang captain ng basketball team. Oractice game kasi namin ngayon at medyo disoriented ako dahil nag-away na naman si Mommy at Daddy kagabi. Tch.

When Do You FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon