Ikadalawampu't tatlong Pahina

1.1K 16 0
                                    

"Make every moment last while it still lasts."


This, by far, is the best 7 months of my life.


Ang palaging makasama si John Calvin na siguro ang pinakamasasayang araw sa buhay ko at ang laki laki ng pasasalamat ko sa Diyos na binibigyan nya ako ng araw araw ng chance na makasama at mahalin si John Calvin.


Ganoon pa rin kami, naghahang out kasama sila Maj, minsan kaming dalawa lang... Kumakain sa labas, or tumatambay sa condo ko at kung anu-ano ang ginagawa.

Sa sobrang close na nga namin ay natatakot na ako.


This is too good to be true. Isang panaginip na nagkatotoo. Natatakot ako na baka may kapalit ang lahat ng kasiyahan na to.


Umuwi ako ng Pilipinas na walang kasiguraduhan sa pagmamahal ko kay John Calvin. Noong una ang sabi ko, masaya na ako basta maipakita ko na mahal ko siya.


Kahit hindi niya ibalik ang atensyong ibinibigay ko, okay lang sa kin.


Pero ngayong nararamdaman kong may pag-asa, na baka gusto na rin niya ako, na baka kaya rin niyang suklian ang pag-ibig ko, natatakot ako.


Natatakot akong umasa. Natatakot ako sa lalong pagkahulog ko sakanya. Natatakot ako dahil hindi ko mapigilang hindi umasa sa kanya.


Natatakot ako because I want more..


I want his love, too.


At natatakot ako kung sakaling isang araw, sabihin niyang hindi niya ako mahal, because I know my world might crash kung sakaling iwan niya ako.


Kaya kahit kating kati na akong itanong sakanya kung ano ako ang nafefeel nya para sa akin, kung ano na ba ang stado ko sa puso niya, I chose to shut my mouth.


I don't want to annoy him. I don't want to freak him out dahil baka mas lalo lang niya akong iwasan.

I shook my head at pilit na dinidistract ang sarili ko sa mga malulungkot na bagay.


I am Amanda Gener, I only entertain positive vibes. Kaya pinagpatuloy ko na lang ang pagse-sketch ko.


Next week is going to be big.


Magsisimula na kong magpasa ng first draft ng limang design sa board para sa 2014 collection. Kailangan kong gumawa ng mga design ng gowns, swimwear, casual, formal, at summer collection para sa 2014. They must be unique, modern, and creative enough para mas umangat ang AP. Para mamaintain namin ang image at ang pagiging number 1 ng kompanya.


And of course, bilang designer ng AP at bilang si John Calvin ko ang boss ng AP ay kailangan kong ibigay ang 100% ko. Kailangan kong galingan para na rin sakanya, para sa kompanya niya.


I was in the middle of my 'work' nang biglang magtext si John Calvin.


From: My Future Husband


(Sorry medyo feelingera ako. Bakit ba!)

I'm here.


Agad akong napatakbo sa may pintuan ko. Sinilip ko muna sa peephole at nakita ko nga siyang nakatayo sa may labas ng unit ko. Biglaan ko itong binuksan.


"Hi?"


Napangiti ako sa ka-cute-an ni John Calvin. Halos araw-araw ko siyang nakikita pero hindi pa rin nagbabago ang epekto niya sa akin.


Napahawak siya sa batok niya at itinaas ang kamay na may hawak na plastic bag.


"I brought us food. Uhm.. In case you want some?" Nahihiyang sambit niya.

When Do You FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon