[48] Countdown to the Finish: 2

1.1K 20 0
                                    

Finally

"I can only give you one good reason why we need to talk, Amanda Marie." Titig na titig siya sa mga mata ko na parang gusto niyang namnamin ko ang bawat salitang lalabas sa bibig niya. "...and that is because, I am so damn inlove with you, too."

Napalunok ako.

"At sinisigurado kong hindi tayo bababa dito hanggat hindi tayo nakakapag-usap ng matino."

Nanlalaki lang ang mga mata ko habang nakatitig din sa mata niya. Gusto ko na nang sampalin ang sarili ko.

Teka ulit, anong sabi niya? He loves me? Hindi kaya guni-guni ko lang to? Pero hindi eh. Narinig ko! SINABI NIYANG MAHAL NIYA RIN AKO!

Itinaas ko ang kamay ko para hawakan ang mukha niya. Nanginginig pa ito habang unti-unting lumalapat sa balat ni John Calvin. Napapikit siya nang dumapo na ang kamay ko sa kanyang pisngi. Sht. THIS IS SO REAL! Hindi ako nananaginip when he said he loves me. HE LOVES ME!

Bigla na lang akoolng napaupo sa sahig at umiyak. Hindi ko alam kung naiiyak ako dahil sa sakit na naranasan ko dati o dahil after eight long years, nakumpirma ko na rin na mahal din ako ng taong kinababaliwan ko.

Maya-maya ay naramdaman ko ang pagluhod ni John Calvin sa harap ko at ibinalot niya ang katawan niya sa akin para yakapin ako.

His warmth, his embrace, his scent... the mere fact that he is here in front of me, finally confessing his feelings... mas lalong bumuhos ang luha sa mata ko. At mas lalo ring humigpit ang yakap ni John Calvin.

"I'm sorry. I'm sorry. I'm sorry." pagtatahan niya sa may ulo ko habang pinauulanan ng halik ang buhok ko. Mas lalo akong kinilabutan sa ginagawa niya.

"I'm such an ass, I'm a jerk for letting you go the first time, for hurting you the second time. And now that I was given the chance to see you again, hinding hindi na kita pakakawalan." Bulong niya sa tenga ko.

Napapikit ako nang wagas. Ang sarap pakinggan!

"I'm sorry, Amanda Marie. I know I am not worthy of you anymore. Pero hindi ko kayang wala ka sa tabi ko. I need you, because my life is not complete without you." Dahan-dahan siyang humiwalay sa pagyakap sa akin. Itinaas niya ang baba ko at gamit ang mapupula rin niyang mga mata, tiningnan niya ako ng taimtiman. Tumatagos sa akin ang lalim ng titig niya.

Palakas nang palakas ang pintig ng puso ko. Unti-unti niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko hanggang sa tuluyan nang maglapat ang mga labi namin. Nabitawan ko ang paghinga ko nang maramdaman kong muli ang maiinit at malalambot niyang mga labi. Nakalimutan ko ang lahat ng ipinaglalaban ko. Nakalimutan ko na nasaktan ako, nakalimutan ko na drum drum ang iniyak ko sakanya, nakalimutan kong nagpakasal siya. Ang tanging alam ko lang, mahal na mahal ko siya! I missed him so much, his kisses, his touch, everything about him.

Ipinagdikit niya ang ulo namin nang matapos niya akong halikan. Nakapikit pa rin siya habang ako ay mulat na mulat at sinasaulo ang bawat detalye sa mukha niya.

"Am I selfish? Na kahit nasaktan kita noon, I still want you for my self?" marahang tanong niya.

I want you to be selfish! Hiyaw ng puso ko. Umiling ako sakanya.

"I do want you for myself. Gusto ko sa akin ka lang patay na patay, sa akin ka lang tumitingin, gusto ko ako lang ang mahal mo. Noon, ngayon, at bukas. Kasi ako, sayo lang din ako patay na patay at ikaw lang ang laman nito." Sabay turo niya sa dibdib niya. "Wala kang naging kahati jan kahit kailan."

Napangiti ako sa mga sinabi niya. Pero hindi naalis sa utak ko ang ilang mga katanungang akala ko ay nabaon ko na sa limot dati.

"Why did you m-marry? If you love me then, b-bakit hindi ako ang pinili mo?" malat kong tanong kay John Calvin.

Hinawakan niya ang mga kamay ko at mahigpit na ikinulong ang mga ito sa palad niya.

"I had no choice. She's...dying."

"At least, you could have told me. Maiintindihan ko naman yun."

"No, I don't want to drag you in my own misery. Ayokong makita mong ikaw ang mahal ko pero ibang babae ang lagi kong kasama at inaalagaan. Ayokong mas lalo lang kitang masaktan. That's why I chose to let you go. I wanted you to hate me... dahil kung hindi, baka hinayaan ko na lang si Selena na mamatay at ikaw na lang ang sinundan ko."

Parang pinira piraso ang puso ko sa narinig. Kitang kita ko sa mukha niya na nahihirapan din siya sa paglayo sa akin. That it hurt him as much as it hurt me.

"Why did you wait for six months bago mo ako nilapitan?" tanong ko.

Inayos niya ang salamin niya. "I wanted to be whole before I win you back."

Napataas ang kilay ko. "And how sure are you that  you're winning me back?"

He softly chuckled. Mula sa pagkakaluhod ay tumayo siya at inilahad ang kamay niya sa akin. Tinitigan ko muna ito bago ko tinanggap. Tapos ay pinaharap niya ako sa view ng London Eye kung saan kitang kita mula rito ang kagandahan ng London.

Bigla niya akong niyakap sa likuran. Sabay naming tiningnan ang kagandahan ng tanawin. Hindi ko first time makasakay ng London Eye, pero para sa akin ito ang pinakaespesyal na sakay ko sa buong buhay ko.

"Kailan mo nalamang mahal mo ako?" Kinagat ko ang labi ko sa tanong na iyon. Mabuti at nakatalikod ako sakanya at di niya nakikita ang pamumula ng pisngi ko.

"Hmm?"

"When did you fall for me? Kailan mo nalaman na mahal mo ako?" pag-uulit ko ng tanong.

Humiwalay siya sa yakap namin at iniharap ako sakanya. Ang gwapo gwapo talaga niya. Gusto ko na lang na titiga  siya buong magdamag.

Ngumiti lang siya habang pinagmamasdan ako. "I loved you from the day you told me how ugly I am." At pagkasabi nya noon, ay bigla siyang natawa.

Napakunot naman ang noo ko. At kelan ko naman siya sinabihan ng pangit siya?

"Ke---"

Nilagay niya ang hintuturo niya sa labi ko. "It doesn't really matter how it started. What matters most is now, ang ngayon, ang tayo." Ibinaba niya ang mukha niya sa dibdib ko at itinapat niya ang tenga niya sa may puso ko. Hindi ko na maipaliwanag ang klase ng sayaw na ginagawa ng puso ko sa loob at sigurado akong naririnig niya ang bawat pintig nito.

"I know I can win you back, because your heart belongs with me. Sa akin at sa akin lang."

Itinaas niya muli ang mukha niya hinuli ang labi ko.

Damn right, habang buhay, si Amanda Marie ay kay John Calvin lamang.

At sa gabing ito, kakalimutan ko ang lahat. I lost him twice. Hanggang kailan ko ba hahayaang wala siya? I deserve a happy ever after. A happy ever after with the only man I am deeply in love with.

"I love you, John Calvin."

"Mahal din kita. Sobra." Again, we kissed.

Finally, he fell for me.

When Do You FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon