Ikalabingwalong Pahina

1.1K 16 0
                                    

Concern

"to be a care, trouble, or distress to"

Mabilis lumipas ang isang araw.

Akala mo umaga pa lang, pero maya maya ay gabi na pala.

Akala mo lunes pa lang, pero pagkagising mo, lunes na naman.

Siguro ganun talaga kapag masaya ka no? Ang bilis lumipas ng panahon. At nabibilisan ako sa paglipas ng araw dahil masaya ako. In fact, masayang masaya.

Bakit? Kasi kami na ni John Calvin? Hehe. In my dreams. Masaya ko kasi kahit papaano lumelevel up ang relationship namin. Or sa tingin ko lang yun?

Nang pumasok ako kinabukasan noong magkasakit siya, agad akong pinaulanan ng tanong ng mga kasama ko. Ano raw ang ginawa ko at nag-absent ako? Saan daw ako galing at parang nagkatanline ako? At kung anu-ano pa. I just made excuses para lubayan nila ako sa tanong. Sinabi rin nila sa aking absent din si John Calvin nun. Hay nako, kung alam nyo lang na magkasama kami ng boss natin ng araw na iyon. Hihi.

At ang mas ikinagulat ko, ang isang boquet ng callalily sa desk ko.

Tiningnan ko ang card at parang tubig na nalusaw ang puso ko.

Thank you for last night. -J

And right then I knew, it was from him.

Pagkatapos ng araw na magkasakit siya, biglang nagbago ang pakikitungo ni John Calvin sa akin.

Let's just say, he is less moody to me now. Kapag nakakasalubong ko siya ay nginingitian na niya ako. Kahit maliliit na ngiti lang, masaya na ako. Kapag nagkakayayaan kami nila Maj at kasama siya, hindi na ako naaawakwardan sa aming dalawa. Minsan din, nakakabiruan ko na siya. At kung se-swertihin ako, napapangiti ko na siya.

Sa ngayon, ayoko munang bigyan ng kulay ang lahat ng mga pagbabago sakanya. Dahan dahan. Dahil kagaya nga ng sabi ko dati, hindi naman ako naghihintay ng kapalit. Ang mahalaga sa akin, ay ang nararamdaman niya na mahal ko siya. That's what matters most.

Then the month of August came. My love's birth month.

At syempre papalampasin ko ba ang chance na ito? I need to effort for him.. Gusto ko ako ang may pinakamaganda at memorable na regalo sakanya.

Kaya ngayon, sabado, ay nagpasama ako kay Maj sa mall para tumingin ng magandang regalo.

"Amanda, kain muna tayo. 2 o'clock na kaya. Di ka pa ba pagod?" Reklamo ni Maj na kanina pa text nang text. Pusta ko, si Raico yun.

"Maj naman eh. Wala pa kong napipiling regalo eh." I pouted sabay tingin ulit sa hilera ng business suit na tinitingnan namin.

"Yan na lang silky..." Sabay turo ni Maj sa isang blue na business suit na silk ang tela. "Maganda naman yan eh. Bilhin mo na lang dali."

"Ayoko nyan. May mali eh. Parang masyadong dull yung kulay." Komento ko.

"Ugh! Eh di bilhan mo ng pink na formal attire!" Inirapan niya ako at ibinalik na naman ang toon sa cellphone nya.

Tong Maj na to oh. Inatake na naman ng kasungitan. Pusta ko ulit, warshung sila ni Raico.

Lumapit ako kay Maj at inakbayan siya. I gave her my sweetest paawa ouppy dog eyes. At sinisigurado kong hindi siya makakapalag dito.

"Please bestfriend... Help me na lang please? Para matapos na at makakain na tayo. Libre ko naman eh, promise!"

Napailing na lang si Maj at napangiti. Yes! Sabi ko na eh! "Fine!"

Tumingin tingin din siya sa rack ng business suits. Bakit nga ba business suits? Gusto ko kasi something na palagi niyang magagamit. Na palagi niyang masusuot kahit nasa opisina siya. Kaya lang, halos malibot na namin ang Rockwell eh wala pa rin akong mapili para sa John Calvin ko.

When Do You FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon