[46] Countdown to the Finish: 4

1.1K 18 1
                                    

So Be It

"Bakit ba ang taray mo?"

Natatawang tanong niya nang sabayan na naman niya ako pauwi. This time, dumaan na ako sa shortcut papunta sa bahay namin. Ayoko nang magtrain ng tatlong beses para lang iwasan si John Calvin dahil kahit saan ako magpunta, nakasunod siya. Alam ko.

Umirap na lang ako sa kawalan at hindi pinansin ang tanong niya.

Bakit nga ba ako nagtataray? Uh, kasi ayoko na ulit umasa at masaktan? Kasi natatakot na akong pagkatiwalaan ang puso ko? Di ba sabi ko nga, this time I'll let my mind rule.

"Sige ka. Kapag hindi mo ako kinausap, hahalikan kita!"

Napatigil ako sa paglalakad at tiningnan siya ng masama. Ayan na naman ang carefree at boyish niyang ngiti na hindi bumabagay sa kapormalan ng soot niya.

"What are you, ten? Atsaka pwede ba. Wag mo akong susundan. Pagod ako!" Sigaw ko sakanya at nagpatuloy sa pagmamarcha papunta sa bahay namin.

Ano ba kasing kailangan ni John Calvin sa akin? Porket byudo na siya, babalikan niya ako? Oh eh di ba yun naman ang gusto ko? Tsk. Dati oo, pero ngayon, ewan ko. Isa't kalahating taon akong natahimik, isa't kalahating taon kong tinanggap sa sarili ko na hindi kami pwede sa isa't isa, isa't kalahating taon kong pinaintindi sa sarili ko na hindi lahat ng gusto ko makukuha ko, tapos kung kailan maayos na ako, bigla na lang ulit siyang papasok sa buhay ko? Ha! Hindi mangyayari iyon.

Palagi siyang ganyan. Kung kailan lang niya gustong gawin ang isang bagay, gagawin niya. Ni hindi niya kayang isipin ang nararamdaman ko.

"Amanda Marie."

Napapikit ako ng mariin nang marinig ko ang pagtawag niya sa pangalan ko. I hate him. Alam niya talaga ang kahinaan ko. Hindi ako lilingon. Hindi ako lilingon. Yun dapat ang ginawa ko pero hindi ko alam kung bakit kusang gumalaw ang katawan ko paharap sakanya.

Malayo na pala siya sa akin. Mga limang metro ang layo namin sa isa't isa. Nakapamulsa siya at derechong nakatingin sa akin.

"What do you want? Hindi mo ba kayang umuwi mag-isa na hindi nagsasalita? Tsaka bakit ba sa laki ng London, sa tabi ka ng bahay namin tumira? And in the first place, ano ba kasing ginagawa mo sa London?" derechong tanong ko sakanya.

Nakita ko ang munting pagpout ng labi niya kaya nag-iwas ako ng tingin. Ayoko, hindi ako madadala sa ganyan! "Galit ka ba sa kin?" tanong niya.

Tinatanong pa ba yun? Syempre galit ako! Galit ako kasi pinaasa, sinaktan, pinaglaruan mo ang pagmamahal ko sayo!

"H-hindi ah." Mahinang sambit ko.

Tumaas ang ngiti niya. "Then date me."

Lumaki ang mga mata ko. "What? No way!" Muli ay tumalikod ako at naglakad papunta sa bahay namin. Ano bang pakulo to ni John Calvin? Dahil seryoso, nagsisimula na akong kabahan sakanya. Nahihibang na ba siya? Kung makaasta siya parang nakalimutan niya ang nangyari sa amin last year ah! Nakakabaliw talaga ang taong ito, oo. Sala sa lamig, sala sa init!

He is dangerous around me. Noon pa lang, delikado na talaga ang mapalapit kay John Calvin. At hindi ko na alam kung kaya ko pang masaktan muli because of him.

"If you're not mad at me, then date me. For good times' sake." Narinig kong sabi niya sa likuran ko.

"Pano kung sabihin kong galit ako sayo, titigilan mo na ko?"

"No. Dahil magsasawa at magsasawa ka sa pagmumukha ko araw-araw hanggang sa mapatawad mo ako."

Umiling iling na lang ako at tuluyan na siyang iniwanan doon. Bahala siya sa buhay niya.

When Do You FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon