Ikalabindalawang Pahina

1.1K 17 1
                                    

Uncertainty

"lack of sureness about someone or something"

Pero saglit lang ang ngiting iyon dahil nagiwas sya agad ng tingin.

Yumuko at naglakad na lang papasok sa bahay nila Mike.

Nang makapasok ako sa cr ay hinawakan ko kaagad ang dibdib ko. Grabe kang puso ka, makita mo lang si John Calvin ganyan ka na tumibok?

Minsan nga naiisip ko, normal pa kaya itong puso ko? Kasi most of the time, gusto nang lumuwa nito sa katawan ko. Lalo na kapag nakikita ko siya. Siya lang talaga ang may kakayahang gawin sa akin ang mga ganitong bagay.

Nang matapos ako sa CR ay hindi muna ako bumalik kina Mike.

Naglakad lakad ako sa kabilang bahagi ng bahay nila at napansin kong may maliit na mini gazeebo dun.

Humawak ako sa simento na gapantay ng baywang ko at tumingala sa langit.

Buong buo ang buwan ngayon at sobrang lakas ng simoy ng hangin. Kung nasa Manila kami, tiyak ko mainit ang hangin pero dito sa farm nila Mike, kahit umaga ay mahangin.

Siguro masarap mamuhay sa province. Siguro mas masarap tumira dito dahil kahit saan ka tumingin, fresh ang lahat. Fresh air, fresh food, lahat na.

Parang walang problema, parang ang gaan sa buhay.

Si John Calvin kaya, okay lang kaya sa kanyang sa isang probinsya kami titira at bubuo ng pamilya?

Haha. Bigla akong natawa sa naisip ko. Ang feeling feeling ko talaga. Pero siguro masaya yung ganoon ano? Yung kasama mo yung lalaking mahal mo, namumuhay ng simple, at ramdam na ramdam ninyo ang pagmamahal sa isa't isa. Ganoon lang naman ang gusto ko sa buhay.

Ganun lang kasimple ang gusto ko. Yung kahit na walang pera, walang materyal na bagay, basta ba kasama ko ang mahal ko. At kung swerte ako at mahal na mahal ako ni Lord, ay sana si John Calvin na nga ang lalaking para sa akin.

Ni minsan hindi ko naisip ang sarili kong may minamahal na iba bukod sakanya. Simula't sapol, siya lang talaga.

Unang beses ko pa lang siyang makita noon sa classroom namin, first day ng third year high school ning nagtransfer ako, nakuha na niya agad ang atensyon ko.

I do believe that he is my soulmate. The man for me. Pero siguro, hindi nga lang ngayon. But I know, someday, he will be.

"Amanda Marie."

Halos atakihin ako sa gitla nang may nagsalita sa likuran ko.

Nakahawak ako sa dibdib ko nang lingunin ko kung sino ang tumawag sa kin.

Hindi ko alam kung mabilis ang tibok ng puso ko dahil sa gulat, o dahil sa lalaking nakahalukipkip sa harap ko.

"J-John Calvin?"

Nanlalaki ang mga mata ko nang unti unti siyang lumapit sa akin. Tumabi siya sa gilid ko pero nanatili ang distansya sa aming dalawa.

Mabuti na rin siguro na malayo siya sa akin para hindi niya marinig ang paghuhurumentado ng puso ko.

Nakatingin lang siya sa mga bituin sa langit.

Sinamantala ko iyon para titigan siya. Ang gwapo gwapo talaga niya. He is just my type of man. My love. At kahit pa siguro umitim siya or tubuan ng kung anu ano sa katawan, mamahalin at mamahalin ko pa rin siya.

Nanatili ang katahimikan sa aming dalawa. Tanging tunog lang ng hangin ang naririnig ko sa paligid.

"Alam mo ba na ang liwanag daw ng mga butuin na nakikita natin, eh ilang taon na ang nakalipas? That's how long it takes for the light to reach the surface of the Earth."

When Do You FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon