Ikadalawampu't anim na Pahina

1K 18 0
                                    

"Expect the unexpected."

From: My Future Husband

Thank you.

Itinago ko ang cellphone ko sa ilalim ng unan ko nang mabasa ko ang sms ni John Calvin.

Habang nakatingala sa kisame ay iniisip ko ang mga posibilidad. 9pm na kaya malamang sa malamang, nagsimula na ng event na yun.

And most probably, nageenjoy na sya s company ng babaeng yun.

And the mere thought na may kasama syang ibang babae ngayon shatters my heart.

For seven years I have loved him. At noong high school pa ako eh nagagawa ko pang palayuin ang mga nagkakagusto kay John Calvin (Oo, tinatakot ko sila dahil si John Calvin ay akin lamang) pero ngayon naisip ko, nawala ako sa Pilipinas ng limang taon.

Do I really believe na wala syang nagustuhan or natikmang babae sa loob ng limang taon?

Or yun lang ang pilit kong pinaniniwalaan dahil mahal ko sya masyado?

Ni wala nga akong nakuhang impormasyon noon sa kanya about lovelife eh. Basta ang alam ko lang, single pa sya at wala pa syang asawa. But that doesn't mean na wala syang nilandi or something di ba?

Impossible yun lalo na sa isang lalaking gwapo at naguumapaw ang sex appeal!

O c'mon. I may be reserving myself for my future husband (na si John Calvin nga, obviously) pero how sure I am na nagrereserve din ng sarili nya si John Calvin?

OMG! Ang sakit lang isipin!

Kinakabahan kong kinuha ulit ang phone ko at naglog in sa facebook ko na tinubuan na yata ng ugat.

Naguumapaw na ang notifs at messages at friend requests ko pero hindi ko pinansin iyon at sinearch na lang si John Calvin.

And upon entering John Calvin Almario on the search bar ay agad ko syang nakita.

I opened his profile at habang nagsscroll down ako ay minemental wish ko na sana, sana po Lord wala akong makitang ikakadown ko.

His last post was a year ago pa, halatang hindi na sya naglologin sa facebook nya.

Wala rin akong makitang wallposts nya. Puro lang mga nakatag na pictures, statuses ng old batchmates namin, mga relatives nya at kung ano pang anek anek.

Hmmm. So far so good. Wala pa namang kaduda duda.

Sunod ko namang kinclick ay ang 2011 posts nya pero gaya ng last year, puro tagged lang sya. Wala pa syang sariling post nya.

Ano ba naman yan! Napakawalang kwentang iistall nito ni John Calvin. Wala akong mahita! Masyadong masikreto. Pero dahil likas na akong stalker nya ay pinindot ko pa ang year 2010.

Puro grad pics lang, mga kuha sa bar, mga status na congrats, mga daily horoscope. Diyos ko nagdadaily hosroscope sya dati? Ahahaha. Ano ba yan.

Gusto kong matawa. Dumaan din pala sya sa ganoong stage no? Biruin nyo, ang boss ng AP nagsubscribe sa horoscope. Haha!

Okay, Amanda. Back to work!

Scroll lang ako ng scroll hanggang sa wakas ay may status na sya.

She's just out there somewhere.

January 23, 2010 10:40pm

Hmmm. Lumakas ang tibok ng dibdib ko. Noooo! Sino kaya ang she na ito?

Nakagat ko na ang hintuturo ko habang nagsscroll pa pababa.

Nagtungo na ako sa 2009 posts nya at nagulat ako dahil medyo dumami na ang posts nya.

Ang ilan ay sa mga laro nila sa basketball, sa thesis, sa OJT, business trips, pero may ilan ding about sa personal life nya.

"Wondering what you're thinking right now."

"Amidst the best fishes in the sea, there is this one anchovy who is the best for me."

Wtf? Dilis?

"I hope nothing changes."

Sino kaya ang tinutukoy nya dito? Special someone? Girlfriend nung college? Crush? Waaah! Nababaliw na ako.

Inisa isa ko ang comments at wala naman akong nabasang nagdrop ng pangalan. May ilan lang na nagcomment na "for the win!" , "binata na si Calvin!" , "hmmm. I think I know who this is." , etc.

Nagscroll pa ako sa iba pang years, baka may iba pang evidences na may pinormahan sya or what, hanggang sa nakarating na ako sa year 2008.

Ang pinakauna kong nakita ay ang isang status nya na may 345 likes. Wtf?

"I'll never be the same, if we ever meet again."

May 05, 2008

Andrama ha?

"Baby, I will wait for you. And I don't know what else I can do."

February 15, 2008

Medyo sumasakit na ang ulo sa kakastalk sakanya. At sumasakit na rin ang ulo ko sa kakaisip kung bakit ang dadrama ng mga wallposts nya noon. 2008. If I remember it correctly, freshman pa kami noon!

Tama. At ang date ng status nya ay February 15. Meaning... Kakaalis ko lang noon papuntang London! This is the time na nagplano kami nila Raico ng pagtatapat ko kay John Calvin. Ugh!

Ayoko talagang magfeeling. Ayoko talaga!

Pero could it be na kahit .00001% lang, ako ang tinutukoy nya sa mga status nya?

God! Naiisip ko pa lang na baka ako yun ay napapakagat labi na ako.

Well, there's one way to find out.

I was about to call Raico, dahil sya lang ang tanging makakasagot ng mga gusto kong itanong sakanya, pero nagulat na lang ako nang biglang nagring ang phone ko...

At niluwa sa screen ang pangalan ng mahal ko.

Calling... My Future Husband.

Halos bumaliktad ang sikmura ko makita ko pa lang ang pangalan nya. Time check, 12am na?!

And malamang sa malamang hindi pa tapos ang party nya. But why is he calling me in this dawn of night?

Isinantabi ko ang nagpapalpitate kong puso at sinagot ang tawag nya. Nanginig pa ang kamay ko.

"Hello?"

Malakas na tugtugan lang ang narinig ko sa background. May narinig pa akong boses ng lalaki na nagsasalita sa mic. Host yata.

"J-John Calvin?"

Kinakabahan na ako. Mabibigat na paghinga lang nya ang tanging naririnig ko.

[Amanda Marie.]

Napapikit agad ako marinig ko pa lang ang napakagandang pagtawag nya sa pangalan ko.

Whenever he says my name, I feel like I am the most beautiful girl in the world. Very magical. At hindi ko maipaliwanag ang klase ng pagtatumbling ng mga lamang loob ko sa katawan.

His voice is just so perfect. Specially the way he says my name. Pwede na akong mamatay.

He sighed.

He sighed?

[Let's... Let's date tomorrow.]

Buti na lang mahigpit ang pagkakahawak ko sa telepono ko dahil muntik ko na itong mabato dahil sa sinabi nya.

-------

AN: Para po hindi malito, ang ginagawa ni Amanda ay pagbabackread sa wall posts. Basahing maigi and use your imagination. Hoho. Happy Monday! :)

When Do You FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon