Ikatatlumpu't dalawang Pahina

1.1K 18 3
                                    

"All good things come to an end."

"Xander, kakausapin ko ulit si John Calvin ngayon."

Nabitawan ni Xander ang hawak na ballpen nang sabihin ko iyon.

Galit ang mga mata ni Xander nang tingnan niya ako kaya nakagat ko na lang ang ibabang labi ko.

"What?"

Alam ko kung bakit galit siya. Alam kong para sakanya, walang kwenta ang mga sinasabi ko dahil hindi rin ako papansinin ni John Calvin. At ayaw na ni Xander na pahiyain ko pa ang sarili ko.

I appreciate his concern, pero ito ang desisyon ko. Kailangan ko siyang makausap dahil kung hindi, baka mabaliw lang ako kakaisip sa sitwasyon namin.

"What if he doesn't want to talk you? Kung ayaw ka na niyang kausapin, Amanda?" pabulong na sabi ni Xander. Malapit lang kasi sa amin sila Steffan at kaunting volume na lang ng boses niya ay tiyak maririnig na nila ang usapan namin.

Nilunok ko ang nabuong laway sa lalamunan ko.

"It doesn't matter. But I have to try. Kailangan ko siyang kausapin for my peace of mind. Hindi pwedeng ganito, Xander."

"At ano? Ikaw na naman ang gagawa ng paraan na magkaayos kayo? Kung ayaw na niya, eh bakit mo pa pinipilit?"

Parang tinusok ng maraming karayom ang puso ko. Para na rin sinabi ni Xander na itigil ko na ang pagiilusyon kay John Calvin dahil kahit magusap man kami o hindi, wala pa ring patutunguhan ang lahat ng gawin ko.

Nanlaki ang mata niya ng marealize kung ano ang sinabi niya. Lumambot ng kaunti ang ekspresyon sa mata niya.

"I'm...sorry." Sambit niya.

Nilaro laro ko ang lapis na hawak ko.

"If that's what you want to do, I guess I'm not in the position to stop you. Pero kung ano man ang mangyari, andito lang ako. Okay?"

Tumango ako sakanya at ngumiti.

Thirty minutes bago maglunch time ay umalis ako ng opisina namin at nagpunta sa 45th floor.

Wala na akong pakialam kung bawal ako dito, or kung ano man ang maging resulta ng pag-uusap namin ni John Calvin, basta ang gusto ko lang ay makausap siya.

Dahil magdadalawang linggo na at miss na miss ko na siya.

Na kahit pangit ang pakikitungo niya sa akin, hindi pa rin maiaalis sa akin na mahal na mahal ko talaga siya. Hindi man lang nabawasan iyon kahit kaunti.

Nang makarating ako sa palapag nila ay agad kong pinuntahan si Judith.

"Oh, Amanda. Bakit nandito ka?" tanong niya.

"Judith, pwede bang papasukin mo ako sa loob ng opisina ni John Calvin?"

"Ha? Amanda, alam mong bawal yan. Baka mapagalitan ako eh." Nagaalangang sabi ni Judith. Naawa ako sakanya dahil pati siya ay nalalagay sa alanganin nang dahil sa akin. But what can I do, Judith is my only hope. Desperado na ako.

"Please Judith. Kailangan ko lang makausap si Jo-- I mean, Sir JC. Please. Importante lang."

Tinitigan ako ni Judith nang matagal bago siya sumangayon.

"Pero bilisan mo lang Amanda ha? Baka kasi mamaya, dumating si Ma'am Selena."

Ngumiti ako ng mapait. "Oo, sandali lang."

Mabibigat ang hakbang ko papunta sa opisina ni John Calvin. Ngayon lang ako nakarating sa bahaging ito at nang makita ko na ang pangalan niya sa labas ng opisina nya ay kumalabog na agad ang puso ko.

When Do You FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon