Ikadalawampu't apat na Pahina

1K 17 0
                                    

"Let the truth be told."

Inis na inis ako habang ginagawa ang formal dress na para sa date ni John Calvin.

Para naman pala sa date nya to eh. Eh bat kelangan ako pa ang gumawa? Bat di na lang siya bumili?

Hindi man lang niya naisip ang damdamin ko. He knows how much I'm crazy about him tapos sa akin pa talaga niya ipapagawa ang dress ng date nya.

Kaloka talaga.

"He is so... so... SO MEAN!"

Pagmamaktol ko kay Maj pero ang bruha, tawa lang ng tawa.

Sa sobrang inis ko, hindi ko na magawang batiin ang guard ng AP. Hindi ko na rin magawang mangiti sa mga nakakasalubong ko.

Hanggang sa loob ng office namin ay tinutuon ko na lang ang pansin ko sa pagdadrawing, pagtatahi at paglalayout.

"Nakulam?"

"Baka may sakit?"

"Baka naman heartbroken?!"

Napabuntong hininga ako at tiningnan si Steffan, Mao at Mitch na nagbubulungan habang nakatingin din sa akin.

Tama kayo, broken hearted ako!

Maliit ko silang nginitian. Atsaka ibinalik ang atensyon ko sa lamesa ko.

Mamayang gabi ay tatapusin ko na ang gown na tatlong linggo ko nang ginagawa. Siyempre, kahit naman masama sa loob ko ang igawa ng gown ang kung sinomang pontio pilatong date na yan ng one true love ko, eh I still made sure that this gown is the best.

As much as this hurts me, I still could not let him down. Like I said, if he wants the best, my job is to give him the best. Hay. That's love guys.

Dala dala ang tasa ng kape ko ay tumayo ako at nagpunta sa water dispenser.

Pero pati yata ang dispenser ay gustong inisin ako dahil wala palang tubig.

Tamad na tamad akong naglakad papunta sa pintuan. Ramdam na ramdam ko ang mabibigat na titig ng mga kaopisina ko.

"Kuha lang ako ng tubig sa labas ha." Sabi ko atsaka dumeretso sa labas. Meron kasing tubig dito for everyone kaya lang malayo layong lakaran nga lang, yung nasa office namin ay pinrovide lang ni Dino para daw hindi na time consuming.

Nang makarating ako sa dispenser ay agad kong nilagyan ng tubig ang tasa ko.

Wala na kong ibang inisip kung hindi ang gown para sa date ni John Calvin. Ang date ni John Calvin.

May date si John Calvin! Ugh.

Tulirong tuliro na ako.

Hindi pwede! Ako lang dapat ang date nya!

"Amanda!"

"Aww!" Napatalon ako sa gulat kaya tumapon ang mainit na tubig sa skirt ko.

Umaapaw na pala ang mainit na tubig, ni hindi ko man lang namalayan.

"Ano bang ginagawa mo?" Galit si Xander nang yumuko siya at akmang iimisin ang nabasag na baso.

Nataranta ako at naghanap ng pamunas. Syempre, ako ang may kasalanan. I can't just stand there.

"Sorry. Ako na.." Pinunas ko ang tela sa floor pero agad kong binawi ang kamay ko nang biglang kumirot ang kamay ko.

"Aray!" Daing ko.

Nabitawan ni Xander ang mga piraso ng tasa at basta na lang hinablot ang kamay ko.

"Ang tanga tanga mo naman." Iritableng sabi nya habang chinecheck ang kamay kong namumula na ngayon.

When Do You FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon