Ikadalawampu't pitong Pahina

1.2K 17 0
                                    

"Make evey second worth it."

Kahapon lang nagdadamdam ako dahil sa eksenang nakita ko sa opisina namin--- a girl was clinging into John Calvin's arms as if she owns all of him.

And the fact that John Calvin does not react to it, meaning gusto rin niya. Hindi siya napilitan, hindi siya nagulat. Gusto niya ang magandang babae.

At bilang isang patay na patay na babae kay John Calvin, supposedly ay ngumangawa na ako or nagwawala na ngayon sa condo ko.

Pero pagkarinig na pagkarinig ko pa lang sa boses nya nang tumawag siya kagabi, lahat ng sakit, lahat ng mga katunungan sa isip ko ay naglaho nang parang bula.

Nakalimutan kong baka may babae siya, nakalimutan kong baka may mahal siyang iba.

Ang tanging naaalala ko lang ay mahal ko siya.

Kaya balik na naman ako sa pagiging third year high schooler na kilig na kilig sa pagiimagine kay John Calvin.

HE INVITED ME FOR A DATE!

Sakanya na mismo nanggaling na date yun!

At ngayong nga natataranta ako sa isusuot ko, sa ayos ng buhok ko, sa pupuntahan namin, sa lahat!

"Hindi mo naman kelangan magayos, maganda ka na kahit anong isoot mo." Sabi ng magaling kong best friend over the phone.

Kinuha ko ang itim na dress at tiningnan sa salamin kung bagay ba sa akin. "Iba to Maj, date to. DATE. At sya mismo ang nag-aya."

"Okay, okay. Pero saan ba kasi kayo pupunta? Para naman alam mo kung anong damit ang isosoot mo right?"

"Hindi ko alam eh. Di naman nya sinabi."

"Bat di mo tinanong?"

"Aba sa sobrang bigla ko, napaoo na lang ako no!" Totoo naman eh. Sino ba ako para umangal di ba?

Besides. Ngayon lang sya nagyaya ng date! Sya na mismo ang naglabel na date to. Hindi hang out, hindi catch up, hindi tamang labas. DATE.

"Maj..."

"Hmm?"

"Bakit ba nagdadate ang dalawang tao?" biglang tanong ko at isinalampak ang sarili ko sa gilid ng kama ko. Kinuha ko ang picture frame ni John Calvin sa bedside table ko at hinaplos ang mukha nya.

"Di ba nagdadate kasi gusto mo syang makasama? Quality time? Kasi ineenjoy mo ang company nya? Kasi gusto mo siyang makilala? Kasi... gusto mo siya?"

Tumawa si Maj sa kabilang linya. She sighed first bago sagutin ang napakadaming tanong ngayon sa isip ko.

"Maybe. Hindi ko alam. Knowing JC, mahirap yun basahin. Ikaw? Ano sa tingin mo?"

Ano nga ba sa tingin ko?

Kung ako kasi ang tatanungin, aba syempre gusto kong isipin na idinedate nya ako dahil finally, gusto na rin nya ako.

At kung sakaling totoo nga yon, promise magpapaparty ako!

But Maj is right. Mahirap basahin ang tulad ni John Calvin. One day he's like this, one day he's like that.

Noong una masungit sya sa akin, he denied my existence way back, tapos sabi nya wag akong umasa sakanya, tapos maya-maya, hinalikan na nya ako! Minsan he makes me feel like he feels something for me too, pero minsan naman base sa actions nya parang gusto nyang iparating na ayaw nya sa akin at may iba syang gusto.

Mahirap magassume. Mahirap umasa. Gusto ko, manggaling mismo sakanya kung ano ba talaga ako para sakanya.

"Maj... yesterday.. I saw him... with some girl.." Nang bumalik sa isip ko ang eksenang may babaeng nakasabit sa leeg nya ay nahihirapan na naman ako huminga. Gusto ko na ngang kalimutan na lang ang nangyari eh. Pero wala eh, I need answers.

When Do You FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon