Ikalabinganim na Pahina

1.1K 16 0
                                    

Frustration

"a deep chronic sense or state of insecurity and dissatisfaction arising from unresolved problems or unfulfilled needs"

"Amanda! Are you okay?!"

Nahihilo pa ako nang umupo ako. Ubo

lang ako ng ubo hanggang sa matuyo ang lalamunan ko.

Unti-unti ko na ring naaaninag ang mga kaibigan ko na nakapalibot sa akin. Specially John Calvin na may bahid ng pag-aalala ang mukha sa gilid ko.

Uminit ang pisngi ko sa klase ng tingin na binibigay nya.

Amanda Marie Gener, you almost drowned yourself pero may time ka pang tumunganga kay John Calvin ha? Crazy.

"Are you alright?" Tanong ni John Calvin.

Dahan dahan akong tumango.

Galit siyang napatingin kay Jayson at tumayo at walang anu anoy tinulak ito.

"What the hell were you thinking, huh?" Galit na sumbat ni John Calvin.

Nataranta naman si Jayson. "So-sorry pare! Hindi ko n-naman... Sinasadya eh." Namumutla na si Jayson nang napatingin siya sa akin. "Amanda, sorry! I didn't mean to do that."

Napakunot ang noo ko. Kung tutuusin hindi naman talaga kasalanan ni Jayson yun dahil ako naman ang naout of balance? At bakit nga ba ako naout if balance?

Iritable akong napatingin kay Evah na hindi na rin maipinta ang mukha. Siya! Siya ang salarin dahil siya tong bigla biglang sumisigaw kanina.

Nagiwas na lang ako ng tingin. Wala na rin namang point kapag nanisi pa dahil nangyari na, and besides ang mahalaga ay maayos na ako.

"Tama na yan. Okay naman ako eh." Mahinang sabi ko. Nasa tabi ko si Maj at hinahaplos ang likod ko.

Galit na bumaling sa akin si John Calvin. "OKAY?! YOU ALMOST DROWNED! WHAT IS OKAY WITH THAT?!"

Halos mapangiwi kaming lahat sa sigaw nya.

"I'm fine. Really. Hindi...kasalanan ni Jayson."

Titig na titig sa akin si John Calvin. Pakiramdam ko puputok ang lahat ng ugat niya sa ulo sa sobrang inis sa mga sinasabi ko. Nagkuyom ang panga nya.

Nagulat na lang ako nang bigla siyang lumapit sa akin at bigla akong binuhat.

"Calvin!" biglang sambit ko nang buhat buhat na niya ako.

Pero nanatili lang ang kawalang? reaksyon ng mukha niya.

"Wait! Calvin! How about me?" Narinig kong tanong ni Evah sa may likuran namin.

"Shut up!" Madiing utas ni John Calvin at nagderecho lang sa lakad.

Gusto kong matuwa dahil sa pagsusungit nya kay Evah pero at the same time, naaawa ako sa reaksyon ni Evah. She looks embarrassed.

Napatingin ulit ako kay John Calvin na ngayon ay nasa may sasakyan na nya.

Binuksan nya iyon gamit ang isang kamay at pinaupo ako sa passengers seat.

"John Calvin... San tayo pupunta?"

Patuloy lang sya sa pagaayos ng seat belt ko. "Home." He said simply.

"Ha? Now? Pano sila? Yung mga gamit ko? and... Yung.. Koche ko?" Kabadong tanong ko.

Tiningnan niya ako ng seryoso.

At base sa mga titig nya, alam kong wala na akong magagawa kung hindi ang sumunod sakanya.

"Stay here." He said simply at lumabas na ng sasakyan.

When Do You FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon