[40] Countdown to the Finish: 10

1.1K 18 4
                                    

Si Selena Martinez

Selena Martinez is one graceful and refined woman. Bawat kilos niya ay swabeng swabe at punong puno ng poise at sophistication. Unang beses ko siyang makita ay talagang hindi ko maialis ang tingin ko sakanya. She has this charming beauty that can captivate anyone's heart. Bagay at dalang dala niya ang pagiging mataray sa hitsura niya. I am a witness of how a head turner she is. And if she wasn't pretty, John Calvin might not like her this much.

Pero lahat ng paghanga ko kay Selena, unti unting nabubura habang papalapit siya sa akin ngayon. Ang dating puti niyang mukha at naturally pinkish cheeks ay ngayo'y natatabunan na ng make up at concealer. Na kahit anong tabing dito, naguumalpas pa rin ang ngayo'y maputla niyang balat.

Ang dati niyang maroon at nakakapangakit na mga labi, ngayon ay pinilit na lang na pumula dahil sa liptint. Pero kitang kita mo ang panunuyo at pagbibitak bitak ng mga labi nito.

Ang dati niyang naniningkit na mga mata ay nababalutan na ngayon ng itim na bilog na tila nagsasabing wala pa silang matinong tulog.

Ngumiti siya sa akin nang tipid habang umupo sa kaharap kong lamesa. Nginitian ko rin siya. I am so glad she responded to my invitation. Sa wakas, may chance na rin akong marinig ang katotohanan.

"Do I make you wait so long? Ang tagal kasi ni Yaya ayusin yung mga gamit ko eh." Hindi ko maialis ang tingin ko sa nanginginig niyang baba. It's kind of disturbing, and intriguing at the same time.

Gusto kong maawa sa hitsura niya ngayon, pero sa tuwing naiisip ko na pinagsasabay nya ang dalawang lalaking importante sa akin, I can't help but hate her.

"What do you want from us?" Seryosong tanong ko. Walang paliguy ligoy. Derechong derecho.

Nanlaki ang mata niya sa tinanong ko. "Anong---"

"Selena, right? You know what, wala akong panahon masyado para pahabain ang dinner na to. May gusto lang akong itanong, at inaasahan kong sasagutin mo." Lasang lasa ko ang pait sa boses ko.

She must have a very good reason for everything.

"I-I'm sorry..."

"Dapat lang." Napalunok ako sa pagtataray ko. Naguguilty ako the way I talk with her lalo na kapag nakikita kong parang nahihirapan siya. Na parang may iniinda lang siyang sakit.

"I didn't mean to hurt anyone." Mahinang sabi niya.

"Well guess what, sinasaktan mo na kaming lahat." Buong buo ang boses ko pero pinanatili ko pa ring kalmado ito. Ayokong makacause ng commotion dito sa restaurant na kinakainan namin ngayon.

Napatingin siya sa akin at napaawang ang bibig niya. Nakita ko ang pamumuo ng luha sa mga mata niya. Kinagat na lang niya ang labi niya habang nilalaro niya ang table napkin sa lamesa. At dahil doon, mas nagkaroon ako ng chansang mapagmasdan ang dyamante sa kaliwang kamay niya. At muli, nakaramdam ako ng panununtok sa dibdib ko.

"Alam mo bang walong taon ko nang mahal si John Calvin. All my life, all my life I have loved him. Walang mintis yan, Selena. I've done desperate measure just he could notice me, lahat dinanas at tiniis ko mapansin niya lang. At lahat ng sakit simula nang umeksena ka sa amin, tinitiis ko hanggang ngayon kasi mahal ko siya. Ikaw, gaano mo siya kamahal?"

Nakita ko ang paglandas ng luha sa kanang pisngi niya pero agad niyang pinunasan iyon gamit ang nanginginig niyang kamay. Naiinis ako dahil mukha siyang maamong tuta na inaaway ko ngayon. Geez, ineexpect ko pa man din ay tatarayan niya ako dahil mas may karapatan na siya kay John Calvin ngayon.

Himigpit ang hawak ko sa lamesa at naglean pa lalo malapit sakanya.

"Ano bat hindi ka nagsasalita? Guilty ka no? Guilty ka kasi pinagsasabay mo silang dalawa ni Xander!"

When Do You FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon