Unang Pahina

2.6K 22 1
                                    

Gravity

"The force that attracts a body towards the centre of the earth, or towards any other physical body having mass."

Third year high school ako noong una kong maranasan ang magkaroon ng crush. Tandang tanda ko pa nga kung paano ko tiniis ang sakit ng pricking sa facial para lang hindi tubuan ng tigyawat ang mukha ko. Tandang tanda ko rin kung paano ko tiniis ang sakit na itapon ang lahat ng damit kong may sentimental value sa akin para lang bumili ng bagong wardrobe---yung mas daring at mas modern para mapansin ako ng crush ko. Tandang tanda ko pa rin kung paano ko tiniis ang puyat gabi-gabi para lang magreview sa Physics para lagi akong may maisagot sa klase kung saan kaklase ko siya.

Lagi pa akong gumagawa ng paraan para lang maging magkasection kami. Kinakaibigan ko ang lahat ng mga kaklase ko noon para madali akong makipagpalit sakanila ng grouping dahil kailangan, kagrupo ko siya. Naaalala ko pa kung paano ako magmakaawa kila mommy para lang payagan nila akong magovernight kapag may group projects kami para syempre, matagal ang quality time namin.

Pero sad to say, sa kabila ng lahat ng ginawa ko, wala ni isa man sa group projects namin ang inattendan niya. Magugulat na lang ako at nakapagsend na pala siya ng contribution niya sa grupo o kaya naman, siya na lang ang magrereport noon sa klase. Pero ni isang beses hindi ko siya nakasamang maggupit ng cut outs, magstaple ng cartolina at magpaint ng decorations.

Naalala ko pa noong summer bago ako mag-fourth year high school, pinilit ko pa sila mommy na i-enroll ako sa culinary arts. Two months din akong nag-aral na magluto ng French, Italian, American at Asian cuisine. Nagpaturo din ako kung paano magbake ng masasarap na pastries at cake para sa crush ko. Hindi ko na nga maalala kung ilang beses na kong napaso at nagkablister para lang matutunan ko ang mga paboritong pagkain niya.

Dumating ang birthday niya, two months after ng pasukan, August 27 yon, nagbake ako ng cake para ipangregalo sakanya. I made sure na makakarating siya ng langit kapag natikman niya iyon. Ako pa mismo ang naglagay noon sa kwarto niya. Paano? Nagpaparty kasi noon sa bahay nila kaya invited lahat ng kaklase nya dun. Syempre binigyan ko rin ng cake ang yaya niya para tulungan ako na makapasok sa kwarto niya. Kilig na kilig nga ako noon eh, dahil amoy na amoy ko siya sa loob ng kwarto. At sa sobrang pagka-obsessed ko sakanya, kinuha ko ang deodorant nya sa cabinet. Aba, souvenir!

Inantay ko pa siya sa gate nun after ng birthday niya. Gusto kong makita ang reaction niya tungkol sa cake na iniwan ko sa kwarto niya. May laman pang greeting card yun, love letter at picture ko para kapag nakita niya ako, alam niyang ako ang nagbigay ng noon. I was hopeful back then, very very hopeful na titingnan niya ako pero nang dumating siya sa school noon, nilampasan lang niya ako. Ni hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin noon.

Susuko na sana ako pero naisip ko, baka kinain lang ng yaya niya ang cake niya kaya hindi niya nakita. Ah, oo tama, baka ganoon nga. Kaya hindi ako sumuko. Nag-first year college noon at syempre, kung nasaan siya nandoon din ako. Tandang tanda ko pa, Valentines day yun, nagpacustomize ako ng shirt na mayroong pangalan niya. Pagkatapos ay kinuntsaba ko ang best friend niyang si Raico para sa plano kong pagtatapat noon.

Sinabi ko kay Raico na ilalakad ko siya sa best friend kong si Maj kapag tinulungan niya ako. Ang talino ko talaga, naisip ko yun. Kaya ayun, ginawa niya naman ang inuutos ko. Dinala niya ang crush ko classroom namin kung saan nagpaprint ako ng posters na may litrato ko, at nakasulat doon ang mga katagang, "I ____ You. Meet me at the rooftop tonight, 8pm." Syempre hindi ko sinulat ang word na 'love' dahil gusto ko, ako mismo ang magsasabi sakanya noon. Sa bibig ko mismo manggagaling na mahal ko siya.

Excited na excited ako sa gabing yun. Pero sa kasamaang palad, may nangyaring emergency sa bahay kaya hindi ako nakarating noon sa rooftop. Pero tuluyan nang naglaho ang pagkakataon kong magconfess sa kanya, nang sa gabi ring iyon ay lumipad ako ng London at doon na nagtapos ng college.

When Do You FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon