Ikapitong Pahina

1.2K 20 0
                                    

Dream

"A strongly desired goal or purpose"

"Calvin!"

Sinamaan ko ng tingin si Raico.

Bwisit na to! Porket alam nyang napakavulnerable ko kapag naririnig ko ang pangalang John Calvin.

Iniripan ko siya.

Noong college pa kasi kami yan lagi ang pang-asar nya sa kin. Kunyari tatawagin nya si Calvin pero wala naman pala. Gustung gusto lang nya talaga kong nakikitang nagdurusa. Leche kang Raico!

Kakain na nga lang ako! Aakma na sana akong susubo nang biglang mafreeze ang buong pagkatao ko.

"Hey."

Malamig na boses ng nasa likuran ko. Muling nadettach ang puso ko sa katawan ko.

"Hey man. Upo ka muna." Nakangiting sabi ni Raico sa nasa likuran ko.

Sino pa ba? Eh di ang one great true love ko!

Siya ang kausap pero sa akin nakatingin. Raico! Makuha ka sa tingin!

Nagkakandarapa naman sa pagtibok ang dibdib ko. Hindi ko alam kung lilingon ba ako, haharap, o magtatago sa ilalim ng lamesa. Hindi ako prepared! Kung alam ko lang eh di sana naggown ako ngayon! Naman oh!

Napansin ko na lang ang unti unting pagupo ni John Calvin ko sa tabi ko.

Waaah. Ang bango bango talaga nya. Ang sarap singhutin!

"Hi JC!" Masayang bati ni Maj kay John Calvin.

Nakita ko naman sa peripheral ko na ngumiti si John Calvin sakanya. "Hi."

Unfair! Bakit sa ibang tao, nakakangiti sya? Bakit sa akin hindi? Ni tingnan nga ako pakiramdam ko hirap na hirap pa siyang gawin. Dahil ba employee nya lang ako?

Kung sabagay. Hindi nga nya ko kilala di ba?

Naramdaman ko namang sinipa ako ni Maj sa ilalim ng mesa.

Leche. Ang sakit. Pero inginuso lang niya si John Calvin.

Ewan ko ba bakit bigla akong nahiya. Bigla akong nailang. Dumating lang ang mahal ko, tumiklop na ako.

Unti-unti kong ibinaling ang ulo ko sa direksyon ni John Calvin. Muntik pa akong maduwal ng rainbow ng makita ko ang gwapong gwapo niyang mukha.

"H-hi Sir." Damn tongue!

Tumango lang siya sa akin. See?

After noon ay isang mahabang katahimikan. Walang nagsalita sa aming apat. Hinahalo ko lang ang Ramen kk pero sa totoo lang, gustpng gusto ko nang lingunin si John Calvin at kausapin. Pero ewan ko saan napunta ang dila ko at umurong yata.

Nahuhuli ko naman si Raico at Maj na nagkakatinginan tapos biglang matatawa. Mga baliw!

"Ehem." Pambasag sa katahimikan ni Raico.

"Dude. You know what, Amanda used to study in Deaver." Deaver yung school namin nung high school.

"Hmm." Tipid na reaction ni John Calvin.

Pinandilatan ko si Raico. Pero ang gago, hindi nagpatinag.

"In fact, naging kaklase natin sya minsan. Actually, hanggang college nga eh. DON'T YOU REMEMBER HER?"

Buong pagdidiin ni Raico sa huling sinabi nya. Aba, balak ba nyang sabihin kay John Calvin na ako yung babae sa posters noon?! Bigla akong kinabahan.

Napatingin na rin ako kay John Calvin. Baka naman hindi lang niya ako maalala kahapon? Baka naman ngayon maalala na niya na ako yung Amanda Gener na naghahabol sa kanya noon. Na ako yung Amanda Gener na nageeffort na magpapansin sa kanya dati.

When Do You FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon