Epilogue

1.6K 29 8
                                    

Ever since John Calvin and I got back together, palagi nang maganda ang gising ko. Tatlong araw pa lang since we reconciled but I already got the best three days of my life.

Masayang masaya ako pagising ko. Another day with my love!

Simula nang dumating ulit siya sa buhay ko, hindi na maalis ang ngiti sa mukha ko.

"Ma, si John Calvin?" nakangiting tanong ko kay Mommy na nagagarden ngayon. Tuwing umaga kasi ay sinusundo ako ni John Calvin dito at hinahatid sa botique.

Bakas sa mukha ni mommy ang gitla. Napalitan ito ng isang weirdong expression. Kinabahan ako.

"Ma?"

Ibinalik ni mommy ang atensyon sa halaman. "Ah.. susunduin ka ba nya?"

Kumunot ang noo ko. "Ma, araw-araw akong sinusundo ni John Calvin di ba?" Kinabahan ako. What's with my mom?

Parang may gusto siyang sabihin sa akin pero nagaalangan lang siya. Nagkibit balikat na lang ako at bumalik sa kwarto para itext si John Calvin.

To: John Calvin Ko

Asan ka na?

Pero inugat na ako kakaantay sakanya ay wala pa rin siyang reply. Tinawagan ko pero cannot be reached naman. Seryoso, may nangyari ba? Dahil unti-unti na akong kinakabahan.

"Ma, may nasabi po ba si John Calvin? Hindi daw nya ko masusundo?" tanong ko.

"Uhmm.." Nag-iwas si mommy ng tingin at parang naluluha. Then I started to panic.

"Ma, what's wrong?" Nakita kong pinunasan ni Mommy ang luha sa mata nya atsaka pilit na ngumiti sa akin.

"W-wala. Hindi ka pa p-pasok, anak? Malalate ka na."

I ignored it at takang takang umalis ng bahay. Luminga linga ako sa paligid kung bigla bang susulpot si John Calvin like the usual pero to my dismay, wala siya. Wala ang presensya nya at wala ring ni isanv naligaw na text sa cellphone ko mula sakanya.

Naiiyak na ako dahil mukhang may masamang nangyari pero wala akong magawa kung hindi ang mag-hintay. Maybe he's just busy. Oo nga, baka busy lang siya kaya ganoon.

Buong araw sa botique ay napansin kong aloof si Helga at si Cassey sa akin. Kagaya ni mommy ay parang tuliro rin sila at hindi mapakali. Nawe-weirduhan na talaga ako sa mga kinikilos nila. Ano ba talaga ang nangyayari dito? Everytime tatanungin ko naman sila ay dina-divert nila ang topic into something else.

Unti-unti nang binabalot ng takot ang dibdib ko. Halos mapisa ko na ang telepono ko nang hapon na ay wala pa ring text si John Calvin.

No, no, no. Please don't fail me again. Ano, pinaasa na naman ako sa wala? No. Not again. Hindi ko na kayang masaktan ulit. Not this time.

Maaga kong sinara ang botique. Dumerecho agad ako sa bahay ni John Calvin. Nang kumatok ako ay isang matandang babae ang sumalubong sa akin.

"Good evening, Madame. May I speak with John Calvin?" tanong ko.

Kumunot ang noo ng matanda. "Calvin?"

"Yes. Is he there?"

Kumunot ang noo niya at tila inaalala ang pangalang John Calvin. "Oh, Calvin! Didn't you know?"

"Know what?" mahinang tanong ko.

"He already left for the Philippines!"

Parang bombang sumabog sa mukha ko ang sinabi ng matanda. No, no. He did not just leave me here! Hindi pwede!

I wasted no time and hailed a cab to the aiport. Umalis siya? Bakit hindi man lang niya sinabi sa akin? Ano na namang pakulo ito, John Calvin? Sa taxi pa lang ay hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko. Damn. Not again, John Calvin.

When Do You FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon