Ikadalawampu't siyam na Pahina

1.1K 15 0
                                    

"There are two kinds of love: The two-sided and the unrequitted."

Maaga pa rin ako gumising kinabukasan.

Di ko nga alam kung nakatulog ako eh! Puyat na puyat ako kakaisip sa date namin kagabi, sa paghalik nya sa akin, at sa sinabi niyang gusto niya ako.

Kaya naman ganadong ganado akong ipagluto siya ngayon ng lunch niya. Weeee!

Pakiramdam ko konting konti na lang eh. Konting kembot na lang at mapapasakamay ko na ang matamis niyang oo!

Habang nagluluto ay naisipan ko siyang itext.

To: My Future Husband

Good Morning! :) Ingat pagpasok sa office!

Ang feeling ko talaga. Pero hayaan na, it's just one way of showing him that I care.

Pero natapos na akong magluto, maligo, magayos ay wala pa rin siyang reply.

Nagkibit balikat ako. Kahit siguro gusto na rin ako ni John Calvin ay hindi pa rin maiaalis sakanya ang pagiging snob at moody nya. He's just born with it. Hay nako, pasalamat siya mahal ko siya kaya tangggap ko kahit masungit siya!

Nakangisi ako habang nagmamaneho papuntang AP.

This is a very beautiful day! Kagabi nga, kating kati na akong itext si Maj about sa progress namin ni John Calvin, nako tiyak matutuwa yun! Dahil finally, the fruits of my labor are coming my way.

"Good morning, Manong!" Masiglang bati ko kay Manong Guard.

"Good morning, Ma'am Amanda. Masaya ho yata tayo ah?"

"Aba Manong, matagal na ho akong masayahin kayo talaga!"

Hindi na niya chineck ang ID ko dahil kilalang kilala na niya ako dito.

Hanggang sa elevator ay panay ang bati ko sa mga kasamahan ko.

"Good morning sainyong lahat!"

Pinindot ko ang 45th floor, ang floor ng pinakamamahal ko.

"Good morning Judith!" Nakangiting bati ko kay Judith. Nginitian din niya ako

Syempre, alam na niya kung ano ang ipinunta ko rito.

"Pakibigay na lang ulit ha? Special yan!"

"Mukha nga. Ang bango eh. Ano ba ito?"

"Spicy pork salpicao with extra seven years of love on the sides! hihi."

Natawa si Judith sa sinabi ko at napailing na lang.

"Ikaw na bata ka."

"Thank you Judith! Bukas ipagluluto rin kita!" Kinindatan ko siya at nagmadali nang bumalik sa elevator.

Nang makarating ako sa floor namin ay naabutan ko si Xander na naglalakad na papunta sa office namin.

"Xander!" Tumigil siya at lumingon sa akin. Kinawayan ko siya at naglakad sa tabi niya.

"Xander, hi!" Nakangiting bati ko.

At si Xander, na dating isnobero, ay hindi na isnobero ngayon. Nginitian niya ako. Yes, finally we are friends!

"Alam mo Xander...." panimula ko.

"Ano yun?" tanong niya. Oh see, kinakausap na rin nya ako ngayon. Bigtime!

"Mas gwapo ka kapag nakasmile ka." Totoo naman eh, gwapo si Xander kung tutuusin. Pero pag laging nakabusangot ang mukha nya ay parang tumatanda siyang tingnan.

Napansin ko ang bahagyang pamumula ni Xander. Ang cute nya asarin! Kaya naman kiniliti ko siya sa tagiliran. Total magkaibigan na kami ngayon ay lulubusin ko na.

When Do You FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon