Ikadalawampung Pahina

1.3K 21 0
                                    

Intimacy

"marked by very close association, contact, or familiarity"

"Hi." Nakangiti niyang bati sa akin.

Nanatili lang akong nakatulala sakanya. He's like a dream.. A thought na biglang nagmaterialize sa harapan ko.

Kanina lang ay iniisp ko siya, ngayon ay nandito na agad siya sa harap ko. Kanina pa kaya siya diyan?

"Hi?" Bat patanong?

Nakita ko ang unting pagtaad ng labi niya to form one drop dead gorgeous smile. The smile that melts the insides of my body. Syet!

Nakangiti pa rin siya nang dahan dahan niyang hinuban ang white tuxedo niya at marahang ipinatong iyon sa balikat ko.

Nalaglag ang panga ko sa ginawa niya.

"It's cold. What brings you here?" Tanong niya sa akin.

"Oo nga eh." Wala sa sariling sabi ko.

Shocks! Why does he have to be this handsome? Lalo na ngayon at naaaninag ko ang gwapo niyang mukha na natatamaan ng liwanag ng buwan. Para siyang si Edward sa Twilight, shining shimmering handsome sa sobrang kagwapuhan.

And I don't know how long I have been staring at him dahil natauhan na lang ako when he softly chuckled.

"What?" Takang tanong ko sa biglang pagtawa niya.

"I'm asking you. What are you doing here?" He asked softly. At ang sarap pakinggan ng malumanay nyang boses. Music to my ears.

"Uh.. Hinahanap ka." Pag-amin ko.

Once again, nginitian nya ako atsaka tumabi sa akin. Ngayon ay nakatingin na rin siya sa buwan. Parang noon lang nung nasa gazebo kami sa Nueva Ecija.

"And why is that?" Tanong niyang nakatingala pa rin.

Umikot ulit ako at this time, pareho na kaming nakatingala sa buwan. Napapalibutan ito ng maliliit at maliliwanag na bituin.

"Syempre, birthday mo kaya. I was looking for you, to greet you." Lie. Hinahanap kita kasi gusto kitang makita!

"Hmmm. How'd you know I'm here?"

I shrugged my shoulders. "I didn't. I just wanted some air. Alam mo na, hindi naman ako sanay sa ganyang socializations about business I don't have a single idea about."

Narinig ko na naman ang mahina nyang hagikhik. Yung totoo? Hindi kaya natipus si John Calvin noong nagkasakit siya kaya in a snap, umayos ang mood niya sa akin?

But whatever the reason is, sana ay hindi na magbago. Because whatever he is showing right now, I like it. I like things the way they are right now.

"Why are you staring at me?"

"Huh?"

"Amanda, okay ka lang? You seem disoriented." May bahid ng panunuya ang boses niya kaya naman marahan ko siyang tinapik sa braso.

Kaya naman tumama ang hawak ko regalo sa katawan niya.

"Uhm.. Oo nga pala, regalo ko sayo." I said shyly, nagdadalawang isip kung iaabot ko pa ang regalo ko or hindi na.

But he did not even give me a chance to think twice dahil kinuha niya agad ito sa akin.

"May I open it?"

Tumango ako.

"Uhm." I was eagerly waiting for him to fully open my gift. Nang makita ko ang pulang hem ng jersey ay agad na akong nagpaliwanag.

When Do You FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon