Pagpasok ko sa conference room ay naroroon na halos lahat ng department head at mga boss namin. Pero wala pa ang bagong Presidente.
Naupo na ako sa nakatalagang upuan para sa akin.
Kinakabahan ako na hindi ko mawari.
Halos lahat ay nagbubulongan patungkol sa bagong presidente.
Dumating na rin si LIza at umupo sa katabi kong upuan, halatang tulad ko ay kinakabahan din sya.
"Pakiramdam ko hahatolan tayo ng kamatayan ngayon." bulong nya sa akin.
"Kamatayan agad, di ba pweding bartolina muna.?" Pagbibiro ko sa kanya para pagaanin ang sitwasyon kahit papano, pero aaminin ko kahit ako ay hindi natawa sa biro kong yun.
Naghintay pa kami ng ilang minuto bago, nagbukas ang pinto na naka konekta sa opisina ng Presidente. Lahat ng mata ng nasa loob ng conference room ay doon nakatuon.
Agad na nanuot sa ilong ko ang isang pamilyar na amoy. Isang kakaibang amoy, ang amoy ng lalaki sa panaginip ko. Napakabango niyon. Biglang kumabog ng malakas ang dibdib ko. Napapikit ako saglit.
"Good Morning Mr. President." Magkakasabay na bati ng mga kasama ko. Noon ako biglang dumilat.
Agad na nagtama ang mata namin ng lalaking kasama ni Marcus.
Ang mata nya, nakita ko na yun. Pero hindi ko maalala kung saan.
Nakaramdam ako ng hiya kaya agad akong nagiwas ng tingin.
"Good morning everyone." Sabi ng bagong Presidente.
Ang boses na yun narinig ko na yun.
Nag angat uli ako ng tingin this time hinanap ko si Marcus, nakaupo sya sa tabi ng Presidente. Nagtama ang mga mata namin. tila ba may gustong sabihin ang mga tingin nya sa akin.
Biglang ibinagsak ng Presidente ang palad nya sa mesa, dahilan para matawag nya ang atensiyon namin ni Marcus.
Nakita kong matagal na nagtitigan sina Marcus at ang Presidente, Tila ba naguusap sila sa mata. Unang nag lipat ng tingin si Marcus, Tumayo sya at humarap sa amin.
"Ladies and gentlemen the former President of MBL has given me a task to introduce to you his successor, the new President CEO of Montiel Pharmaceutical Laboratories. My older Brother Matthew Montiel. "
Nagpalakpakan ang lahat pati ako ay pumalakpak din.
"Thanks Bro... for a very brief introduction no sugar coating no flowering words. But i like it."
Ngumiti ang ilan pero ang Presidente nanatilung seryoso ang mukha.
"And as for today's meeting i also want this to be brief, no sugar coating, no Flowering words, straight to the point and precise... i gathered you all here today to give you one rule that each and everyone of you must follow, just one rule. And that is, do as i say, no complain no buts. If you cant follow that rule you are free to leave, and that rules will covered every employee of this company from the lowest to the highest position, and that includes you my dear brother, so when i say don't touch what is mine you will do as i say and don't dare me because you know better more than anyone in this room. Now all of you go back to you're works and make you reports ready for tomorrow's meeting same time. Thank you all and good day."
Yun lang at tumayo na ito at naglakad na pabalik sa kanyang opisina ng hindi man lang lumilingon.
Nanghihina ako ng husto ng makabalik na ako sa opisina ko,
That man... the president i know him, sigurado akong sya yung lalaki sa panaginip ko. Pero imposible panaginip lang yun.... hindi pweding magkatotoo.