/AN/ @rpangilinan 19, @0. Thank you.
Kinaumagahan, maaga akong naghanda para pumasok sa opisina baka kasi maaga na namang dumating ang boss ko.
"Oi ikaw ha, bakit hindi mo sinabi sa akin na nakakuha ka pala ng bagong driver na sagad ang gwapohan at nakapanglalaway ang hotness. Pero hindi nga lang kagandahan ang asal."
"Ano bang pinagsasabi mo, nagmamagandang loob lang yun kasi nasa shop pa ang kotse ko."
"Hello.... may company car kaya... Kailangan talaga sya pa, or pwede rin na pahiramin ka nya ng sasakyan ang dami nya kayang sasakyan."
Napaisip naman ako sa sinabi ni Barbie.. May punto sya.
"oo nga no... hmm pero baka naman inutususan sya ni Marcus na sunduin ako at ihatid."
"Ang hitsurang yun pwede mong utusan.? Kahit magunaw yata ang mundo hindi mangyayari yun... Dati yata yung Hari sa past life nya."
"Hay naku ewan ko pagod na ako at gusto ko ng matulog wala akong panahon sa mga ganyang bagay."
Tinalikuran ko na sya at pumasok na ako sa kwarto ko upang matulog.
Para lang magising sa kalagitnaan ng gabi dahil sa pakiramdam na may nanonood sa akin habang natutulog, naramdaman ko pa ang paghaplos nya sa mukha ko at ang pagdampi ng mainit na labi sa noo ko.
Napabalikwas ako ng bangon, at iginala ang pangin ko sa loob ng silid, wala akong nakitang tao, pero nakita ko ang paglipad ng kurtina sa bintana. Agad akong bumangon at lumapit doon, nakabukas ang bintana, kahit kaylan ay hindi ako natutulog ng nakabukas ang bintanan, muli akong tumingin sa loob ng silid ko at ng masiguro kong walang ibang tao doon ay isinarado ko iyon.
Bumalik ako sa aking kama at muling nahiga nanoot sa ilong ko ang pamilyar na amoy sa panaginip ko. Hinanap ko ang pinagmulan niyon, sa bakanteng espasyo ng kama ko nagmumula ang amoy, kinuha ko ang unan at inamoy amoy iyon. Hindi ako pweding magamali, ang amoy ng lalaki sa panaginip ko ay naiwan sa kama at sa unan ko. Bigla akong kinilabutan at lumakas ang tibok ng dibdib ko. Muli akong bumangon at binuksan ang ilaw, ng magliwanag ang loob ng silid ko ay binuksan ko ang pinto ng banyo, ang closet ko, at ang pinto papunta sa terasa maging sa ilalim ng kama ay hinanap ko ang may ari ng amoy na yun, pero wala akong makita kahit anino.
Nanghihina man ang mga tuhod ko dahil sa kaba ay pinilit kung lumabas para uminom ng tubig at siguradohing hindi ako nanaginip na naman. Ilang minuto rin ang lumipas bago ko nakumbinsi ang sarili ko na hindi nga ako nanaginip. Muli akong bumalik sa kwarto ko, nakaramdam ako ng takot na muling mahiga sa kamakaya namaloktot na lamang ako sa sofa, kung naiwan sa kama at sa unan ang amoy ng lalaki isa lang ibig sabihin nun, nahiga sya sa katabi ko ng hindi ko namamalayan.
Hindi ko na nagawang bumalik sa pagtulog dahil sa mga alalahaning gumugulo sa akin, sino ang lalaking sa panaginip ko, at kung papano sya nakapasok sa silid ko.
Maaga pa ay nakahanda na ako, para kapag dumating si Sir Matthew ay nakahanda na ako, ang sabi nya kasi sa akin kahapon habang wala ang sasakyan ko ay sya muna ang susundo at maghahatid sa akin.
Ikawalo ng tumawag sa akin ang guard sa underground parking.
Dumating na daw ang sasakyan ko.
Dumating na ang sasakyan ko, ibig sabihin hindi na ako susunduin ni sir Matthew, ewan ko pero may panghihinayang sa akong narmdaman dahil doon.
Pagdating ko sa underground ay agad akong sinalubong ng guard.
"Good morning maam, ito po ang susi ng sasakyan nyo."
Napatingin ako sa susing ibinigay nya, BMW hindi yun sa akin.
"Kuya nagkakamali po yata kayo hindi yan sa akin.