PRE10ND
Pretend...
Magkunwari...
Anong ibig nyang sabihin. Alam ko na ngayon na yun ang mensahing nais iparating sa akin ni Matthew.
Magkunwari, saan, kanino at papano.?
Paglabas ko ng silid ko ay nakita ko si Marcus na kausap si Barbie sa sala.
Agad na tumayo si Marcus at napansin ko ang gulat sa mukha nya pagkakita ko sa hitsura ko.
"Shit!" Narinig kong pagmumura nya sa mahina ngunit mariin.
"Your look like a shit ."
Inilang hakbang nya lang ang pagitan namin at mahigpit nya ako ng mahigpit.
"what did you do to yourself Genesis.?"
PRETEND. tila may isang tinig sa utak ko na paulit ulit na sinasabi ang katagang yun.
"I'm fine Marcus." Humiwalay ako sa pagkakayap nya.
"Pasensya ka na ha, napagrabe yata inom ko kagabi grabe hang over ko. Bukas na lang ako papasok. Okey lang ba.?" Umupo ako sa sofa at pasempling hinilot ang ulo ko.
"You dint have yo pretend your okey coz i know that your not." Si Marcus.
"okey na ako, this past few days kasi masyadong maraming mga bagay na nangyayari sa buhay ko na hindi ko kayang ipaliwanag but now i realized, its just in my mind, tama si Barbie panaginip ko lang yun, kathang isip at isang malaking kalokohan."
Tika may bikig sa lalamunan ko habang sinasabi ang mga salitang yun. Gusto ko na namang maiyak pero pinigilan ko.
"Salamat naman at natauhan ka na."
"Sorry friend kung pinagalala kita."
Biglang umupo si Barbie sa tabi ko at niyakap ako ng mahigpit.
"Wag mo ng uulitin yun ha. Pinagalala mo talaga ako.... Kami pala ni Marcus, alam mo bang nilibot yata namin lahat ng bar sa lungsod para lang hanapin ka.
Pilit akong ngumiti.
Ang hirap magkunwari, pero kung ito ang gustong mangyari ni Mathew. Gagawin ko.
Pinilit kong kumain kahit pa hindi matangap ng sikmura ko ang kahit aning pagkain.
Matapos ang ilang subo ay bumalik na ako sa kwarto ko at nahiga uli sa kama habang yakap yakap ang unan na may naiwang amoy ni Mathew.
Nagising ako dahil sa pagiingay ng landline phone sa unit namin. Sinagot ko iyon gamit ang extension sa silid ko.
"Yes.." Namamaos ang tinig na sabi ko.
"Maam may delivery po ng pagkain dito mula sa isang fast food chain."
Pahtingin ko sa didital clock sa bedside table ay 12 na ng tanghali.
Nagpadeliver na naman ng pagkain ko si Barbie.
At para wag syang mag alala ay pinaakyat ko ang pagkain sa unit ko.
Pagkaabot sa akin ng Delivery boy ng paper bag ay sinara ko uli ang pinto at inilagay ko sa dining table ang paper bag na hindi ko man lang pinagkaabalahang tingnan ang laman.
Pero naagaw ang atensiyon ko ng nakasulat sa labas ng paper bag.
Jollibaybee
Kaylan pa ba nagbago ng pangalan ang Fastfood chain.
Ayan na naman ang pamilyar na pagkabog ng dibdib ko.
Agad kong binuksan ang paper bag para tingnan ang laman niyon.
Its a combo rice meal with fries and drinks.
Sa ibabaw ng box ng rice meal ay may nakasulat na.
8 4 Me ♡
Noong una ay hindi ko maintindihan ang ibig sabihin ng code na yun ngunit isang bahagi ng utak at puso ko ang nagturo sa akin para maintindihan iyon.
Eat for me I love you.
Kahit wala akong gana ay pinilit kong kumain para kay Matthew.
Hindi ko alam kung bakit kailangan nyang daanin sa palihim na mensahe ang mga gusto nyang sabihin, gustong gusto ko syang makita at makausap pero alam kong imposible yun ngayon kaya kailangan ko na munang magtiis pero kung hanggang kaylan ko kakayanin ay hindi ko alam.
Kinabukasan ay Pinilit kong kumilos ng normal, kahit pa halos hindi na naman ako makatulog dahil sa paghihintay na magpakita sa akin si Mathew. Kailangan kong pumasok sa trabaho marami akong kailangang gawin dahil sa nakabalik na ako sa production .
Pagdating sa opisina ay walang tigil akong nagtrabaho, ayaw kong mabakante ang isip ko kahit saglit dahil alam kong maalala ko na naman si Mathew.
Nag overtime din ako para siguradohing pagod na pagod na ako pagdating sa condo namin para mas madali akong makatulog.
Araw-araw ay ganun ang ginagawa ko. Hanggang sa mairaos ko ang isang linggo.
Weekend, walang pasok. Hindi ko alam kung papano palilipasin ang buong maghapon ko, na hindi ko sya maalala.
Ilang araw na ring hindi nagpaparamdam sa akin si Mathew. Hindi ko na sya naamoy sa bakanting bahagi ng kama ko.
Araw araw ay para akong unti unting pinapatay. Ngunit tulad ng sabi nya kailangan kong magkunwari na okey ako.
Sabado ay maaga akong ginising ni Barbie para magjogging sa parke na malapit sa tinitirhan namin. Ginagawa namin yun sa tuwing may free time kami.
Habang nagjojogging sa paligid ng park ay naramdaman ko na tila may mga matang nakatingin sa akin.
Inilibot ko amg paningin ko sa paligid pero wala naman akong makita.
"Barb... pahinga muna ako." sabi ko sabay turo sa pinakamalapit na concrete bench sa ilalim ng punong mangga.
"Okey, mag iisang round pa ako."
"okey take your time."
Naupo ako sa upuan habang pinupunasan ang pawis ko ng tuwalyang nakasabit sa leeg ko.
May lumapit sa aking isang binatilyo na nagtitinda ng energy drink.
"Maam energy drink nyo po."
Tatanggi sana ako ng makita ko ang t-shirt na suot ng vendor, may naka imprenta sa harap niyon na BABY.
Ewan ko pero pakiramdam ko para sa akin ang nakasulat na yun.
Inabotan ko ng pera ang binatilyo bilang bayad sa energy drink.
"Salamat po."
Pagtalikod ng vendor ay may nakasulat sa likod nya na I MISS YOU ♡.
I miss you too pabulong sa sabi ko sa hangin.
Tila may kakaibang hangin na yumakap sa akin mula sa likuran ko. Then i smell that familiar scent.
"Matthew..." Pabulong na nasambit ko.
Ilang minuto rin na hindi ako kumilos sa kinauupuan ko dahil alam ko nararamdaman ko kasama ko sya. Yakap yakap nya ako. Its just to bad na hindi ko rin sya mayakap.
Hindi ko man sya nakikita sapat na sa akin ang maramdaman sya at makasama kahit sa ganitong paraan lang.