CHAPTER33

989 43 6
                                    

"NOOOO...!" malakas na sabi nya.

Kahit ako ay nagulat sa kanya.

"Theres no way in hell that i will turn you into our kind."

"At bakit ano bang problema sa mga tulad nyo. Sa tingin ko naman hindi kayo pumapatay ng tao para mabuhay."

"Of course not... May sarili kaming blood bank kung saan nagbebenta ng dugo ang mga tao kapag wala na silang mapagkukunan ng pera and its authorize by the government agencies concern kasi sa amin din sila kumukuha ng dugo kapag nauubosan sila ng stocks sa blood bank nila kasi sigurado sila na malinis at ligtas yung mga ibinibigay naming dugo sa kanila. At doon din kami kumukuha ng ikinabubuhay namin... pero hindi sapat na dahilan yun para gawin kitang katulad namin."

"Matthew hindi mo ako naiintindihan."

"Ako ang hindi mo naiintindihan. I want to live a normal life with you, gusto kong bumuo ng isang normal na pamilya na kasama ka. Mahirap bang intindihin yun."

Puno ng frustration ang kanyang tinig.

"Sa akin hindi. kasi yun din naman ang gusto ko subalit para sa kauri mo at sa daddy mo Oo... At higit na mas mahalaga ang opinyon nila ang iniisip nila kaysa sa gusto natin. Ilang libu ba na kauri mo sa buong mundo ang umaasa sayo.?"

"More or less a million"

"See.... Matthew dalawa lang tayo o kahit mag kaanak pa tayo ng sampu, iilan lang ang bilang natin kumpara sa sa kanila. kahit sa anong uring nilalang sa mundo mas isinasalang alang ang kapakanan ng nakakarami kaysa sa iilan, alam mo yan."

Tiningnan nya ako, nakipahtitigan din ako sa kanya.

Ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso nya. Tinamaan ko sya doon alam ko at kailangan kong samatalahin yun para bagohin ang paniniwala nya.

"Matthew mahal kita, at kung ang maging kauri mo ang tanging paraan para makasama ka tatangapin ko ng buong puso."

Pinakatitigan nya ako at sa isang iglap ay napunta sya sa harapan ko.

Hinawakan nya ako sa batok at mariin nyang inangkin ang labi ko para sa isang puno ng pgmamahal na halik.

Na unti unting lumalim at naging mapusok.

"Stop eating each others face lovers." Boses yun ni Marcus mula sa likuran ko.

Magkasabay kaming natigilan ni Matthew.

"Get lost Marcus." hindi pantay ang paghingang sabi ni Marthew.

"Sorry bro. Pero hinahanap ka na ni dad, anytime soon ay malalaman nya na tumakas ka na naman sa mga tagabantay mo. Kaya bago pa mangyari yun bumalik ka na sa palasyo. Dahil oras na malaman nya na patuloy pa rin kayong dalawa na nagkikita baka pakialaman nya na naman ang isip ni Genesis and this time baka magtagumpay na sya at tuluyan ka na nyang mabura sa isip ng babaing pinakamamahal mo."

Naikuyom ni Matthew ang kanyang kamao. Pilit nyang nilalabanan ang galit.

"Gawin mo na muna ang pinagagawa sayo ni Marcus. Nandito lang naman ako at tulad ng sinabi mo PRE10ND, gagawin natin yun hanggang sa wala pa tayong napagkakasunduang solusyon sa problema natin."

Niyakap nya ako ng mahigpit na tila ba ayaw nya akong pakawalan.

"Sige na tol. Ako ng bahala kay Genesis." Sabi ni Marcus.

"I love you." Bulong nya sa akin.

"I love you too."

Ramdam ko ang bigat ng kanyang kalooban ng maghiwalay kami at domoble pa yun dahil yun din ang nararamdaman ko.

Ng masiguro kong ligtas na si Barbie ay nagpaalam muna ako kay Marcus na uuwi lang muna ako sa probensiya para dalawin ang mga magulang ko.

Hindi na ako nagpaalam kay Matthew dahil ayaw ko ng abalahin pa sya.

Mahigit tatlong oras din ang byahe papunta sa probensiya namin, nag bus na lang ako dahil baka tumirik pa ang sasakyan ko sa gitna ng daan.

Gulat na gulat ang mga magulang ko ng pagbuksan nila ako ng pinto.

"Genesis bakit naririto ka, bakit hundi ka man lang nagsabi na uuwi ka."Sabi ni mama at niyakap ako.

"Anak... mabuti naman at napadalawa ka miss ka na namin." Sabi naman ni papa na agad din akong niyakap ng pakawalan ako ni mama.

"Miss ko rin po kayo pa."

Biglang nanigas ang katawan ni papa, ng magdikit ang katawan namin biglang humigpit ang yakap nya sa akin.

Tapos bigla nya rin akong binitiwan subalit nanatiling nakahawak sya sa magkabilang balikat ko.

Pumikit sya ng mariin, parang may naglalaban sa kanyang isip pagdilat nya nagiba ang kulay ng kanyang mga mata pero agad din iyong bumalik sa dati. O baka imagination ko lang madalas ko kasing makitang nangyayri yun kan Matthew.

"Jerome bakit, anong problema.?" Nagaalalang tanong ni mama.

Naging malikot ang mga mata ni papa tumingin sya sa labas ng bahay bago nya mabilis na isinara ang pinto.

"Pa.. Whats wrong." Ako man ay napansin ko ang pagkabalisa nya.

"ah...hmm..wala...wala...." Sagot nya.

"Bakit ka nandito may nangyari ba sayo.?" Tanong nya sa akin.

"Nangyari..? Wala... dinadalaw ko lang kayo. Bakit may problema po.ba.?"

"Wa-wala naman."

Isang retired government employee ang papa ko si Mama naman ay isang retired teacher, pareho na silang senior citizen pero para lang silang fourty years old kung tingnan at kumilos alaga kasi nila ang kanilang mga katawan exercise at proper diet yun ang sekreto nila.

May dalawa pa akong kapatid na sumunod sa akin na parehong nasa college at syang pinagaaral ko.

Mula pagkabata ay ipinadama na sa amin ng mga magulang namin kung gaano nila kami kamahal. Hindi man kami kasing yaman ng iba hindi naman kami nagkulang sa anomang bagay.

Tutol man sila sa pagpunta ko sa lungsod ay hindi nila ako pinigilang gawin ang gusto ko.

Pagkatapos kong magbihis ay lumabas ako ng silid ko at naabotan ko sa sala sina mama at papa na may pinaguusapan ng masinsinan.

"Ma...pa... May problema ba.?" Tanong ko. Napansin ko kasing tila pareho silang balisa.

"Naku wala anak... ito lang papa mo kung ano ano ang iniisip. wag mo na lang syang pansinin, mabuti pa samahan mo ako sa kusina at magluluto tayo ng meryenda."

"Okey ma... Pa... okey ka lang.?"

Tumango lang si papa at muli na namang bumalik sa malim na pagiisip.

The Immortals LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon