CHAPTER34

823 46 3
                                    

Kinagabihan hindi ako dalawin ng antok dahil sa mga alalahaning bumabagabag sa akin.

Mula ng pumasok ako sa bahay namin ay hindi ko na maramdaman si Matthew, nagaalala na nga ako dahil hindi ko naman sya pweding tawagan o kaya itext.

Hindi ko naman matawagan si Barbie dahil out of coverage ang cellphone nya.

Ilang ulit ko ng sinubukan na abotin sya gamit ang isip pero hindi ko talaga magawa hindi ko alam kung bakit.

Maghahating gabi na ng marinig kong may mga tumigil na sasakyan sa harap ng bahay namin.

Pagsilip ko sa bintana ay nakita kong may apat na sasakyang nakaparada sa tapat ng bahay namin, yung sasakyang nasa gitna ay kilalang kilala ko.

Bumilis ang tibok ng puso ko. Lalo na ng makita ako ang lalaking nagmamadaling bumaba ng kanyang sasakyan. Sinundan sya ng hindi ko mabilang na kalalakihan.

Ilang sandali pa ay narinig ko na ang pagkatok sa pinto namin.

Nagmamadali akong lumabas ng silid ko, pababa na ako ng hagdan ng makita kong pinagbuksan ni papa ang kumakatok.

Nakita kong natigilan si papa pagkakita kay Matthew.

"Anong kailangan mo.?" Matigas na tanong ni Papa sa kanya.

"Anong ginagawa mo dito.?" Matapang na tanong naman ni matthew kay papa.

"Ikaw ang dapat tanongin ko nyan. Nasa aking pamamahay ka at wala sa teretoryo mo umalis ka na." Galit na sabi ni papa.

"Hindi ikaw ang ipinunta ko rito may hinahanap akong tao at ito ang adress kung saan sya nakatira."

Alam kong ako ang hinahanap nya kaya baba na sana ako ng pugilan ako ni mama.

"Dito ka lang." Pautos na sabi nya.

"kung sino man ang hinahanap mo sinisiguro ko sayong wala sya rito. Umalis ka na." Isasara na sana ni papa ang pinto ng biglang sumulpot sa likuran ni Matthew si Sir Levi.

Maging si Matthew ay nagulat sa pagdating ng daddy nya.

"Dad.. anong ginagawa mo rito.?" Mariing sabi nya.

"Sinundan kita, alam kong pupuntahan mo sya, pero tingnan mo kung sino ang natagpuan natin ang nawawalang....."

Hindi ko na narinig ang sinasabi ni Sir Levi dahil biglang tinakpan ni mama ang tainga ko.

"Bumalik ka sa silid mo." Pautos na sabi nya sa akin.

"Ma ako ang hinahanap nila."

"Genesis makinig ka bumalik ka sa silid mo ngayon din." Mariing sabi ni mama.

"Umalis na kayo." sabi ni Papa sa malakas at galit na boses.

"Aalis kami, gusto ko lang malaman kung dito ba nakatira si Genesis Santillan." Sabi ni Matthew.

"Walang Genesis dito, umalis na kayo." Mariing sabi ni papa.

Inalis ko ang kamay ni mama na nakahawak sa akin at nagmamadali akong bumaba ng hagdan.

"Matthew..."

Sabay sabay na napunta sa akin ang mata ng tatlong lalaki.

"Genesis bumalik ka sa silid mo ngayon din." Galit na sabi sa akin ni papa.

"Pa.. ano bang nangyayari dito.?"

"Genesis baby.." Tawag sa akin ni Matthew.

Ihinarang ni papa ang katawan nya sa pagitan namin.

"Sundin mo ang sinasabi ko bumalik ka sa silid mo."

"Pero papa."

"Anak mo sya.?" Matigas ang tinig na tanong ni Sir Levi.

Tiningnan sya ni Papa.

"Oo... kaya umalis na kayo rito ng anak mo dahil kahit kaylan ay hindi ako makapapayag na magkaroon ng kaugnayan ang anak mo sa anak ko. " Matigas na sabi ni papa.

"Wag kang mag alala dahil pareho lang tayo ng saloobin. Hindi ko rin hahayaang magkaroon ng kaugnayan sa kauri mo anak anak ko." Sabi naman ni Sir Levi.

"I think its to late for that." Biglang sumulpot sa tabi ni Matthew ang mommy nya.

"Mom." Nagulat na sabi ni Matthew.

"Anong ibig mong sabihin Esther.?" si Sir Levi.

"Ang bagong henerasyon ng Montiel ay nasa sinapupunan nya and its a twin a prince and a princess."

"Nooo!" Magkasabay na sabi ng dalawang matanda.

Kapwa kami natulala ni Matthew habang nakatitig sa isat-isa.

Nakita kong sinubukang humakbang ni Matthew papunta sa akin ngunit tila may malakas na pwersang nakaharang sa pinto dahilan para hindi sya makapasok.

Wala akong maintindihan sa mga sinasabi nila.

"Hindi... Genesis... sumama ka sa akin... please." Nakikiusap na sabi sa akin ni Matthew.

Lalapitan ko sana sya pero biglang humarang si Papa.

"Aalis kayo o dadanak ang dugo sa lupang kinatatayuan nyo." Pagbabanta ni papa.

Nakita ko ang napakaraming kalalakihan at kababaihang nakapaligid kina matthew at sa mga tauhan nito.

"Hindi mo magagawa yan Santillan lalong lalo na sa anak ko. Paulit ulit ng minarkahan ng anak ko ang anak mo. Alam mo namam siguro kung ano ang ibig kong sabihin."

Naikuyom ni papa ang kanyang kamao.

"Mahabang panahon akong nanahimik hindi ko kayo pinakialaman, Sampu ng aking mga tauhan. wag nyong akong hahamunin ngayon dahil sinasabi ko sa inyo hindi ko na kayo uurungan." Matapang at galit na sabi ni papa.

"Hindi kami naparito para makipaglaban si Genesis lang ang ipinunta ko rito." May pagpapakumbaba sa tinig ni Mathew.

"Ang Genesis na sinasabi mo ay anak ko. Sa palagay mo ba ibibigay ko sya sayo ng ganunganun na lang. Iningatan ko sya ng mahabang panahon pinilit kong bigyan sya ng buhay na normal, hindi ko hahayaan ang sinuman na sirain yun." Matigas na sabi ni Papa.

"Yun din naman ang gusto ko at gagawin ko ang lahat para maibigay sa kanya ang normal na buhay na nais natin para sa kanya."

"Wag kang hibang Matthew. Anong normal na buhay ang sinasabi mo. Kahit magkasama pa kayo hindi kayo magiging normal na tao dahil unang una pareho lang kayo, Imortal Royal Blood Vampire ka, at Hybrid sya at kung buntis nga sya magiging kaunaunahang Royal hybrid king and princes ang anak nyo sa palagay may normal bang buhay na naghihintay sa kanila...? Wala dahil ngayon pa lang pagaagawan na ng dalawang uri ng bampira ang anak nyo."

Tiningna ng masama ni Sir Levi si Matthew.

"Lalo nyo lang pinagulo ang lahat."

Tumalikod na si Sir Levi.

"Umalis na tayo dito. Bago pa may magbuwis ng buhay."

" No dad.. hindi ako aalis dito ng hindi kasama si Genesis." Matigas na sabi ni Matthew.

"Wag kang magalala kusa nilang ihahatid sayo ang minamahal mo maghintay ka lang."

Nakataas ang noong tumalikod si Sir Levi.

Tinanguan ko ng pasimple si Matthew.

Kailangan kong makausap ng masinsinan ang mga magulang ko, marami silang ipaliliwanag sa akin.

The Immortals LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon