Nakaupo kami sa salas ng bahay namin, Ako si papa, si Mama at ang dalawa ko pang kapatid si Joshua at si Ruth.
"Genesis.... layuan mo si Matthew Montiel, oh kahit ang sinoman sa mga Montiel." Mahinahon ngunit ma awtoridad na sabi ni Papa.
"Why.?"Tanong ko.
"Dahil yun ang makakabuti sayo."
"Sa papanong paraan.?"
"Genesis... hindi sila ang uri ng tao na inaakala mo."
"I know... Hindi sila tao Pa... Bampira sila at alam ko yun."
"At tayo ang mga Immortal nilang kaaway."
Ano raw.?
"Anong ibig mong sabihin Papa.?"
Matagal bago sumagot si Papa, para bang naghahanda sya sa isang nakagigimbal na rebelasyon at kinakabahn ako sa sasabihin nya.
Tumayo sya mula sa pagkakaupo at nagpabalik balik sa harap namin.
Tumigil sya sa tapat naming magkakapatid.
"Genesis, Joshua, Ruth. We are like them."
Nayanig ang buong pagkatao ko sa sinabi ni Papa.
Kami tulad din nila.?
Yung dalawa kong kapatkd nakakunot lang ang noo na para bang hindi nila ma gets kung ano ang pinaguusapan namin.
"Bampira din tayo.?' Paglilinaw ko para sa mga kapatid ko.
Tumango si papa.
"Yes... kayong magkakapatid ay mga hybrid Vampire."
"Hybrid Vampire... ano naman yun.?"
"Ako ay isang royal blood Vampire at ang mama nya ay isang tao."
"No way!" Sabi ni joshua.
"Cool." Sabi naman ni Ruth.
Hinarap ni papa si Joshua.
"Joshua anak, I'm sorry alam kong sa inyong tatlo sayo mas lumalabas ang katangian ng isang bampira at alam kong nahihirapan kang intindihin ang mga nangyayari sayo. Sinusubukan ko namang kontrolin yun pero habang tumatanda ka mas lumalakas ang dugong bampira mo unlike sa mga kapatid mo." Puno ng pagmamahal na sabi ni Papa kay Joshua.
Ngayon alam ko na kung bakit masyado syang mahigpit kay Joshua kaysa sa amin ni Ruth.
Matagal ng nakikiusap kay Papa si Joshua na magaral sa Lungsod kasama ko pero hindi nya ito pinapayagan. Bantay sarado din nina mama at papa si Joshua na halos nasasakal na ito sa ginagawa nila.
Nakita ko sa isip ko ko ang galit sa puso ng kapatid ko.
Hinawakan ko ang kamay nya.
"Josh... calm down... pagusapan natin to, hindi lang ikaw ang nagbigla sa nalaman natin ngayon at lalong hindi lang ikaw ang nakakaranas ng kakaiba sa sarili mo ako man ganun din."
Tumingin sa mga mata ko si Joshua sinubukan kong pasukin ang isip nya gusto kong subukan kung totoo nga ang hinala ko at hingi imahinasyon lang.
Magiging maayos din ang lahat. Aayosin natin to magtutulungan tayo. Sabi ko sa kanya gamit ang isip ko.
"How did you do that.?" Nagtatakang tanong nya.
"Yan ang sinasabi ko sayo, nalalaman ko ang iniisip ng iba kung gugustohin ko at nakakausap ko sila gamit ang isip ko kung gugustohin ko at papayagan nila ako."
"Kaylan mo pa yan nagagawa Genesis.?" Tanong ni papa.
"Bata pa ako nagagawa ko ng pakialama ang isip ng ibang tao, pero pinagaralan kong kontrolin yun kasi akala ko nababaliw na ako Ngunit may isang lalaki na kahit malayo ako napapasok ko ang isip nya at nararamdaman ko ang nararamdaman nya gustohin ko man o hindi ."