MATTHEW ALEXANDER POV
"Hindi pa nasususbukan sa mga Royal blood na katulad mo ang gamot Matt, kaya hindi ko pa alam kung ano ang magiging epekto sayo nito."
"Eh di subukan mo sa akin, tutal kaya ko denevelop ang gamot na yan ay para naman talaga sa sarili ko. So why not try it on me."
"No... magagalit sa akin ang yung ama oras na may nangyaring masama sayo. "
"Walang mangyayaring masma sa akin, Enzo please ang tagal kong hinintay ang pagkakataong ito, ilang taon kong pinaghirapang gawin ang gamot na yun para magamit ko sa tamang pnahon at ngayon dumating na ang sandling pinakahihintay ko, hindi ko na hahayaang palagpasin pa ito."
"Pero Matt maaring ikamatay mo ang gamot na yun."
"Hindi ako mamatay Enzo, kasi kailangan kong mabuhay, hindi ako naghintay sa kanya ng three hundred years para lang mamatay ngayong nakita ko na sya. At hindi ako nagtiis ng mahigit sampung taon para lang iwan sya ngayong abot kamay ko na sya."
"Tama nga ang ama mo she will be the death of you."
"But shes also my life. Kung hindi ko rin naman sya makakasama mas gugusthin ko pang matulog sa loob ng kabaong habang buhay. "
"Mahal mo talaga sya."
"Higit pa sa buhay ko, kaya ibigay mo na sa akin ang gamot ngayon na."
"Pero Matthew."
"Lorenzo Falcon, bilang Vampire king inuutusan kita ngayon na ibigay sa kin ang hinihingi ko ngayon na."
"Masusunod po my king."
GENESIS
Halos madurog ang puso ko ng maramdaman koang labis na panginginig ng buing katawan ni Matthew oagkatapos kong iturog sa kanya ang gamit, pahigpit ng pahigpit ang yakao nya sa akin habang humihiyaw sya sa sakit. Hindi ko na alam ang gagawin ko gusto ko syang tulungan pero hindi ko alam kung papano, kaya niyakap ko na rin sya, nakaupo sya sa swevil chair nya habang ako nakatayo sa harap nya at magkayakap kami.
"Matthew sir... ano bang nangyayari sayo, gusto mo bang tumawag na ako ng doctor." Sabi ko habang yakap sya at hinahaplos ko ang likod nya.
"No.. Gene.... just.... stay... withh.. me...plea..se...please...dont...leave ..me..whatever happen..." Nanginginig na sabi nya.
"Okey....okey... hindi kita iiwan.."
Lalong humigpit ang yakap nya sa akin sobrang higpit na galos hindi na ako makahinga.
"Matthew...." sabi ko pero tila hindi nya ako naririnig.
Pinilit kong hawajan sya sa kanyang magkabilang pisngi at pilit konginiangat ang ulo nya mula sa pagkakasubsob sa ibaba ng dibdib ko. Gusto kong makita ang mukha nya. Nagtagumpay naman ako. Puno ng pawis ang kanyang noo, nakapikit ang kanyang mga mata at namumutla sya.
Habang nakatingin ako sa mukha nya na halos takasan na ng kulay ay parang may pwersang humahatak sa akin para ibaba ko ang mukha ko palapitsa mukhanya at wala aking lkas para paglabnan ang pwersang iyon hangang samaglapat ang mga labi namin. Naramdaman ko na tila tumigil saglit angpanginginig ng katawan nya ng maglapat ang mga labi namin, kaya pumikit ako at inangkin ko ng tuluyan ang labi nya at muling lumukob sa akin ang pamilyar na sensasyong paulitulit ulit na ipinararamdam sa akin ng lalaki s panaginip ko.
"Xander..." yun ang pangalan ng lalaki sa panaginip ko.
Bigla syang dumilat ng mabangit ko ang pangalang iyon.
Ilalayo ko sana ang mukha ko sa kanya pero hindi ko nagawa dahil bigla nyang inilioat ang isang kamay nya na nakayakap sa beywang ko sa batok ko. At nagsimulang gumalaw ang mga labi nya, muli akong napapikit at muli ay tinangay ako ng halik nya, tinugunan ko iyob ng kaparehkng intensidad.