CHAPTER 9

896 40 3
                                    

Nagmamadali akong pumasok sa loob ng opisina ni Sir Matthew, nasa loob sya ng banyo at nagsusuka.

Kinakabahan man ay naglakas loob akong pumasok sa loob ng banyo.

"Sir... sorry po, may mali yata sa pagkakatimpla ko na kape... pasensya na po." Nanginginig na ang boses ko dahil sa sobrang kaba. Mawawalan pa yata ako ng trabaho dahil lang sa kape.

Patuloy sya sa pagsusuka sa lababo. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Tubig kailangan nya ng tubig, agad akong pumunta sa personal ref nya at naghanap ako doon ng bote ng tubig, pero wala akong makita, sa halip mga hindi pamilyar na bote ng inumin ang naroroon, yun yung madalas na nakikita kong iniinom nya. Yun na ang kinuha ko, binuksan ko iyon bago ko ibinigay sa kanya.

Agad nya iyong kinuha at tinunga inisang inoman nya lang ang laman ng bote.

Matapos uminom ay natigil na sya sa pagsusuka. Puno ng pawis ang noo nya at naghahabol din sya ng hininga.

Sobra naman yatang sama ng lasa ng kape ko para mag react sya ng ganun.

"Sir... okey lang po ba kayo o gusto nyong pumunta ng hospital."

"No... I'm fine.."

"Pasensya na po kasalanan ko hindi muna kasi ako nagtanong kung ano ang gusto nyong timpla ng kape."

"The coffee is fine Miss Santillan... hindi lang talaga ako umiinom ng kape. Sinubukan ko lang akala ko kakayanin ng sikmura ko... okey na ako bumalik ka na sa office mo."

Bahagya akong yumuko at iniwan na sya sa banyo, kinuha ko ang tasa ng kape na nasa ibabaw ng mesa nya para itapon ang laman niyon.

"No leave it there..." Biglang sabi ni sir.

"Po."

"I like the smell of it."

Ayaw nya ng kape pero gusto nya ang amoy noon ang wierd nya naman.

Maghapong nasa ibabaw lang ng mesa ni Sir ang tasa ng kape, minsan nahuhuli ko syang naka tingin doon, habang nagiisip ng malalim.

Wala syang mga meeting sa labas kaya hindi ganun ka stress ang maghapon ko alas singko pa lang ay natapos ko na ang mga dapat kong  gawin, kaya naghanda na ako para umuwi ng naalala ko ang sasakyang ginamit ko.

Paalis na rin si sir kaya inabangan ko na lang sya s labas ng opisina nya.

"Oh Miss Santillan youre still here."

"Sir.." Iniabot ko s kanya ang susi ng sasakyan.

Tiningnan nya lang iyon.

"Whats this.?"

"Sir susi po nong sasakyang ipinahatid mo sa akin, hindi ko naman po masyadong kailangan ang sasakyan mag ko comute na lng po ako habang wala pa ang kotse ko."

"Miss Santillan i already send your car at the junk shop, thats why i give you a new one..."

Nanlaki ang mga mata ko at tumaas ang kilay ko.

"What do you mean sir..? Anong junk shop."

"Bulok na yung sasakyan mo,delikado ng gamitin. Kaya binilhan na kita ng bago."

Pati bibig ko ay umawang na dahil sa sinabi nya, anong karapatan nyang laitlaitin ang sasakyan ko. Alam kong luma na yun second hand ko syang nabili, at dalawang taon ko pa lang yung ginamit kaya hindi pa yun bulok..

"Sir... kahit naman po hindi yun kasing gara at kasing mahal ng mga sasakyan nyo malaki pa rin naman ho ang pakinabang ko dun. Kaya parang awa nyo na ibalik nyo yun sa akin, kahit ako na lang ang magpaayos."

The Immortals LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon