"Maraming maraming salamat Gene, hindi ko na alam kung anong gagawin ko kung tuluyan akong nawalan ng trabaho."
"Okey lang yan ano ka ba...Sino pa ba ang magtutulungan."
"Pero okey ka lang ba talaga sa bago mong trabaho ha... Hindi ka natatakot sa kanya.?"
"Hindi nya naman siguro ako papatayin kapag nagkamali ako." Pagbibiro ko, ginawa ko yun para itago ang kabang nararamdaman ko. Oo kinakabahan ako pero yung takot, hindi ko maramdaman kapag kaharap ko sya.
"Ikaw talaga... Tulungan na kitang maglipat ng mga gamit mo."
"Wag na... kaya ko na to... Bumalik ka na sa trabaho mo at baka tuluyan ka ng masisante kapag nahuli ka ni Prisedente na walang ginagawa."
"Oo nga pala...sya sige.. good luck na lang sa bago mong trabaho."
Matapos mailagay sa kahon ang mga gamit ko ay sinimulan ko na iyong buhatin papunta sa bago kong opisina. Pagpasok ko sa loob ay nakita ko si Matthew na may ginagawa sa computer. Inilapag ko ang dala ko sa sahig, lalabas sana akong muli para kunin ang iba ko pang gamit ng bumukas ang salaming dingding na nasa pagitan ng opisina ko at ng presidente.
"Miss Santillan." Tawag nya sa akin, pero sa computer naka tutok ang kanyang mga mata.
"Sir.?" Naglakad ako papunta sa opisina nya.
"Hindi ba sinabi ko sayo na utusan mo ang mga utility na syang mag hakot ng mga mga gamit mo.?"
"Yes sir."
"kung ganun bakit ikaw ang gumagawa nyan.?"
"Kaya ko naman kasi, kaya ako na lang ang gumawa."
"Gusto mo bang tanggalan ko ang mga utility natin dito para ikaw na rin ang gumawa ng trabaho nila."
Ayan na naman beast mode na naman ang Presidente.
Napabuntong hininga na lang ako.
"Pasensya na po.. sige po ipaguutos ko na sa kanila na kunin yung iba ko pang gamit sa baba."
At tumalikod na ako para bumalik sa opisina ko.
"Hindi pa ako tapos mag salita Ms. Santilla."
Bigla naman akong humarap muli sa kanya dahil sa sinabi nya.
"Sorry sir."
May iniabot sya sa aking itim na leatherette note book.
"Heres my daily planner naandiyan lahat ng schedule ng mga meetings ko na kailangan kong dalohan, naandiyan na rin ang pangalan at numero ng mga ka meeting ko at mga importanteng tao. Gusto kong iorganize mo yan"
"Yes sir."
"I have luncheon meeting today at 11 am you will come with me."
Katatapos ko lang ayosin ang mga gamit ko ng tumunog ang intercom sa ibabaw ng mesa ko umiilaw ang button na may pangalan ng presidente. Tumingin ako sa kanya sabay pindot sa speak button.
"Mr. President sir.?"
Tumungin din sya sa akin.
"Get yourself ready we will leave in 15 minutes.
"Yes sir."
Kinuha ko ang bag ko at lumabas ako ng office ko para oumunta sa CR at mag retouch.
Pagbalik ko ay isinusuot na ni Mr. Matthew Montiel ang coat nya ibig sabihin aalis na kami.
Kaya ng lumbas na sya ay sumunod na rin ako.
May sariling elevator ang presidente at may ssrvice elevator para sa mga empleyado. Isa akong empleyado kaya sa harap ng empleyado pumunta, magkatabi lang iyin at ang private elevator.