Pagdating ng MPL Building ay wala pa rin ako sa sarili ko.
Nagising lang ang diwa ko ng Pumasok na kami sa loob ng building at binati ako ng guard.
"Good morning maam." Sabi nito sabay yuko.
Napakunot ang noo ko, lalo na ng ganun din ang gawin ng karamihan sa mga empleyado na nadadaanan ko.
"Anong meron.?" Tanong ko sa kaibigan ko na til ba walang pakiaalam.
"Saan.?"
See what i mean.
" Hindi mo ba napapansin, nagogood morning sa akin ang karamihan sa mga kasamahan natin, at may payuko yuko pa silang nalalaman."
"Malay ko, baka yun ang bagong utos ng CEO, wag mo na lang pansinin ayaw mo nun para kang reyna na iginagalang nila."
" Ayaw ko talaga nun kasi ang wierd lang."
"Ewan ko sayo, ayan o sumakay ka na dyan sa private elevetor nyo at baka himihintay ka na ni Mr CEO."
Speaking of Mr.CEO baka sya ang susi sa mga gumugulo sa isip ko.
Pagkalabas ko ng elevator ay nagmamadali na akong pumasok sa opisina ko. Pagtingin ko sa opisina ni sir ay nakita kong naandun na sya at ang chairman of the board na walang iba kundi ang kanyang ama at ang dating CEO.
At base sa nakikita ko mukhang nagtatalo sila. Magkasabay silang tumingin sa dereksyon ko. Gamit ang kamay nya ay suminyas sa kin si Mr. Chairman na pumasok ako sa loob ng opisina ni Sir Matthew.
Agad naman akong tumalima at hindi ko pinansin ang pag iling ni sir, may mataas pa rin ang posisyon ni Mr. Chairman kaysa sa kanya at isa pa daddy nya yun kaya kailangan ko syang sundin.
Pagkapasok ko sa loob ay agad kong narinig ang boses ni Sir.
"Dad no... please." Mahinahon ngunit mariin ang pagkakasabi nya nun.
"This woman will be the death of you Matthew, or its the other way round...so you have to stop youre foolishness right now." Galit na sabi ng daddy nya.
"No dad. No... this time ako ang masusunod at hindi kayo."
"Wag mo akong suwayin Matthew kung ayaw mong ibigay kay Marcus anglahat ng dapat para sayo."
"Do what you want dad, pero hindi ko sya isusuko not now not ever, ang tagal na panahon kong hinintay to dad, hindi ko to sasayangin para lang sundin ang kagustohan mo."
Hindi ko maintindihan ang pinaguusapan nila, at pakiramdam ko hindi ako kailangan sa loob ng silid na iyon dahil personal ang pinaguusapan nila.
"Ahmm... excuse me po lalabas muna ako babalik na lang ako.."
"No... you stay dahil ikaw ang pinaguusapan namin dito." Putol ni chairman sa sinasabi ko.
"Dad leave us alone please."
Nagsukatan ng tingin ang magama.
Unang sumuko si chairman.
"Once and for all ayusin mo to Matthew, hindi para sa sarili kundi para sa mga taong umaasa sayo."
Tumayo si chairman mula sa pagkakaupo nya at tiningnan ako bago muling hinarap si Sir CEO.
"Bantayan mo syang maigi dahil marami ang naghahangad ngayon na makuha sya para gamitin laban sayo. Ang gago mo para ipaalam sa lahat na sya ang kahinaan mo."
At naglakad na si Mr. Chairman palabas ng opisina ni sir Matt.
Nang mawala na ito ay nakita kong nahilot ni Sir ang noo nya na tila ba biglang sumakit iyon dahil sa mga pinagusapan nila ng kanyang ama.