CHAPTER22

827 36 3
                                    

Huminga ng malalim si Tita Esther bago muling nagsalita..

"The last time na nakita ko sya and that was two months ago, sya pa rin ang matapang at walang kinatatakutan na Vampire Prince na pumapatay at nagpaparusa sa lahat ng blood sucker vampire na lumalabag sa batas namin. Ngunit ngayon matapos ka nyang mahawakan Physicaly lumambot ang puso nya, at natuto syang matakot."

Ang bilis ng tibok ng puso ko.

"Ako bilang kanyang ina ay masaya ako sa nangyayari sa kanya pero ang kanyang ama hindi nya yun matanggap. Matanda na sya at gusto nya na ring magpahinga at mangyayari lang yun kung maipapasa nya kay Matthrw ang pagiging hari dahil sya ang 1st prince  at sya lang ang tanging may kakayahang ipagtangol ang mga tao na katulad mo sa mga kauri namin at ang mga good vampire laban sa mga rogue." Tumingin uli sa akin si Tita Ester

"But looking at him now his father think that its futile to give him the crown. Kaya gagawin nya ang lahat para mailayo sayo si Matthew."

Parang sinaksak ng libung ulit ang puso ko sa sinabi nyang yun. Gusto kong maiyak na hindi ko maintindihan it hurts like hell.

"But knowing Mathew, and seing the love he had for you... kahit yata magpatayan sila ng daddy nya hindi ka nya igigive-up. "

Love.... ibig sabihin mahal nya ako.

Mahal ako ni Matthew. Papano.?

Maraming tanong sa isip ko pero yung puso ko kulang na lang ay lumabas sa dibdib ko sa sobrang lakas ng pagtibok niyon.

Pero bigla ay may naramdaman akong kirot sa sikmura ko at tila nahirapan akong huminga.

"Matthew..!" Yun ang biglang lumabas sa bibig ko.

Bigla akong tumayo.

"Gene whats wrong.?" Nagaalalang tanong nya sa akin.

"May nangyayari sa kanya tita I can feel it." Napahawak ako sa dibdib ko nangangapos ang aking paghinga.

"Oh shit. Genesis...!"

Mabilis na napunta sa tabi ko si tita Esther. Hinawakan nya ako at sa isang iglap ay napunta kami sa loob ng isang silid may mga nagkalat na gamit at sa tabi niyin ay nakita ko si Sir Levi na hawak sa leeg si Mathew namumula ang mga mata nito at nakalabas ang pangil.

Unti unti ng nawawalan ng hangin ang baga ko. Naubo na ako.

"Stop it Levi..!" Sigaw ni tita Ester.

Ngunit tila walang narinig ang kanyang asawa.

"Oh damm it.... Matthew, lumaban ka kung hindi mauunang mamatay sayo si Genesis.!!!" Malakas na sigaw ni Tita.

Tumingin sa dereksiyon namin si Matthew, yakap yakap na ako ni Tita Ester dahil nanghihina na ako.

Biglang lumipad sa eri si Sir Levi tumama sya sa konkretong dingding.

Bigla aking nabitiwan ni tita Ester kasabay ng malakas na pagdaing nya sa sakit.

At magkasabay kaming bumagsak.

Pero bago pa lumapat sa sahig ang mga katawan namin ay may mga kamay na sumalo sa amin.

At unti unti ay nilamon ako ng kawalan.

Padilat na pagdilat ng mata ko ay agad kong hinanap si Matthew.

Pero nagulat ako ng makita kong nasa loob ako ng sarili kong silid sa condo namin ni Barbie.

Bumukas ang pinto ng silid ko.

"Matthew.!"

Kumunot ang noo ni Barbie.

"Sinong Matthew.?" Humakbang sya palapit sa kama ko.

Idinuro nya ako.

"Ikaw ha kumukiringking ka na at hindi mo ako isinasama. Sino si Mathew nakilala mo ba sya sa bar kung saan ka nagpakalasing kagabi ha...? Ano gwapo ba sya at bakit si Sir Marcus ang naghatid sayo kayo ba magkasama mag inoman sa bar kagabi.?"

Sunod sunod na tanong ni Barbie na nagpagulo ng husto sa isip ko.

"Ano bang pinagsasabi mo.? hindi ako nagpunta sa bar at hindi ako uminom at lalong hindi si Marcus ang kasama ko kundi si Sir Matthew."

"Alam mo kanina ka pa sa sir Matthew na yan. sino ba sya.?"

"Matthew Montiel ang bagong CEO ng MPL."

"Lintk ka Genesis ano bang tinira mo kagabi at daig mo pa ang sabog na ewan.... Si sir Levi pa rin ang CEO ng MPL at nagpatawag sya ng emergency meeting ngayon kaya bilisin mo na dyang kumilos bago pa tayo mahuli sa opisina."

Naiinis na naglakad si Barbie palabas ng silid ko pero lumingon sya sa akin bago sya lumabas ng pinto.

"Bilisan mo ha. Makikisabay ako sayo kasi coding ngayon ang sasakyan ko."

Nagugulohang tumango lang ako.

Pagkalabas nya ay agad kong hinanap ang bag ko na nakita ko naman sa ibabaw ng tokador ko. Hinaloghog ko ang laman niyin para hanapin ang cellphone ko.

Tatawagan ko si Matthew, kailangan ko syang makausap para alamin kung ano ang nangyari kahapon sa bahay nila.

Muli kong iniscroll ang contact ko pati call log at inbox, wala akong makitang contacts ni Sir Mathew pati sa messages at call logs wala.

Anong nangyari.

Nagmamadali akong pumasok sa banyo at naghubad para maligo.

Pagkatapos kong maligo ay tumayo ako sa harap ng salamin para tingnan ang katawan ko.

Ang gilid ng leeg ko.

Wala na ang sugat na alam ko na ngayon na si Mathew ang may kagagawan. Pero nasaan na iyon kahapon lang ay sariwa pa iyon bakit ngayon wala na.

Nagmamadali akong nagbihis at nagayos, oaglabas ko ng kwaryo ko ay naghihinta na si Barbie.

Kinuha ko ang susi ng sasakyan ko sa sabitan nito sa may dingding at nagulat ako ng ang dating susi ko ang naandun. Yung susi sa luma kong sasakyan.

"Bakit nandito to.?" Tanong ko kay Barbie.

"Natural dahil dyan naman talaga ang lalagyan natin ng susi."

"What i mean is bakit nakabalik to sa akin. Asan yung susi ng i8.?"

"Shit!...i8 talaga?... hoy tulog ka pa ba.? gumising ka na nga nanaginio ka pa yata.... i8... ang lakas ng tama mo."

Nauna ng nalakad si Barbie papunta sa elevator kaya sumunod na rin ako sa kanya.

Pagdating sa baba sa ang lumang kotse ko nga ang nakaparada sa parking space ko.

Ano bang nangyayari.?

Pagdating sa MPL building ay may iniabot sa aking bulaklak si kuya guard.

Bumilis ang tibok ng puso ko.

"Galing po kay Mr.Montiel." Sabi ng guard.

"Matthew Montiel.?" Tanong ko.

"Po hindi po sinong Matthew Montiel.? si sir Marcus Montiel po ang napapabigay nyan."

The Immortals LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon