CHAPTER 11

896 42 1
                                    

Nakita kong galit na galit si Sir Matthew at yung tatlong lalaki tila ba takot na takot habang nakatayo na nakayuko sa harap nya.

Pakiramdam ko biglang natahimik ang paligid at lahat ng mata naka tingin sa amin.

Isa isang sinikmuraan ni Boss ang tatlong lalaki, napaigik ang mga ito dahil sa lakas ng suntok niya, pero hindi man lang nanlaban ang tatlo nanatili silang nakayuko. Samantalang kanina lang ay sobrang yayabang nila.

"Mga pnangahas... sino sa inyo ang humawak sa kanya.?" Dumagondong sa buong bar ang boses ni Mathew.

"Ako po ...."

Hindi na natapos ng lalaki ng sasbihin nya dahil agad syang hinawakan ni sir Matthew sa leeg .

"Walang sinoman sa inyo ang may karapatang hawakan kahit dulo.ng daliri nya. she's mine.!!" At malakas nyang ibinalibag ang lalaki.

"Kill him!!" Utos nya sa hindi ko alam kung sino.

May lumapit sa lalaki na mga kalalakihan at pinagtulungan itong buhatin.

"No... i'm sorry my lord hindi ko po alam... patawarin mo ako." Sigaw ng lalaki na takot na takot.

Tiningnan lang sya ni Sir Matthew ng kanyang nanlilisik na mga mata.

"Parang awa mo na po kamahalan... wag nyo po akong patayin parang awa nyo na." Halos umiiyak ng pakiusap nito, pero hindi man lang ito natinag.

"Kill him!!" Utos nyang muli.

Mabilis na hinila ng mga kalalakihan ang nagpupumiglas na lalaki palabas ng bar. Patuloy itong nagmamakaawa kay Matthew pero tila walang narinig ang boss ko, hinarap nya naman ang dalawang lalaki na kasamahan ng kinaladkad palabas na lalaki.

"Lock them in the dungeon and let them starve for a week." Muli ay utos nya sa hindi ko alam kung sino.

At sa isang iglap ay may lumapit sa kanilang mga kalalakihan at hinila sila palabas ng bar.

Wala na ang mga lalaki pero ako nakatulala pa rin habang nakatingin sa galit na galit pa ring  Sir Matthew.

Inisahang hakbang nya lang ang pagitn namin at bigla nya akong hinapit sa beywang.

"Listen suckers!" Sigaw nya sa harap ng crowd.

Lahat ng mata ay nakatingin sa kanya.

"This woman is mine.! Shes my queen, your queen."

Sabay sabay na iniluhod ng karamihan sa mga tao sa bar ang kanilang isang tuhod at iniyuko ang mga ulo, pati ang mga bar tender bouncer, dj, waiters/waitress, lahat ng staff ng bar. Iilan lamang ang natirang nakatayo at kasama na roon ang mga kasamahan ko, maliban kay Rosei na nakaluhod rin.

Hindi ko alam kung ano ang nangyayari. Basta ang alam ko lang may mga taong nakaluhod sa harap ko na tila ba nagbibigay galang.

"I'm done here....Do youre job Fatima."

"Yes my lord." Sagot ng isang napakagandang babae.

May kinuha ang babae na isang mliit na supot at may dinakot ito roon na parang pulbos at hinihipan iyon sa hangin at ilang sandali lang ay nakita kong isa isang nakatulog ang mga nakatayong tao sa loob ng bar.

Humarao sa akin ang napakagwapo kong boss, galit pa rin sya.

"At ikaw naman, anong ginagawa mo sa lugar na to.?"

Hindi ako makapagsalita, nakatingin kang ako sa mga mata nya, humigpit ang hawak nya sa beywang ko, at dahan dahang lumalapit ang mukha nya sa mukha ko napapikit ako at naramdaman ko na lang ang pagdampi ng mga labi nya sa labi ko.

He kiss me with so much passion. At muli ay naramdaman ko na naman ang pamilyar na senssyon na madalas iparamdam sa akin ng lalaki sa panaginip ko. At hindi ko na napigilan ang sarili ko na tugunin ang halik nya. We kiss senselessly for a countless minutes. Hanggang sa naramdaman ko ang pagangat ng paa ko mula sa floor and i feel his strong arms around me. Then evrything goes to oblivion.

Kinaumagahan.

"Hoy gising na  tanghali na mag gogrocery pa tayo." Si barbie habang hinihila ang kumot ko.

"Hmm inaantok pa ako." Pagrereklamo ko sabay kuha ng unan para ipantakip sa mukha ko.

Pero biglang nagising ang diwa ko ng maamoy ko sa unan ko ang amoy ng lalaki sa panaginip ko.

Inamoy amoy kong muli ang unan hindi ako pweding magkamali.

"Barbie, may ibang tao bang pumasok sa silid ko.?"

"Wala.. maliban kay sir Matthew."

Napabangon akong bigla, naalala ko ang nangyari kagabi.

And the kiss.

"Barb anong ginawa dito ni Sir Matthew.?"

"Ano pa eh di inihatid ka, kasi sa sobrang kalasingan mo nakatulog ka na doon sa bar."

Hala ako daw ang nakatulog, ang alam ko sila ang nakatulog.

"Ako nakatulog..? Baka kayo."

"Hello.. lasing ka pa teh.? Bumangon ka na nga dyan at maligo ang baho mo, amoy alak ka, nakakahiya kay sir matthew, binuhat ka nya mula sa loob ng bar hanggang sa sasakyan nya tapos mula s sasakyan nya hanggang dito, tapos ayaw mo pang pakawalan si sir, kung makayakap ka wagas, kaya ayun napilitan syang matulog sa tabi mo, kahit ang baho baho mo... nakakhiya ka."

Nawala lahat ng antok ko sa katawan ng marinig ko ng sinabi ni Barbie.

"Katabi kong matulog si sir.?"

"Oo nga kasi ayaw mo syang pakawalan, ang higpit ng yakap mo sa kanya."

"Shit!"

Pinakiramdaman ko ang sarili ko kung may masakit ba sa akin, thnx God wala naman, virgin pa rin ako.

Mabilis akong pumasok sa banyo at naligo.

Pagkatapos kong maligo ay naghanda na ako para sumama kay barbie mag grocery at shopping na rin.

Saturday and sunday wala akong ibang ginawa kundi ang kulitin si barbie kung ano ba talaga ang nangyari s bar ng friday ng gabi, iba kasi ang kwento nila sa nakita kong nangyari pati yung mga ibang kasama namin sa br ay pareho angkwento nila sa kwento ni Barbie.

Iniwan daw nila ako sa table para magsayaw, tapos pagbalik nila tulog na ako habang nakayuko sa mesa, mabuti na lang daw at nasa bar din si sir Matthew kaya nag volunteer na ito na sya na lang maghahatid sa amin ni barbie kasi pareho na rin kaming lasing, may inutusan na lang daw itong tao na syang ngdrive ng sasakyn ko pauwi s condo.

Ayaw kong paniwalaan yung kwento nila kasi iba yung nakita ko, at hindi panaginip yun tulad ng sinasabi ni Barbie kasi malinaw na mali naw na nakita ko ang buong pangyayari, yung tatlong lalaki na nambastos sa akin, at yung lalaking iniutos ni sir Matt na patayin. Kinilabotan ako ng malala ko yun.

Ano kayang nagyari sa lalaki ipinapatay nya kaya talaga yun.

Tapos yung pagpapakilala nya sa akin na queen nya hindi panaginip yun alam ko.

At yung halik mas lalong hindi panaginip yun kasi ramdam na ramdam ko yun. Hangang ngayon.

"Hey Genesis nakatulala ka na naman... alam mo kinakabahan na ako sayo, mula pa nung sabado ay ganyan ka na, ano bang nangyayari sayo.?" Bakas ang pagaalala sa tinig ni barbie.

Pinilit kong ibalik ang kamakayan ko sa kaslukuyan. Nasa tapat kami ng counter ng isang fast food chain at magoorder ng almusal, hindi na kasi kami nakapagluto ng almusal kaya fast food na naman kami.

"Good morning maam" sabi ng babae sa counter na bahagyang yumuko sa akin.

Lumapit din yung Manager nila at yumuko rin sa akin alam kong manager yun kasi nabasa ko sa nameplate nya.

"Good morning maam." Sabi nito.

"Youre order please."

Si Barbie na ang nagsabi ng order namin kasi natulala na naman ako.

Tiningnan ko yung ibang costumer na inaaasist nila kung niyuyukuan din ba nila, wala.. ako lang talaga yung niyukuan nila. Bakit?

The Immortals LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon