CHAPTER 1

1.8K 61 4
                                    

GENESIS


Hinihingal at nanghihinang napabangon ako mula sa aking pagkakahiga sa aking kama. Puno ng pawis ang buong katawan ko napakalakas ng kabog ng dibdib ko, halos maghabol ako ng hininga.

Yun na naman, Paulit ulit lang ang panaginip kong iyon.

Mahigit sampung taon na ng magsimula akong gulohin ng panaginip kong iyon. hindi ko alam kung bakit pero paulit ulit lang sya at bawat panaginip at napakalinaw totoong totoo pati yung pakiramdaam ay buhay na buhay.

Unti unting bumababa ang kamay ko sa pagitan ng aking mga hita sa sentro ng aking pagkababae at hindi nga ako nagkamali, basa ang panty ko ibig sabihin nag wet dreams na naman ako.

Gusto kong mahiya sa sarili ko, hindi ko alam kung normal ba ang nangyayaring iyon sa akin, kung nangyayari ba talaga iyon sa lahat ng babae. Minsan ko ng iniresearch sa google ang tungkol doon at ayon sa nabasa ko ay normal lamang iyon pero bakit pakiramdam ko ay hindi normal yung nangyayari sa akin.

Pero inaamin ko gusto ko ang pakiramdam na hatid sa akin ng panaginip na yun. Gustong gusto ko.


"Hay naku maghanap ka na kasi ng lalaking gagawing totoo ang panaginip mong yan para hindi ka na lang sa panaginip nilalabasan." Pangaasar sa akin ng best friend kong si Barbie.

Sa kanya ko lang kasi ikinukwento ang tungkol sa panaginip kong yun, pero ang nakakainis sa kanya ay yung pagiging bastos masyado ng bunganga nya. 

Gusto kong isaksak sa bibig nya ang pancakes na inaalmusal namin na ipinadeliver namin mula sa isang fast food chain.

"Alam mo parang gusto kong buhusan ng muriatic acid yang bunganga mo para luminis kahit papano, parang hindi ka dalaga kung magsalita ah."

"Oy hindi marumi ang bunganga ko. Hindi lang talaga ako plastic na tao, hindi ako magkukunwaring inosente at walang alam dahil lang sa virgin pa ako."

"Oo na...oo na... tumahimik ka na nga...mabuti pa hindi na lang ako nagkwento sayo... dalian mo na ang pagkain mo at aalis na tayo, marami pa akong trabahong kailangang tapusin."

"Tingnan mo to.... ikaw na nga ang tinutulungan dyan sa problema mo ikaw pa tong galit." Sabi ni Barbie na nakatulis pa ang nguso.

"At sino namang nagsabi sayo na problema to, kaya hindi ko kailangan ang tulung mo,.. ano sasabay ka ba sa akin o hindi.?"

"Oo na sasabay na, alam mo namang coding ang sasakyan ko ngayon..."

"Dalian mo na kung ayaw mong iwanan kita."


Magkasama kami ni Barbie sa trabaho, sa Montiel Pharmaceutical laboratories, Nasa production Department ako, samantalang nasa Sales naman sya.

"Di ba ngayon darating ang bagong Presidente ng MPL?." Tanong sa akin ni Barbie.

"Yes...kaya nga napakarami kong trabahong kailangang tapusin ngayon."

Kasalukuyan naming binabaybay ang kahabaan ng napaka traffic na kalsada papunta sa kompanyang pinagtatrabahohan namin.

"Kami nga kailangang doblehin ang trabaho, kasi magkakaroon daw ng evaluation, kung sino daw ang may pinakamababang sales ay tatanggalin, kahit sino pa sya at kahit gaano pa sya katagal sa kompanya."

"Mukhang napaka higpit ng bagong Presidente ng MPL ah..." Komento ko.

"Ang sabihin mo mukhang walang puso.."

Napabuntong hininga na lang ako, wala naman akong problema sa depatamento ko dahil nagagawa naman ng mga tao ko ng maayos ang trabaho nila, pero kinakabahan pa rin ako sa pagdating ng bagong Presidente.

The Immortals LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon