"Genesis Santillan gising!!"
Pangiistorbo ni Barbie sa tulog ko.
"Ano ba Genesis, bumangon ka dyan at magusap tayo. " Galit na sabi nya.
Hindi ko sya pinansin sa halip kinuha ko ang isa kong unan at ipinantakip iyon sa mukha ko.
Nanoot sa ilang ko ang amoy ng unan.
Si Matthew.
Pabalikwas akong bumangon at inilibot ang paningin ko sa kabuuan ng silid.
Agad akkng bumaba sa kama at tumakbo papunta sa banyo para tingnan kung naandun pa sya.
Wala.
Nang hihinang bumalik ako sa kama at muling nahiga roon.
"Hoy Genesis, hindi ka na nakakatuwa ha. Alam mo bang alalang alala kami sayo ni Marcus, kulang na lang ikotin namin.ang buong siyudad para lang hanapin ka, yun pala nagpakalasing ka na naman, kailan ka pa naging lasingera ha. alam mo kung may problema ka pwede mo namang sabihin sa amin. hindi mo kailangang daanin sa pagpapakalasing."
Daig pa ni Barbie ang nanay na umagang umaga ay nagpuputak. Lalo lamang sumasakit ang ulo ko dahil dun.
Pero hinayaan ko na lang sya, alam ko na nagaalala lang dya sa akin.
Kahit naman kasi anong paliwanag ko sa kanya hindi niya ako maiintindihan.
At hindi sya maniniwala.
Ng hindi ako umimik ga putok man ay bumuntong hininga na lamang sya.
"I'm sorry Gene kung pakiramdam mo hindi kita sinusuportahan ngayon, its just that youre acting weird lately. Naniniwala naman ako sayo tungkol dun sa sinasabi mong panaginip mo, but you bringing them to the real world is just to much for me."
Because hes real. Gusto ko yung sabihin sa kanya pero alam kong hindi sya maniniwala tama sya its to much for her kaya nanahimik na lang ako.
Tumayo sya mula sa pagkakaupo sa gilid ng aking kama, kinuha nya ang kumot ko at ikinumot iyon sa akin.
"Magpahinga ka na muna, sabi ni Marcus I mean sir Marcus wag ka na daw munang pumasok hanggat hindi pa mabuti ang pakiramdam mo. Magluto na ako ng almusal mo then magpapadeliver na lang ako ng lunch mo."
Again hindi ako kumibo.
Hinalikan nya muna ako sa noo bago sya lumabas ng silid ko.
Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulala lang habang nakahiga sa kama hanggang sa nakatulog ako, pagising ko tulala ulit then tulog uli.
Hindi ako bumabangon sa kama maliban na lang kung kailangan kong pumasok sa banyo, I never have breakfast, lunch and now its past dinner time.
Nagpadeliver nga si Barbie ng lunch at dinner ko pero ipinarecieve ko na lang iyon sa guard sa baba at ipinakain sa kanila, ayaw kong kumain.
Kinabukasan boses uli ni Barbie ang alarm clock ko
"Genesis... ano bang ginagawa mo sa sarili mo ha, nagpapakamatay ka ba.? Shit! kahapon ka pa hindi kumakain. Gene please bumangon ka na dyan at ayusin mo ang sarili mo. Nasa labas si Marcus, nagaalala na rin sya sayo, gusto nyang pumasok dito sa silid mo, pero hindi ko sya pinayagan. I don't want him to see you like this. So please do as i say."
Muli ay hindi ako kumibo at hindi rin ako kumilos.
Nagpapadyak na si Barbie.
"Gene naman eh."
Nakita kong may pumatak na luha mula sa kanyang mga mata na agad nya ring piinunas para itago iyon sa akin.
Doon ako parang natauhan Barbie is my bestftiend since grade school mula noon halos hindi na kami napaghiwakay, daig pa nga namin ang magkapatid.
Bakit ba nakalimutan ko na pareho pala kami na kapag nakikitang nahihirapan ang isa o nasasaktan yun din ang nararamdaman ng isa.
Pinilit kong ikilos ang nanghihina kong katawan hindi dahil sa gutom kundi dahil sa dehydration yata, sino bang hindi madidehydrate kung buong maghapon at magdamag kang iiyak sa tuwing magigising ka at hindi mo makikita ang gustong gusto mong makita.
Pilit ko syang nginitian.
"I"m fine Barb... "
"No your not. Bumangln ka dyan at kakain ka, kung kinakailangang subuan kita gagawin ko kumain ka lang."
Alam kong seryoso sya ayon na rin sa ekspresiyon ng mukha nya, kaya pinilit kong bumangon at nanghihina man ay pinilit kong mglakad papunta sa banyo kahit hinang hina ako.
Pagdating ko sa loob ng banyo ay nagulat pa ako ng makita ko ang sarili kong repleksiyon sa salamin.
Daig ko pa ang bampira sa hitsura ko.
No mas para akong isang bangkay na bumangon mula sa hukay, na ngingitim ang paligid ng aking mga mata, sabog ang buhok at walang kabuhay-buhay ang aking mukha.
Isa isa kong tinanggal ang aking damit bago ako tumapat sa shower, hindi ko na pinagkaabalahang i on ang water heater, kahit naman yata nagyeyelo ang tubig ay hindi ko iintindihin yun kasi pakiramdam ko manhid na manhid ang buong katawan ko.
Pinaghandaan ko na ang pagbuhos ng malamig na tubig sa katawan ko bago ko binuksan ang shower, pero nagulat ako dahil ang inaasahan kong malamig na tubig ay wala sa halip tamang tamang timpla ng mainit at malamig na tubig ang bumuhos sa buong katawan ko.
Sino kaya ang nag on at nag set ng water heater ko sa banyo?
Baka si Barbie ang may gawa.
kinukuha ko ang bote ng liquid bath soap sa lalagyan nito ng mahagip ng mata ko ang isang kahon ng body soap sa lalagyan ko ng gamit pampaligo.
Bakit magkaroon ng bar soap doon, ang alam ko wala akong biniling ganun kasi mas gusto ko ang liquid body wash kaysa sa bar.
Kinuha ko ang kahon at sinuri iyong mabuti.
BABY Yun ang nakasulat sa kahon maliban dun wala ng iba.
Ewan ko pero biglang bumilis ang tibok ng puso ko.Agad na pumasok sa isip ko si Mathew. Baby yun ang endearment nya sa akin na hindi sya nagsasawang ulit ulitin kahit pinipigilan ko na sya.
Dahan dahan kong binuksan ang kahon, pinaghalong takot at ecxitment ang naramdaman ko habang ginagawa ko iyon.
Agad na nanoot sa ilong ko ang amoy na pamilyar na pamilyar sa akin, ang amoy na sa kanya ko lang naamoy.
Halos manginig ang mga kamay ko habang inilalabas ko ang bar soap na laman niyon.
Mahigpit ang hawak ko sa sabon na para bang si Matthew ang hawak ko. Inamoy ko iyon, its him, no doubt.
Inilagay ko iyon sa dibdib ko at naguunahan na namang pumatak ang mga luha ko.
Muli kong tiningnan ang sabon at sa nanlalabo kong mata ay may nakita akong mga litra na naka ukit doon.
PRE10ND
PRE10ND..... hindi ko maintindihan kung ano ang ibig sabihin nun, hindi ako marunong na jejemon at hindi rin ako mahilig sa text.
Binaliktad ko ang sabon.
I ♡ U
Yun ang nakasulat doon.
