CHAPTER 20

897 40 0
                                    

Ang inaakala kong bahay ay normal na bahay lang ng mga mayayaman, bungalow o kaya mansion. Ngunit halos lumuwa ang mga mata ko dahil matapos ang mahigit dalawang oras na byahe heto kami ngayon papasok sa gate ng isang palasyo.

Yes mala palasyo ang bahay nina Matthew. Alam mo yun yung modern na style ng palasyo, sa halip na bricks ay mga salamin ang dingding at hindi ko mabilang kung ilang palapag iyon dahil mataas sya.

"Akala ko ba ang mga bampira takot sa liwanag, bakit puro salamin ang dingding nyo.?" Hindi ko na nasupil ang kuryusidad ko.

Natawa sya sa tanong ko, kaya tiningnan ko sya ng nakataas ang isang kilay.

"Sorry baby... natawa lang ako sa hitsura mo at parang gulat na gulat ka."

"Will I am Mr. Montiel. Sino bang hindi kung sa ganito kabilis ang mga nangyayari sa buhay ko. Kahapon lang ordinaryong empleyado nyo lang ako na minamanyak mo, tapos ngayon hindi ko na alam kung saan ko ilalagay ang sarili ko, tapos malalaman ko na bampira pala kayo, tapos nakilala ko ang mga magulang mo at ngayon nga nasa loob ako ng... ng... palasyo nyo.. at.."

Hindi ko na natapos ang mga sinasabi ko dahil sinilyohan nya na ang bibig ko ng mga labi nya.

He kissed me hard, but full of passion.

Hindi ko alam kung ano bang kapangyarihan meron ang halik nya at nagagawa nyang mapasa ilalim ako niyon.

The moment na maglapat ang mga labi namin ay nakakalimutan ko na ang lahat ang takot at inhibisyon ko.

I response to his kiss whole heartedly.

His lips taste so good para iyong pagkain na napakasarap lantakan hindi sya nakaka umay sa halip the more na natitikman ko sya the more na hinahanap hanap ko sya.

We been french kissing for more than a minute ng may sumabog ng malakas at umuga ang sasakyan namin.

Dahil sa gulat ay naitulak ko si Matthew.

"Oh fuck!.... Not my car Elizabeth!" Nanggigil na sabi nya sa malakas na boses, na para bang may kinagagalitan sya.

Biglang bumukas ang pinto ng sasakyan nya sa side ko binuksan iyon ng isang napakagandang babae na kaedad ko lang yata at naka ngiti sya sa akin.

"Hi sister in law...." Bati nya sa akin.

"Hi bro... sorry about your car, kasi naman kung makahalik ka halos kainin mo na ng buo ang mukha ni Gen, para kang mauubusan."

Naginit ang mukha ko sa sinabi ng babae, ako man kasi ay ganun din yata ang ginawa kay Matthew at nakita nya yun.

"Come on Gene." Inilahad nya ang kamay nya sa akin para alalayan ako sa pagbaba, na hindi naman kailangan ngunit tinangap ko na rin pakiramdam ko kasi ginawa nya yun bilang tanda ng pakikipag kaibigan.

"Bye the way I'm Elizabeth mext week is my 100th birthday invited ka sa party."

Muntik na akong ma out balance sa dalawang kadahilanan una dahil sa sinabi nya na 100 years old na sya at pangalawa dahil sa napakalambot na white carpet na nakalatag mula sa mismong pinto ng sasakyan ni Matthew papasok sa loob ng palasyo.

"Shut the fuck up Elizabeth.!" Singhal sa kanya ni Matthew.

"Bakit kuya, hindi nya pa ba alam na 125 years old ka na.? oh my... sorry... its not my secret to tell, pero nasabi ko na, at mukhang okey lang naman kay Gene.... di ba Gene okey lang sayo magka jowa ng 125 years old na vampire."

Of course not. Sigaw ng utak ko, yun ngang maging bampira sya ay hindi matanggap ng utak ko how much more yung katotohanang mas matanda pa sya sa tatay ng lolo ko. sus ginoo.

But wait ano bang problema ko hindi ko namam sya jowa ah. Boss ko sya.

Pero hindi ko yun sinabi, sa halip nginitian ko lang sya.

"Elizabeth.!" Tawag ni Matthew sa kapatid nya na hilahila na ako papasok sa bahay nila.

Magkasabay kaming humarap kay Matthew.

"What the hell did you do to my car.?!" Galit na sabi nya habang itinuturo ang gulong sa hulihan ng sasakyan nya.

"Wala  naman pinasabog ko lang." Parang wala lang na sabi nya.

"You Brat! " nangangalaiting sabi ni Matthew.

"Sus palitan mo na lang madami ka namang collection ng luxury car sa garrage mo." Sani ni Elizabeth sabay turo sa isang side ng bahay.

"But this one is my favorite."

"I know right, dahil convertable into bed ang back seat nyan, so easy for you to have sex with the random girls you want anytime anywere."

Biglang nawala sa gilid ng sasakyan nya siMatthew tapos bigla syang lumitaw sa tabi ko a mariing tinakpan ng kanyang dalawang kamay ang magkabilang tainga ko.

"Wag kang maniniwala sa sinasabi ng spoiled Brat na yan hindi totoo yung sinasabi nya, wala pa akong ibang babaing isinasakay sa sasakyan na yan maliban sayo."

Bakit sya nagpapaliwanag, ano namang pakialam ko, pero bakit galit yata ako...

Galit talaga... Naiinis siguro... but what the heck ano bang pakialam ko hindi ko naman sya kaano ano, hes just my boss.

"Shit!.. Elizabeth pipilipitin ko yang dila mo. "

"Oh sorry.. just kidding Gene... my brother has been celebate for 26 years. I just teasing him. Ang sarap nya kasing asarin kasi masayado syang seryoso, boring." At itinirik nya ang kanyang mata at nag patiuna ng naglakad papasok sa loob.

"Pasensya ka na sa kanya shes a childish brat."

Nagkibit balikat lang ako.

"Pumasok na tayo sa loob kanina pa nila tayo hinihintay."

Kinuha nya ang kamay ko at pinagsalikop ang mga daliri naman bago kami sumunod kay Elizabeth.

May kahabaan ang white carpet na nilalakaran namin dahil medyo malayo sa pinto ng bahay ang path walk papapunta roon.

"Baby...ano bang iniisip mo kanina ka pa walang kibo.? Gusto kong patayin si Marcus dahil iblinock nya ako sa isip mo kaya ngayon hindi ko alam kung galit ka ba o ano." Naiinis na sabi nya.

"Bakit white carpet di ba dapat red.?" Sabi ko na malayo naman sa tanong nya.

"Its my moms idea hindi ko rin alam sa mommy ko. Paiba iba kasi ang kulay ng Carpet na ipinalalatag nya sa tuwing may dumarating na importanting bisita."

Bigla kong nahigit ang kamay nya na hawak ko.

"May importate pala kayong bisita, hindi na ako sasama sa loob nakakahiya, hintayin na lang kita dito sa labas."

Ayaw ko ng pumasok sa loob baka kasi makaabala lang ako sa kanya, mukhang may importanting bisita nga sila kasi masyadong magarbo ang ayos ng palasyo nila.

Nginitian nya ako, yung klase ng ngiti na makalaglag... panty...

"Ikaw ang importanting bisita na hinihintay ng lahat. "

The Immortals LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon