CHAPTER 4

1.2K 59 5
                                    

Hating gabi na ng makarating kami ni Barbie sa condo namin, agad itong pumasok sa silid nya para matulog. Pero ako ayaw dalawin ng antok. Sa tuwing pumipikit ako ay nakikita ko ang lalaki sa panaginip ko at mukha ni President Matthew ang malinaw na imahe na nakikita ko sa lalaki.

Hindi ko na alam kung ano ang nangyayari sa akin. Pakiramdam ko nababaliw na ako.

Madaling araw na ng pagbigyan ako ng aking mga mata na makatulog.

Makalipas ang isang oras na tulog.

"Genesis...gumising ka na dyan dalian mo, tumawag ang secretary ng dating President Levi, pinaaga daw ni President Matthew ang meeting natin." Nagpapanic na sabi ni Barbie na halos mabingi na ako sa lakas ng boses nya.

"Gaano kaaga.?" Nakapikit pang tanong ko.

"8am" sagot nya.

"8am pa naman pala.... bakit ka nagpapanic.? Anong oras na ba.?" Hindi pa rin ako dumidilat.

"7:15"

"Jolly shit!"

Bigla akong napa bangon, nagising lahat ng himaymay ng aking laman.

Limamg minuto paligo, plus limang minuto pag bihis, plus isang oras sa traffic equals thirty minutes late.

Pagdating namin sa kompanya.

"The meeting is adjourn. "

Agad.

Tumingin ako sa relo ko.

8:35.....35 minutes lang ang meeting.

Nsgsilabasan na ang mga kasamahan namin, kami ni Barbie naiwang nakatayo.

Tumayo narin si Matthew.

"You two are fired."

Sabi nito at naglakad na sya papasok sa opisina nya.

Awang awa ako kay Barbie na hindi na napigilan ang mapaiyak.

"Bakit ba ngayon pa nangyari to, kung kaylan may sakit ang Papa ko... Gene papano na ako."

Napapikit ako. Sa akin okey lang kasi madali naman akong makakahanap ng trabaho at malakilaki rin ang naipon ko kaya pa akong buhayin niyon sa loob ng ilang buwan. Pero si Barbie alam kong napakahirap para sa kanya ang mawalan ng trabaho.

Inipon ko ang lahat ng lakas ng loob na meron ako bago ako naglakad papunta sa opisina ng Presidente.

Pagdating ko sa floor kung nasaan ang opisina ng presidente ay tumayo muna ako sa tapat ng pinto, para ihanda ang sarili ko sa pakikilagharap sa kanya.

Ang lakas na naman ng kabog ng dibdib ko. Sa totoo lang natatakot ako na makipagharap sa kanya pero gagawin ko yun para sa kaibigan ko.

Pinindot ko ang intercom.

"Yes.?" Sabi ng isang malamig at baritonong boses mula sa speaker.

"Mr. President sir, this is Miss Genesis Santillan the Production Manager, may i speak with you please."

Matagal bago muling ngsalita ang Presidente, tila ba nagisip pa ito kung kakuspin ako o hindi.

Tumunog ang electronic lock ng pinto.

"Come in." Sabi nya.

Dahan dahan kong itinulak ang sliding glass door. Agad na sumalubong sa akin ang amoy ng lalaki sa panaginip ko. Lalong bumilis ang tibok ng dibdib ko. Parang gusto ko ng tumakbo palis doon.

"Miss Santillan I'm a busy person so please don't waste my time."

Pinilit kong ihakbang ang mga paa ko papasok sa loob.

The Immortals LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon