Pagdating sa condo namin ni Barbie ay dumiretso ako sa silid ko at nahiga ako sa kama ko na naka tagilid at nakapamaloktot yakap ang sarili, panay ang agos ng luha sa aking mga mata.
I miss him.
Hindi ko alam kung gaano ako katagal na umiyak bago nakatulog.
Paggising ko ay madilim na sa loob ng silid ko, ng tingnan ko sa digital clock sa bedisde table ko ay magaalauna na ng madaling araw.
Napansin kong maayos na nakakumot sa katwan ko ang comforter ko, nakabihis na rin ako ng damit pantulog.
Binihisan yata ako ni Barbie.
Babangon sana ako para pumasok sa banyo ng maamoy ko sa kama at unan ko ang amoy ng lalaki sa panaginip ko na alam ko na ngayon na si Matthew.
"Matthew.." Tawag ko sa pangalan nya sabay bangon ng mabilis, baka kasi hindi pa sya nakakaalis,
"Matthew." Muling tawag ko sa kanya, pero nag echo lang sa loo ng silid ang boses ko.
Hinanap ko sya sa banyo at sa labas ng kwarto ko sa sala sa kusina pero wala sya. Kaya bumalik na lang ako sa silid ko na mabigay ang dibdib.
Hindi na ako nakatulog pa uli, pilit kong iniisip ang mga nangyari at kahit saang angulo ko tingnan alam kong hindi ako nanaginip totoo si Matthew at mahal ko sya, hindi ko alam kung papano nangyari yun ng ganun kabilis pero wala na aking pakialam basta ang alam ko mahal ko sya at hanapin ko sya kahit na anong manyari.
Kinabukasan maaga akong bumangon, hindi para pumasok sa opisina kundi para puntahan ang pent house ni Mathew kung saan kami natulog ng huling gabi na nakasama ko sya.
Bigo akong umalis ng pent house niya ibang tao ang nakatira doon at ayon sa kanya ay limang taon na syang naininirahan doon.
Buong maghapon na naglakad lang ako ng naglakad papunta sa sa mga mall at publjc places, nagbakasakali na makikita ko sya, pero bigo ako.
Gabi na pero wala pa akong balak umuwi dumiretso ako sa bar na madalas naming puntahan sa bar kung saan ipinakilala nya ako sa mga tinawag nyang sucker.
Umupo ako sa bar counter at umorder ng hard drink gusto kong magpakalasing.
Napansin kong nagdalawang isip ang bar tender kung bibigyan ba ako ng inomin na inorder ko o hindi.
Tiningnan ko sya sa mata.
"Just give me a drink that i want now." Mahina ngunit mariing sabi ko sa kanya.
"Yes maam." Mabilis na sagot nya.
Habang magisang umiinom, pakiramdam ko ay may mga matang nakamasid sa bawat kilos ko, ngunit sa halip na matakot ay mas naging panatag pa ang pakiramdam ko.
Gusto kong magpakalasing para makalimutan ko si Matthew subalit sa halip na mangyari yun ay mas nadagdagan ang pananabik ko sa kanya. I anna feel his presence, his touch his embrace and his aweet kisses.
Uminom ako ng uminom na walang ibang laman ang isip ko kundi ang lalaking mahal ko. Uminom ako ganggang sa bumigay na ang katinuan ko.
Lasing na lasing na ako ng may lumapit sa aking lalaki.
"At ano ang ginagawa ng isang napakagandang babae sa loob ng bar at umiinom ng magisa." Mapangakit na sabi nya sa akin.
Tiningnan ko sya at nginitian.
Gwapo sya, pero mas gwapo si Matthew.
"Sir leave her alone please." Sabi ng bar tender sa lalaki.
"But why, i just wanna know this beautiful lady and shes alone kaya wala naman sigurong masama dun. Hindi ba Miss.? I'm justin"
Iniabot nya sa akin ang kamay nya para makipagkamay. Hindi ko iyon pinansin sa halip ay nagpatuloy ako sa paginom.
"Wow.... hard to get i like that."
"Sir if i were you gawin nyo na lang ang sinasabi ko. Leave the princess alone before the prince gets you." May pagbabantang sabi ng waiter.
Ngunit hindi ito oinansin ng lalaki.
Kumabog ng malakas ang dibdib ko
May naramdaman akong galit na hindi ko maintindihan kong para saan.
"Wanna Dance with me baby?" At hinapit nya ako sa beywang.
Iniangat ko ang kamay ko para sampalin sya, pero bago pa tumama sa pisngi nya ang kamay ko ay tumilapon na sya sa gitna ng dance floor. Ganun kalayo ang nilipad nya.
Then a familiar scent invade my senses.
"Matthew...."
"Baby." Puno ng damdaming sabi nya
Kahit pa wala na ako sa katinuan, dahil sa jakasungan malinaw pa rin sa akin na totoo ang lalaking nakatayo sa harapan ko.
"Bumalik ka... Binalikan mo ako... "
Naguunahan sa paglatak ang mga luha ko.
Bigla nya akong ikinulong sa mga bisig nya at puno ng pananabik na inangkin ang mga labi ko. Agad ko iyong tinugunan ng kaparehong intensidad kapwa kami parang uhaw na uhaw sa isat isa.
Napakahigpit ng yakap ng isang kamay nya sa beywang ko, habang ang isa naman ay nakasuporta sa ulo ko.
Ako naman ay nakapulopot ang dalawang braso sa leeg nya.
Hindi lang simpleng halik ang panagsasalohan namin its a french kissing that full of fashion and love.
Kahit hilong hilo na ako ay nilabanan ko ang kagustohang ipikit ang aking mga mata at magpatangay sa kawalan.
Natatakot kasi ako na baka pagdilat ko ay wala na naman sya at ipagpipilitan ng lahat na nanaginip lang ako o kaya naman nababaliw na ako.
Umangat ang paa ko sa lupa, binuhat nya ako at nagsimula syang maglakad palabas ng bar.
Isinakay nya ako sa kanyang sasakyan ng akmang iiwan nya ako ay hinawakan ko sya sa braso.
"Wag mo akong iiwan please." Pagmamakaawa ko sa kanya.
"No baby hindi kita iiwan."
Hinalikan nya akong muli bago sya naglakad papunta sa driver side.
Sa loob ng sasakyan ay ibayong pakikipaglaban sa antok at kalasingan ang ginawa ko. Pinilit ko talagang hindi makatulog, at hindi ko pinakawalan ang kamay nya na nakahawak sa kamay ko.
Hanggang sa makarating kami sa condo namin ni Barbie, binuhat nya akong muli paakayat sa sa unit namin.
Madilim pa sa loob ng unit namin ibig sabihin wala pa rin ang kaibigan ko. Ididiretso nya sana ako sa kwarto ko, pero pinigilan ko sya.
"Gusto kung uminom ng kape."
"In the middle of the night magkakape ka.?"
"Yes please."
Ibinaba nya ako sa sofa.
"Ipagtitimpla kita."
"Thank you and i want it black and strong."
"Hindi pwede, hindi ka na makakatulog nyan."
"Yun naman talaga ang gusto ko, ang hindi ako makatulog, baka kasi pagising ko wala ka na naman, kung kinakailangan kong manatiling gising habang buhay wag ka lang mawala sa paningin ko gagawin ko Matthew Montiel my vampire Prince."