CHAPTER 7

1K 38 3
                                    

Kinabukasan.

"Hoy Genesis ano bang nangyari sayo kagabi ha.?"

Tiningnan ko di Barbie ng nagtatanong na tingin.

"At anong ibig sabihin ng tingin na yan wag mong sabihin na hindi mo alam ang nangyari, ano bang tinira mo at hindi ka magising gising kagabi... mabuti na lang inihatid ka ni Marcus kaya may nagbuhat sayo hanggang dito sa 20th floor."

"What.?" Nagulat ako sa sinabi ng kaibigan ko.

Pilit kong inalala kung ano ba ang nangyari kahapon.

Ang natatandaan ko nasa parking lot na kami sa baba, nagusap lang kami ni Marcus may mga sinabi syang hindi ko maintindihan. Seryoso yung usapan namin hanggang sa hahalikan nya sana ako pero bago pa man maglapat ang mga labi namin ay may narinig akong nabasag na parang salamin.

"Ang kotse ko.?" Yun agad ang unang pumasok sa isip ko.

"Hiniram muna ni Marcus, wala daw kasi syang nakuhang magsusundo sa kanya dito kagabi kaya hiniram na muna nya yung kotse mo, ipapahatid nya na lang daw dito ng maaga ngayon. Baka ng nasa baba na yun."

"Ah okey..." nagiisip pa ring sagot ko.

"Barb.... anong sabi ni Marcus sayo ano daw bang nangyari kagabi.?"

"Nangyari.? Wala naman daw nakatulog ka lang habang bumabyahe kayo pauwi at yun nga hindi ka nya magising gising kaya binuhat ka na lang nya, at binihisan na rin kita... nakikiiinis ka nga kasi ang bigat bigat mo. Alam mo bang hirap na hirap ako sayo ni wrestling na nga kita kagabi para mabihisan ka lang pero hindi ka pa rin magising gising."

Hindi ako makapaniwala sa sinabi nya, ako kasi yung klase ng tao na mababaw lang ang tulog. Ano nga kaya talaga ang nangyari kagabi para makatulog ako ng ganun kahimbing.

Bago mag ikawalo ay tumunog ang telepono sa unit namin.

Ako na ang sumagot kasi nasa banyo pa si Barbie.

"Hello..?"

"Maam.. good morning po guard po ito sa underground parking, nandito na po si Mr. Montiel."

Si Marcus akala ko ba kanina pa ang flight nya.. bakit nandito pa sya at bakit hindi na sya umakyat at kailangan nya pa talagang patawagin ang guard...ang lalaking yun talaga akala mo hindi sanay mag labas masok sa unit ko.

"Paakyatin mo na sya dito kuya guard."

"Hindi na daw po sya aakyat, dalian mo na lang daw po at wag mo syang paghintayin ng matagal."

Tumaas ang kilay ko. Bakit ganun..? ah baka nagmamadali na sya kasi mahuhuli sya sa flight.

"Ah kuya pakihingi na lang po sa kanya ang susi ng sasakyan ko at pakisabi mauna na sya at pakisabi na rin po salamat."

Ilang saglit ding nawala sa linya si kuya guard.

"Ah eh maam.... nagagalit na po si boss....dalian nyo daw po... kung ayaw nyong mahawalan ng trabaho.... eh...maam.... parang aawa nyo na po dalian nyo na dahil baka kami naman ang mawalan ng trabaho dito."

Nagtaka ako sa sinabi ng guard, ikalawa sa may mataas na posisyon sa kompanya si Marcus kahit kaylan ay hindi nya ginamit ang posisyon nya para pasunurin ang mga tao sa gusto nya.

Baka nagmamadali lang talaga sya.

Nagmamadali na ako sa pagbaba, iniwan ko na si Barbie may sarili naman syang sasakyan kaya okey lang sa kanya.

Pagkalabas ko ng elevator sa parking area ay hinanap ko kaagad ang kotse ko, pero hindi ko iyon makita.

"this way maam.." sabi ng guard na iginiya ako papunta sa kulay puting lamborgini...

The Immortals LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon