chapter 10

925 42 1
                                    

Sa loob ng sasakyan ay pareho kming walang imik, nagngingit ngit ang kalooban ko, gusto kong manapak ng boss.

"Don't even think about it sweety." Mahinahong sabi nya.

Napakunot ang noo ko, tiningnan ko sya.

"Excuse me.?" Ako

"Ang manapak ng boss."

Hala nabasa nya ang iniisip ko.

"Yes i can read your mind When we are both thingking each other."

Naginit bigla ang mukha ko sa sinabi nyang yun.

"How did you do that...Sir..." muntik ko ng makalimutan na boss ko pala sya dahil sa sinabi nya.

"I have my way." at umangat ng bahagya ng gilid ng labi nya.

Pilit kong pinakiramdaman ang srili ko kung may takot ba akong nararamdaman.

Wala kahit kunti.

Bakit ganun.? Tanong ko sa sarili ko.

Dapat matakot na ako sa kanya kasi may mga nangyayari sa akin na hindi ko maipaliwanag at lahat yun ay may kaugnayan sa kanya.

"Please don't... wag kang matakot sa akin."

"Itigil mo yan." Pautos na sabi ko sa kanya, ni hindi ko na naisip na boss ko sya.

"Ang alin.?" Sabi nya.

"Yang pagbabasa mo sa isip ko "

"Then don't think of me."

Lalong naginit ang mukha ko dahil sa sinabi nya.

"Stop the car.. baba ako."

"No."

"Sir please.".

"No Genesis don't defy me. Hindi mo alam kung ano ang kaya kong gawin."

"Sir ano ba talaga ang kailangan mo sa akin."

"Matthew Gene, call me Matthew."

"No sir boss kita kaya dapat sir ang itawag ko sayo."

"Boss mo rin naman si Marcus, pero bakiy Marcus lang ang tawag mo sa kanya.?"

"Kaibigan ko si Marcus."

"Kaibigan huh..? May himig ng pagiinsulto ang pananalita nya.

Pinigilan kong tingnan sya ng masama.

"Wag mo syang paasahin sa wala, ngayon pa lang tapatin mo na sya na wala syang pagasa sayo."

Napatingin ako sa kanya. Ang seryoso ng mukha nya.

"Wag mong sabihing pati laman ng puso ko ay nababasa mo rin.?"

"Hindi, pero hindi yan pweding pasukin ng iba, kasi may nagmamayari na nyan."

Seryoso at nakakatakot ang hitsura nya ng sinabi nya yun, kaya nanahimik  na lang ako hangang sa makarating kami sa building kung saan naroroon ang condo ko.

Ang mga sumundod na araw ko sa trabaho ay hindi naging madali, pero hindi rin naman naging ganun kahirap.

Masasabi kong nakakatakot talagang maging boss si sir Matthew. Napaka istrikto nya at perfectionest but in a reasonable way.

Ni minsan ay hindi ko sya nakitang ngumiti. Lagi syang seryoso at subsob ang ulo sa trabaho.

Sa awa ng Diyos nairaos ko naman ng matiwasay ang isang buwan ng pagiging EA nya at sa tingin ko magsasama pa kami ng matagal basta manatili lang sya sa pagiging seryoso mya at wag nya akong titingnan sa mata o hahawakan.

The Immortals LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon