Malalaki ang mga hakbang na nagtungo ako sa tapat ng private elevator.
Bigla akong hinila ni Barbie.
"Gaga ka anong ginagawa mo dyan.?"
"Aakyat sa opisina ko."
"Opisina mo.? Dito po ang elevator natin... Ano bang nangyayari sayo.? Genesis tinatakot mo na ako ha."
Nakita ko ang kaseryosohan sa mukha nya kaya sumunod na rin ako sa kanya.
Nakiayon na lang muna ako sa mga nangyayari baka kasi mapagkamalan akong baliw ni Barbie.
Nagulat ako ng pag dating sa dating floor ng opisina namin ay nakita ko uli ang pangalan ko sa pinto ng dati kong opisina.
Genesis Santilla. Production Head.
Agad akong pumasok sa opisina ko dati, naandon lahat ng gamit ko. Walang nabago kung paano ang pagkakayos niyon noon bago dumating si Mathew at bago ako nalipat sa opisina ng CEO ay ganunpa rin.
It can't be.
Halos patakbo akong lumabas ng opisina ko pabalik sa elevator paakyat sa opisina ng CEO.
Nainig ko pang tinawag ako ni Barbie, pero hindi ko sya pinansin gusto kong makasiguro na hindi ako pinaglalaruan ng mga nangyayari sa paligid ko.
Pagdating ko sa floor ng opisina ng CEO ay dumiretso ako sa opisina nito mismo, tinawag pa ako ng receptionist pero hindi ko sya pinansin, walang katok katok na binuksan ko ang pinto.
"Yes Miss.Santillan what can I do for you..?"
Halos bumagsak ang mundo ko ng ang matandang Montiel ang nakita kong nakaupo sa upuan nya at Levi Montiel ang pangalang nasa ibabaw ng mesa.
"Miss.Santillan are you okey.? May kailangan ka ba.?"
Pinilit kong umiling.
"S'Sorry sir."
Pinilit kong humakbang palabas ng opisina nya kahit nanghihina ako ng husto.
Parang dinudrog ang puso ko.
Pinaglalaruan ba nila ako.? If yes hindi na nakakatuwa.
Hindi ko na napigilan ang pagpatak ng mga luha ko.
"Miss Santillan okey ka lang." Tanong ng EA ni Sir.Levi.,"
Hindi ko sya pinansin dumiretso ako sa hagdan ayaw kong dumaan sa elevator baka kasi kapag napagod ako sa pagbaba sa hagdan ay magising ako sa bangongot na yun.
Oo baka panaginip lang yun.
O baka naman tama si Barbie panaginip lang si Mathew Montiel panahinip lang ang isang buwan na nakasama ko sya, panaginip lang ang mga halik nya, panaginip lang ang pagpaoaramdam nya sa akin ng kaligayahan.
Pakiramdam ko ay doble ang kirot sa dibdib na nararamdaman ko ang isa ay para sa akin at ang isa pa ay hindi ko alam kung kanino.
Halos mapahiyaw ako ng biglang kumirot ang kanang kamao ko, pakiramdam ko ay dinudorog ang mga buto ko.
Then biglang parang may malakas na kamay ang humaklit sa braso ko.
Naalala ko ang huling eksina bago ako nawalan ng malay kahapon, sinasakal ni sir Levi si Matthew at naramdaman ko yun kung papano hindi ko alam basta pakiramdam ko sinasakal din ako at nangangapos ang paghinga ko.
Parang ngayon, May nangyayari sa katawan ko na hindi ko maintindihan.
Hinihingal na nakarating ako sa floor namin gamit lang ang hagdan.
Puno ng luha ang mga mata ko at nanghihina ang mga tuhod ko paglabas ko sa pinto ng hagdan.
"Genesis narinig kong tawag sa akin ni Barbie.
Bigla ay may malakas na pwersang tumama sa mukha ko, para akong sinuntok ng napakalakas, kaya napahiyaw na ako.
Bago pa ako matumba ay may mga bisig na sumalo sa akin.
"Gene."
"M-marcus.... M-marcus... make it stop please..." Pagmamakaawa ko sa kanya.
"Stop what.?" Nagugulohang tanong nya.
"Sinasaktan nila si Matthew... nararamdaman ko... please patigilin mo sila."
Tapos bigla na naman akong napahiyaw dahil pakiramdam ko ay itinapon ako at tumama ang likod ko sa isang napakatigas na bagay.
"Ahhh... tama na please.... tama na..." Umiiyak na sigaw ko.
"Shit!" Napamura si Marcus.
Sa luhaan kong mga mata ay nakita kong may tiningnan sya at agad na tumalima ang ilang empleyado sa floor namin mabilis silang pumasok sa elevator.
Binuhat aki ni Marcus at dinala sa hindi ko alam kung saan. Nanlalabo na ang mga mata ko dahil sa luha.
"Marcus, Nasaan si Matthew gusto ko syang makita, dalhin mo ako sa kanya please."
Ipinasok nya ako sa opisina ko at maingat na iniupo sa swivel chair ko.
Nakasunod naman sa kanya si Barbie.
"Genesis ano bang nangyayari sayo.?" Nagaalalang tanong nito.
"Nasaan si Matthew...? Marcus please gusto kong makita ang kapatid mo."
"Genesis ano bang nangyayari sayo.? Sinong Mathew." Sabi naman ni Marcus.
"Gene naman... kanina ka pa ka ma matthew dyan wag ka naman ganyan, tinatakot mo na talaga ako."
Naluluha na rin si barbie habang pinupunasan ang mukha ko.
"Kung sya ang lalaki sa panaginip mo kalimutan mo na sya, panaginip lang sya."
"No.... hindi sya panaginip totoo sya... Marcus sabihin mo sa kanya na totoo si Marhew kapatid mo sya." Umiiyak na sabi ko.
Umiling si Marcus.
"Gene, wala akong kilalang mathew at waka aking kapatid. I think kailangan mo munang magpahinga, iuuwi na muna kita."
"Hindi... ayaw kong umuwi... gusto kong makita si Mathew alam ko naririto sya nararamdaman ko sya... dalhin mo ako sa kanya. Parang awa mo na. Wag nying gawin sa akin to... Hindi ko alam kung papano nyo ginawa to kung papano nyo nabago ang lahat... pero ako, hindi nyo mababago ang takbo ng utak ko ang laman ng puso ko, Marcus please alam kong alam mo kung ano ang sinasabi ko, Magkaibigan tayo di ba wag mo namang gawin sa akin to, Nakikiusap ako sayo."
Muli ay umiling si Marcus.
"Gene i think kailangan mong magpahinga muna iuuwi na kita."
"No.!" Malakas na sigaw ko.
"Okey fine kung ayaw nyong maniwala sa akin ar iniisip nyong nababaliw ako, bahala kayo, Basta ako hahanapin ko sya at hindi nyo sya maitatago sa akin dahil mahahanap at mahahanap sya ng puso ko." sabi ko na kay Marcus nakatingin.
Tumayo ako at naglakad palabas ng opisina ko, balak sana nila akong pigilan. Itinaas ko ang kamay ko.
"Kaya ko, tama kayo uuwi na muna ako, kailangan ko munang magpahinga binogbog ng kung sinoman si Mathew at yun din ang nararamdaman ko ngayon, masakit ang buong katawan ko pero higit na masakit ang dibdib ko kasi doble ang sakit na nararamdaman nito para sa akin at para kay Mathew. Alam kong alam mo kung ano ang sinasabi ko Marcus dahil nakita mo na ito sa mommy mo nararamdaman nya kung ano ang nararamdaman ng daddy mo at wag mong sasabihin na hindi mo alam ang sinasabi ko dahil sasabihin ko sayo Bampira man o Tao pareho lang silang may puso."